CHAPTER 4

2219 Words
NANLALAKI ang mga mata ko nang makita si Sir Leif na naglalakad ngayon. Nasa likod niya si Sir Carl at nasa paligid nila ang mga babaeng empleyado na may gusto sa kanya. Totoo ngang nandito na siya. Anong gagawin ko mamaya? Hindi ako mapakali at halos naka-fix ang aking tingin kay Sir Leif ngayon, na walang emosyon na nababakas sa kanyang mukha. Ni hindi nga niya pinapansin ang mga babaeng todo tingin sa kanya. Mas approachable talaga si Sir Lennox kaysa sa kanya. Kahit noong na kasama ko si Sir Lennox sa isang commercial shoot noon ay sobrang bait at gentleman niya, kaya ang dali naming natapos ang shooting that time. And, ang parents nila ay sobrang bait din. Doon ko lang naranasan ang ganoʼng kabaitan. Akala ko kasi kapag mayayaman ay masusungit at matapobre. Napaiwas ako ng tingin nang mapansing nakatingin sa aming direksyon si Sir Leif. Teka, ako ba ang tinitignan niya? “Oh my gosh! Nakita niyo ba iyon, girls? Tumingin sa gawi ko si Sir Leif! Crush yata ako ni Sir Leif.” Napangiwi ako sa sinabi ng katabi ko. Hala, sana ayos lang siya, ano? Hinampas siya nang kasama niyang babae. “Huy, never magkakagusto si Sir Leif sa mga empleyado, ano? Mayaman, matalino, masungit at higit sa lahat paniguradong mataas ang standard ng isang iyan, ano? Kaya imposibleng mahulog siya sa mga katulad natin.” Saway sa kanya ng kaibigan niyang babae. “In short, huwag kang ilusyunada.” Dugtong na sabi pa niya kaya pati ako ay natamaan. Teka, iyon din ang sinabi ko kanina. Ilusyunada rin pala ako. Palihim akong napakamot sa aking buhok. Makaalis na nga at baka abutan pa ako ng lunch break sa paglilinis. Hanggang three ng hapon lang naman ang work ko rito. Umalis na ako sa kumpulan at binalikan ang aking cleaning cart. Tinulak ko na ulit iyon at naghintay na pababang elevator. Sana nga lang ay hindi siya masungit ngayong araw. Pinapalangin kong good mood siya hanggang matapos ang linggo na duty ko sa 8th floor. Sinampa ko na ang aking cleaning cart, laking pasasalamat ko ay hindi puno ito. Siguro nandoon pa sila sa baba at tinitignan ang masungit ng anak naming boss. Napapailing na lamang ako sa kanila. Hindi ko naman sila masisisi. Gwapo, matalino at kamukha siya ng crush ko si Lennox dahil sa kambal silang dalawa pero ang pinagkaiba nga lang ay masungit siya, laging alburuto at higit sa lahat always siyang may pinapatanggal sa team niya and sa mga janitor/janitress na hindi maganda ang linis sa office room niya, sana hindi ako maging isa sa biktima niya. Bumaba ako sa second floor, lilinisan ko muna itong floor ng mga HR. Heto naman talaga ang una kong nililinis dahil mababait ang mga tao rito. Alam mo iyon kahit office base ang work nila ay hindi kami minamaliit na mga janitor and janitress lamang. Kaya gustong-gusto ko talagang maglinis dito. “Miss Kath, may dumi pa po rito. Alikabok po.” Napahinto ako sa pagwawalis. Luminhon ako sa tumawag sa akin at nakaturo siya roon sa office table niya. “Makapal po ba, Miss?” pagtatanong ko sa kanya at kukunin ko na sana ang aking feather dust. Iyon kasi ang ginagamit ko para sa alikabok. “Medyo po, Miss Kath. Alikabok po dahil sa mga wire ng mother board, monitor and keyboard nitong computer.” sagot niya sa akin kaya tumango ako. “Saglit lang po, Miss, hakutin ko lang po itong kalat na nawalis ko.” Ngiting sabi ko sa kanya at dinustpan ito. Tinaktak ko ang kalat sa trashbin ng cleaning cart ko. Binalik ko sa cleaning cart ang aking dustpan and walks tambo. Saka pumunta sa office table niya. Umalis na muna ang babae sa table niya and yumuko. Nakita ko nga roon ang kadabuhol-buhol na wires na sinasabi niya. Ang alikabok nga nu'n. “Gusto niyo po bang ayusin ko ang wires niyo, Miss? Sobrang nagkadabuhol-buhol ang wires ng mga gamit niyo po.” Tumingala ako sa kanya matapos kong tanggalin ang alikabok sa mga wires pero may mga natitira pa rin. “Hindi po ba kayo busy, Miss Kath?” tanong niya sa akin at umiling ako. Actually, ayokong pumunta pa sa 8th floor. Natatakot akong mapagalitan ni Sir Leif. Bakit kasi dumating agad siya? Hindi ba pwedeng magpahinga muna siya after ng meeting nila sa ibang bansa? Wala ba sa kanya ang salitang rest? Tumayo ako at kinuha ang aking pamunas, pupunasan ko ang mga wires dahil ang kapal din ng alikabok na nakadikit doon. Kinuha ko rin ang dustpan and walis tambo, nahulog kasi ang alikabok na natanggal ko roon. “Excuse me po ulit. Patayin ko muna po ang muna ang computer niyo...” sabi ko sa kanya at tumango siya sa akin. Shinut-down ko ang kanyang computer pagkatapos nu'n ay binaklas ko ang keyboard niyang naka-connect. “Ang galing niyo po, Miss Kath.” Puring sabi niya sa akin kaya napakamot tuloy ako sa aking buhok. Tinuro naman kasi ito noong nasa high school ako. Saka, gusto ko kayang maging teacher kung makakapag-aral ako ng college. Gusto ko kasing tumulong sa mga batang kapus na makapag-aral. Hindi naman ako tumagal ng labi ng-limang minuto sa pag-aayos ng mga wire and pagtanggal ng mga alikabok doon. Tumayo na rin ako at pinagpagan ang aking suot ng damit baka kasi ay may kumapit na alikabok sa damit ko. Bago ko siya pinaupo muli ay winalisan ko ang ilalim ng table at saka siya pinaupo muli. “Thank you, Miss Kath! Pasensya na kung nadagdagan sa work mo. Dapat sa technician ko siya ipapaayos pero busy raw silang ayusin niyong generator.” sabi niya sa akin. Umiling ako sa kanya. “Wala po iyon. Sige po, maglilinis pa po ako sa banyo.” sabi ko sa kanya at lumapit sa cleaning cart ko. Tinulak ko ulit iyon papunta naman sa CR ng boys and girls. Nag-stay muna ako sa labas ng CR ng boys, may tao pa raw kasi. Ni-la-lock ko kasi palagi iyon kapag naglilinis ako. Nang lumabas ang lalaki sa loob ay pumasok na ako, iniwan ko ang cleaning cart sa labas at nilagay ng karatula ang pinto ng boys CR para walang pumasok. Naging mabilis ang paglinis ko sa kanila at maging sa girls CR. Wala naman kasing gaanong dumi, paniguradong after lunch ko mamaya roon iyon dudumi. Tinulak ko na ulit ang aking cleaning cart at napapalunok na nga ako habang hinihintay ang elevator na umakyat. Papunta na ako sa 8th floor. Sana naman good mood talaga siya. Tinatawagan ko na ang lahat ng Santo na kilala ko, sana dinggin niyo ang aking hiling. Halos kumawala na ang aking puso nang huminto ang elevator sa 2nd floor, nandito na ang kamatayan ko. Mapapasama ba ako sa isa sa mga mapapasisante niya? Ni-hindi ko man lang nakitang pumunta ang crush kong si Lennox dito sa company nila. Huwag naman sana. Sinampa ko na ang cleaning cart ko sa elevator, kung minamalas ka nga naman dahil wala akong kasabay man lang. Minsan kasi ay may nakakasabay akong kapwa kong janitor/janitress. Nakahawak ako nang mahigpit sa sa handle ng cleaning cart habang nakatingin sa taas, malapit na ako sa 8th floor. Huminto na nga ito at hudyat na nandito na ako. Bumukas iyon at bumaba na ako. Pagkababa ko ay wala akong naririnig na kahit anong tunog mula sa floor na itim. Kaya natatakot akong lumikha ng tunog dahil sa cleaning cart ko. Kahit gusto kong itulak ang cleaning cart ko nang tahimik ay lumilikha pa rin ito. Napatamgo ako sa security guard na nakabantay sa floor, tinignan lamang niya ako at bumalik sa pagkakatayo niya. Ibang-iba siya nu'ng wala sila Sir Leif. Paano ba naman kasi ay binabati niya ako at naka-upo siya roon habang naka-on duty siya. Ngayon ay alerto siya sa lahat ng bagay. Gaano ba katakot maging boss si Sir Leif, ha? Kung naririnig ko kila Kuya Victor ay sobrang bait ng mga magulang niya? Sana sa floor 5ft na lang ako nilagay, nandoon kasi ang office room ng daddy niya and ang uncle naman niya si Sir Godipher ay nasa 12th floor. Parehong mababait ang mga iyon. Siya lang yata ang pinaglihi sa sama ng loob. Winaksi ko na lamang ang aking iniisip at saka inumpisahan ang aking trabaho. Kailangan wala akong maligtaan na kahit anong dumi sa buong sulok ng 8th floor na ito. Wala, as in wala! Inumpisahan ko agad dito sa pinto ng elevator at maging family elevator nila. Winalis at minop ko iyon hanggang makitang kumintab na. Sunod na ginawa ko ay itong buong receiving floor nila ang aking nilinis. Kahit natatanggalan na ako sa paglilinis dito ay hindi ko alintana iyon, gusto ko lang malinis ito at hindi masisante. Napameywang ako nang makitang makintab na ang tiles sa receiving area nila, kaya pumasok na ako sa pinaka-loob ng floor na ito. Nandoon ang mga empleyado na sobrang tahimik at tanging tunog lamang ng mga keyboard ang maririnig at iba pang bagay, mga boses nila ay nakatikom. Yumuko ako sa kanila at inumpisahan na ang work ko. Kung noong unang punta ko rito ay tinuturo nila ang maruruming parts sa akin, ngayon ay dinedeadma nila ako. Ayaw talaga nila magsalita maging ang supervisor at manager na nandito. Kaya pinatalas ko na lamang ang aking mga mata para makita. Napatayo ako at pinunasan ang aking noo nang matapos ang buong floor na ito, halos inabot ako ng two hours sa paglilinis. Lalabas na sana ako sa floor na ito nang tawagin ako ng security guard. “Miss, iyong room pa raw ni Sir Leif.” Awat niya sa akin. Pasampa ko na sana ang cleaning cart. Paalis na sana ko sa floor na ito pero bakit mo ko pinigilan, ha? Gusto ko nang umalis dito! “A-ako raw po maglilinis?” tanong ko at tinuro ko ang aking sarili. Tumango siya ang guard sa akin. “Oo, Miss, kayo ang naka-assign ngayong week, ʼdi ba? Duty niyo rin iyon.” sagot niya sa akin. “Pinapapunta kayo ni Sir Carl. Iyon ang utos sa akin, katatawag lamang nila ngayon.” Dagdag na sabi niya sa akin kaya napatango ako. Binuwelta ko pabalik ang aking cleaning cart, papunta sa office room ni Sir Leif. Bakit ngayon pa niya gustong linisan ang kanyang office? Hindi naman yata marumi iyon, ʼdi ba? Huminga muna akong malalim at saka dahan-dahan lumapit kay Sir Carl — ang kanyang secretary, nasa labas lang kasi ang kanyang table. “G-good morning po, maglilinis po ako sa room ni Sir Leif. Pinatawag niyo raw po ako.” Mahinang sabi ko nang nasa harapan na niya ako. Tumaas ang kanyang tingin sa akin at tumango. “Yes, dalhin mo lamang ay ang walis tambo, dustpan and feather dust mo. Iyon lang ang need kong dalhin sa loob ng office ni Sir Leif.” Tumango ako sa kanyang sinabi at kinuha sa cleaning cart ko ang mga sinabi niya. Nang makita niyang bitbit ko na ang mga iyon ay pinapasok niya ako. “Huwag kang gagawa nang ingay. Naka-focus si Sir Leif sa mga papeles na hawak namin ngayon. At, para hindi ka rin mapagalitan.” Tumango ulit ako sa sinabi niya. Tumayo siya at kumatok sa pinto ng office room ni Sir Leif. Sumilip siya roon. “Nandito na po ang maglilinis, Sir Leif.” Narinig kong sabi at nakita ang paggalaw ng kanyang ulo. Tumingin siya sa akin. “Pumasok ka na at gawin ang trabaho mo nang tahimik. Umpisahan mo sa pantry, mini dining table niya and sa mini living room, huwag kang pupunta sa mismong table niya and Huwag mo na rin isama ang bathroom. Lalo na ang k'warto niya rito.” Madiin niyang sabi sa akin kaya tumango ako. Pinaalala ko iyon sa aking isipan na huwag galawin ang mga iyon. Pinapasok na niya ako at lalong nag-iba ang atmosphere rito. Hindi na ako nagsalita dahil iyon ang sinabi ni Sir Carl sa akin na huwag siyang istorbohin. Una kong winalisan ay itong sa pinto mismo at sunod akong gumawi sa pantry, ayon sa sinabi ni Sir Carl. Sinunod ko siya para hindi ako mapahamak. Hindi pa rin mawala ang kaba sa aking dibdib habang nagwawalis ako rito, kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Sir Leif. Napabuga ako nang hininga at napameywang habang nakatingin ako pantry na ito. Kumikinang naman na kasi ang sahig. Malinis na ito. Sunod ko ay ang mini living room area, kita ko rito ang seryosong mukha ni Sir Leif. Palihim akong napatingin sa kanya. Magkamukha nga talaga sila ng crush kong si Lennox pero sa ugali magkaiba. Bigla akong napaiwas nang makita ang pagtaas ng kanyang tingin. Buti na lamang ang bilis kong yumuko. Hindi na ako tumingin sa gawi niya at nagwalis na muna ako rito sa mini living roo. Pinunasan ko rin ang kanyang sofa at maging ang dingding, wala akong nilagpasan ni-isa para malaman niyang pursigido ako sa work ko. Nang makita kong malinis ang buong office room at nalinis ko na ang dapat linisin ay lumabas na rin ako. Hindi ako nagpaalam dahil nga sabi ni Sir Carl ay huwag siyang istorbohin. Pero, ramdam ko kanina na parang may tumitingin sa akin. Baka guni-guni ko lamang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD