CHAPTER 7

2051 Words
PAGKAUWI ko ay naalala ko na naman ang nangyari kanina. Paano ba naman kasi ay kada pumipikit ako ay nakikita ko ang paglapat ng mga labi namin ni Sir Leif, maging ang pagtawa niya after nu'n. “Oh, Lord, bakit po ganito ang ginawa niyo? Ang crush ko po ay si Lennox at hindi ang kakambal niya! Pero, bakit si Sir Leif ang nahalikan ko, siya pang boss ko sa G. Smith Company!” Kausap ko sa aking sarili habang nakatingin ngayon kay Papa God. Katatapos lamang namin kumain at hindi pa rin talaga mawala sa isipan ang kaninang ganap. Hindi na siguro ito mawawala sa aking isipan dahil sa katangahan na ginawa ko kanina. Maging ang pagtitig sa mukha ni Lennox ay nagiging si Sir Leif sa mata ko. Kaya imbis na manood ng mga Commercial and Music Video ni Lennox sa YouVid ay tinigil ko na lamang. Nababaliw na yata ako puro si Sir Leif ang nakikita ko kay Lennox, alam ko namang kambal silang dalawa pero may pagkakaiba rin sila. Itutulog ko na lamang ito at baka bukas ay hindi ko na maalala itong nangyari kanina. Sana nga lang. Mabuti na lamang ay Friday na bukas. Dalawang araw na lamang ay matatapos na ang week ko na naka-assign dito. Maaga akong nagising at naalala ko na naman ang mukha ni Sir Leif pagkagising ko. Iyong mukha niyang tumatawa at nakangiti habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung siya ba talaga ang kaharap ko kahapon, o, ang crush kong si Lennox. Para kasing nag-360 degrees ang ugali niya kahapon. Pero, bigla na lamang ako napapikit ulit at napabuga dahil naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Nahalikan ko sa labi si Sir Leif. Hindi lamang iyon dahil gumalaw ang labi niya para halikan din ako. Akala ko talaga pagagalitan niya ako dahil sa lapastangan na ginawa ko. Hindi ko rin alam sa aking kamay basta na lamang kinuha ang pisngi niya at hinalikan. Sarap i-umpog ng ulo ko that time! Ginulo ko ang aking buhok at napapailing sa aking ginawa. Mabuti na lamang ay good mood siya kahapon at hindi ako pinagalitan! Nanlaki ang aking mga mata at halos mapatalon ako sa gulat nang may kumalabit sa akin. Nakita ko si Francis na nag-aalalang nakatingin sa akin. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib nang makitang siya lang pala. Akala ko tuloy ay may multo na. “Ayos ka lang ba, ate?” pagtatanong niya sa akin. “Huh? Ah-eh, oo naman, bakit?” sabi ko sa kanya at nakatangang nakatingin sa kanya. “Ah!” Mahabang 'ah' niya sa akin at lumapit sa lagayan ng aming bigasan. “Kasi po nakita kitang umiiling kaya tinanong kita. Baka po kasi masakit ang leeg niyo po.” Dagdag na sabi niya sa akin. Kaya napangiwi ako dahil sa sinabi niya. “G-ganoon ba? H-hindi naman masakit ang leeg ko.” sagot ko sa kanya at bumalik na sa aking ginagawa. “Ay, ate Kathleen, wala na po tayong bigas.” Napatigil ako sa pagpapa-plantsa. Ngayon ko lang naalala na i-plantsa ang uniform ko at uniform ng mga kapatid ko, masyado kasi akong lutang kahapon pagkauwi ko. “As in wala? Hindi na ba pwedeng ma-isaing ang natira, Francis?” pagtatanong ko sa kanya at umiling siya sa akin. “Hindi na po, ate Kath. Isang takal na lamang po ito.” sabi niya sa akin at pinakita ang isang takal na bigas. “Bibili na lang po ako sa tindahan ng kalahating kilo, ate Kath. May bukas naman na sigurong tindahan sa labas ng kanto.” Dagdag na sabi niya sa akin. “Teka, kukuha ako ng pera sa wallet ko...” Nilapag ko ang plantsa sa kabayo pero pinigilan na ako ni Francis. “Ako na, ate Kath. Saan po ba nakalagay?” tanong niya sa akin. Kaya tumango na lamang ako sa kanya. “Nasa bag ko, Francis. Dalawang kilo na ang bilhin mo, ha? At, sa linggo na lamang ulit tayo bumili ng kalahating sako ng bigas, sasahod naman na ako sa sabado kay Aling Florida and next week ay roon sa pinagtatrabahuan ko sa G. Smith Company naman.” sagot ko sa kanya at tumango siya sa akin. Ilang minuto lamang din ay lumabas na rin siya sa k'warto namin. “Ate, nakakuha na ako. Ginising ko na rin si Katrina. Bibili na ako, ate Kath.” sabi niya sa akin at lumabas sa bahay. Ako naman ay pinagpatuloy ang pagpa-plantsa sa mga uniform namin. Nagpahinga muna ako at saka naligo, mahirap na baka mapasma ako. Nang matapos maligo ay nakita ko na si Francis na nagsasaing, kaya siya na rin ang naligo. Nagbihis na ako at nakita kong bumili siya ng pandesal sa labas. Umupo ako sa mono block chairs namin, ang liit na talaga ng pandesal ngayon, dalawang kagatan na lamang ito. Sinawsaw ko ang pandesal siya sa kape ko at iyon na ang ginawa kong umagahan. Hinintay ko na lamang ding maluto ang kanin, nagbaon kasi ako wala nga lang ulam. Doon na lamang ang bibili. “Francis, Katrina, aalis na si ate, ha? Gisingin niyo na lamang si Mama!” Paalam kong sabi sa kanila at nakita ko ang paglitaw ng ulo ni Francis. “Ingat po, ate Kath!” sigaw niya pabalik kaya lumabas na talaga ako sa bahay. Nilakad ko na lamang papunta sa sakayan ng jeep. May mga nakakasabay naman akong ibang tao at mukhang papasok sila sa school or sa trabaho nila kaya safe naman na lumakad. May mga street light post naman sa amin kaya hindi masyadong nakakatakot lumakad na mag-isa. Nang makarating sa may kanto ay naghintay na ako ng jeep na masasakyan. Alam ko namang madalang pa ng ganitong oras ang mga sasakyan kaya for sure ay punuan ang mga dadaan na jeep. Naghintay ako rito hanggang may dumaan na kunti lamang ang sakay. Sumakay na ako at nagbayad na rin, baka kasi makalimutan ko pa Nakatuntong na naman ako sa utility room namin. Ako pa lang ang nandito. Napaaga na naman ako ng pasok. Bakit kasi ang bibilis magmaneho ng mga jeepney driver kapag madaling araw? Akala ko medyo mala-late ako ngayon dahil nga ilang minuto akong naghintay bago makasakay pero iyong jeep na sinakyan ko kanina ay byaheng langit yata sa sobrang bilis magmaneho. Ginawa ko ang mga routine ko bago mag-umpisa ang duty namin. Nang mapansin na kumpleto na kami ay nagpaalam na ako kila ate Lovely, mauuna na akong maglinis para walang istorbo at mapadali ako. Una ko ngang pupuntahan ay ang 8th floor. Narinig ko kasi kay Kuya Victor na mga eight ng umaga dumadating sila Sir Leif Tulak-tulak ko na ang aking cleaning cart papunta sa elevator. Hinihintay ko na lamang ito bumaba kung nasaan akong floor at pagkahinto nito sa tapat ko ay pumasok na ako. Wala pang gaanong empleyado, mostly kasi ay alas-otso rin ng umaga ang mga pasok nila, iyon iba nga lang ay early bird. Pinindot ko ang 8th floor. Sa dalawang araw na natitira ay iyon na ang uunahin ko para hindi makita si Sir Leif. Nahihiya talaga ako a ginawa ko kahapon. Parang gusto ko na lamang bumuka ang kinatatayuan ko kahapon at maglaho ako sa harapan niya. Ganoʼn ang pakiramdam ko. Nang bumukas ang elevator ay lumabas na ako. Gulat na napatingin sa akin ang guard na nandoon. “Oh, ang aga niyo ngayon dito, Miss.” Takang sabi niya sa akin. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. “Una ko na ho lilinisin ito at bukas po. Hanggang bukas na lamang po kasi ang aming floor assignment.” Dahilan na sabi ko sa kanya. “Nandyan na po ba sila Sir Carl?” pagtatanong ko habang nagwawalis na ako rito sa receiving area nila. Umiling siya sa akin. “Mamayang 8 pa ang pasok nila Sir Leif, Miss.” sagot niya sa akin kaya napangisi ako nang palihim. Buti na lamang narinig ko ang tungkol sa oras ng pagpasok niya sa office. Dapat nu'ng isang araw ko pa ito ginawa. “Ah, ganoʼn po ba? Salamat po!” Iyon lamang ang sinabi ko at nag-focus na sa paglilinis. Lahat ng sulok ay nilinisan ko hanggang sa harap ng office ni Sir Leif. Napatigil ako sa pagwawalis nang maalala ang sinabi ni Sir Carl, isama ko na raw ito always kapag maglilinis ako sa 8th floor pero paano ko lilinisan ang loob kung nakasarada ang pinto? Nag-try kasi akong buksan pero lock ito. Tinignan ko na lamang ulit at saka bumalik ako sa pagwawalis and pagma-mop. Hindi ko naman siguro kasalanan kung hindi ko malilinis, ʼdi ba? Napaaga lang naman ang linis ko ngayong araw. Natapos na akong maglinis at wala aking nakaligtaan na puntahan na sulok sa buong floor na ito kaya lumabas na ako at bumaba sa second floor, kasama ang aking cleaning cart. Dumadami na nga ang gumagamit ng elevator, nagsisipasok na kasi ang mga empleyado. Pagkababa ko sa second floor ay bumungad sa akin ang guard. “Mukha hinuli mo ngayon ang second floor, Miss Kath.” sabi niya sa akin. Imbis na sumagot ako and ngumiti na lamang ako sa kanya. Hindi na rin ako nagsayang ng oras ay naglinis na rin ako. Wala dapat ma-aksayang oras para sa aming mga janitor and janitress. Pasadong alas-nuwebe nang matapos na ako. Inabot din ako ng three hours sa paglilinis sa dalawang floor na naka-assign sa akin. Kung sasabihin niyong madali lang naman ang maglinis ay hindi, siyempre kailangan mo bigyan ng pwersa iyong paglilinis mo lalo na kung madilim ang floor o anuman ang nililinis mo. Kung walang pwersa na gagamitin ka hindi iyon matatagal. “Sige na, ate Lovely, una na po akong aakyat!” paalam ko sa kanila at kinuha na ang walis tambo, dustpan and basahan ko. Magwawalis na agad ako para makapaghinga na agad ako mamaya sa utility room at para hindi ako pagod kapag nasa Karinderya naman ako ni Aling Florida. Iniwanan ko na sila roon dahil kumakain pa sila ni ate Leslie. Tapos na kasi akong kumain at nakapagbaba ba ako na aking kinain kaya ayos na akong mag-trabaho ulit. Bitbit ko ang walis tambo, dustpan and basahan habang naghihintay rito sa harap ng elevator. Uunahin ko muna ang second floor bago ang eight floor. Nakatingin na ako sa harap ng pinto ng elevator nang makita papunta na ito sa floor, nakangiti ako nang bumukas iyon pero bigla rin naglaho nang makita ang sakay. Lagot. Si Sir Leif. Bakit nandyan siya? May family elevator sila, ʼdi ba? Nanigas ang aking mga paa sa kinatatayuan ko. Ayaw humakbang nito papasok sa loob ng elevator man lang. Paano ba naman kasi ang aking isipan ay sinasabi na huwag sumabay kay Sir Leif. Kaya ayaw sumunod ng mga paa ko pero ang puso ko ay todo kabog naman. “Hindi ka ba sasakay?” Nakasimangot na sabi ni Sir Carl sa akin. Nakatingin siya sa buong pagkatao ko. Lalong ayokong sumabay dahil sa sinabi niya. Umiling ako sa kanya. “Um, hindi na po. Maghahagdan na lamang po a—” Naputol ang aking sasabihin nang hilahin ako ni Sir Leif. “Eh?” Gulat kong sabi at napatingin sa labas ng elevator nang makita kong pasarado na iyon. “Why don't you go to the 8th floor to clean?” Napalunok ako nang aking laway nang magtanong si Sir Leif. “Ah-eh, maaga po akong naglinis kanina.” sabi ko at hindi ako tumitingin sa aking likuran. Nasa likod ko kasi siya. Bumukas ang elevator at nakita ko ang pag-atras ng mga empleyado nang makita ang sakay. Sana nga lang hindi ako ma-tsismis, ʼdi ba? Gusto ko rin naman hindi sumakay rito pero hinila ako ng nasa likod ko. “What time do you clean? My office room is dirty, it should be cleaned.” Kanina pa ba ako napapalunok dito. “Alas-sais po, after ko po sa second floor. Sige po, bababa na po ak—o” Hindi ako nakababa dahil pinindot agad ni Sir Carl ang close button sa elevator. “Unahin mo ang 8th floor, iyon ang utos ko.” Madiin na sabi niya sa akin, kaya wala na rin akong nagawa sa sinabi niya. Wala pa rin pala akong takas sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD