Chapter 4

4365 Words
Nagkatinginan sina Ayesha at Dylan. Narinig ni Dylan ang sinabi ng dalaga. "Sinong gangster, ako ba?" usisa ni Dylan. Mas namilog ang mga mata ni Ayesha. Di ito nakapagsalita at mas lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib. Naghintay naman ng sagot si Dylan hanggang bumalik na si Jack sa kanyang upuan. "Saan ka ba nagpunta Dylan? Hindi ka na naman pumasok kanina sa klase.." sermon ni Jack sabay umupo sa upuan. Napalingon si Dylan sa kaibigan kaya agad namang umiwas si Ayesha at tumalikod na ito. "Nagpahangin lang ako.." ------- Napabuntong hininga si Ayesha at di mawala sa isip niya na kaklase pala nya ang lalaking iyon. Sa Physical education class nila, lahat sila ay pumunta sa gym. Nagpalit sila ng P.e uniform at  ng rubber shoes. Dala ni Ayesha ang P.E uniform niya maliban sa sapatos kaya ang suot niya ay iyong rubber shoes na pinahiram sa kanya. Habang naghihintay sa kanilang guro na si Mr. Fox, mag-isa siyang nakatayo sa gilid. Nagbibihis pa si Dorothy sa mga oras na iyon. Ang iba niyang kaklase ay nagkwekwentuhan at ang iba ay nakapalibot kay Jack at iniinterview ito. Gusto nilang makipagkaibigan sa binata na siyang may-ari ng paaralan. Pinagmasdan na lamang ni Ayesha ang mga kaklase niya at si Jack. Masaya naman si Jack na nakikipaghalubilo sa kanila. Masayahin ito at game na game sa kanila. Nang napalingon si Ayesha sa may kanan nya ay nakita niya si Dylan na nagsisintas ng rubber shoes. Hindi maalis sa kanya na siya ay gangster at takot siyang malaman nito na siya ang bumato ng sapatos. Umiwas ng tingin agad si Ayesha at di na sumulyap pa sa binata. Nilapitan ni Dorothy ang kaibigang mag-isa. Si Dorothy din ay walang kaibigan dahil na rin sa estado ng buhay kaya masaya itong makilala si Ayesha. "Pumunta na kayo sa inyong linya!" utos ng guro nang dumating ito sa gym. Agad namang sumunod ang mga estudyante. "Ang ating gagawin ngayon ay isang laro na tinatawag na dodgeball but with twist." "Wow!" Karamihan sa kanila ay naexcite. Nagpatuloy ai Mr. Fox sa pagsasalita, "Hahanap kayo ng kapareha. Dahil pantay ang bilang ng babae at lalaki, mamimili ang mga babae ng lalaking kapareha. Ang goal ng laro ay proprotektahan ng lalaki ang kaparehang babae laban sa iba na hindi matatamaan ng bola ito. Ang matatamaan na mga babae, matatanggal na sila ng kapareho niyang lalaki sa laro. Ang matitira ay siyang mananalo. Bibigyan ko din ng premyo maliban pa sa mataas na marka." Mas na-excite pa sila. Tuwang - tuwa sila sa gagawin lalo na ang mga babae. Naunang tumaas ng kamay ay si Pamela, isang babaeng tinagurian nilang Reyna dahil sa mayaman na, maganda pa. "Pipiliin ko po si Jack!" Nagulat ang ibang babae na gustong makapareho si Jack. Naghihinayang naman ang mga lalaki na may crush kay Pamela. Gusto din nilang makapareha si Pamela. Lumingon si Pamela kay Jack na nasa likod at ngumiti. Napangiti naman si Jack sa dalaga. Ang ibang babae ay nainis pero wala na silang magagawa. Para din sa kanila ay walang laban sila kay Pamela. "Okay, kayo ni Jack ang magkapareha Pamela!" Tugon ni Mr. Fox. Sunod-sunod ng itinaas ng mga babae ang kanilang kamay para pumili. Sumang-ayon ang guro sa kanilang pagpili. Itinaas naman ni Dorothy ang kamay, "Pipiliin ko po si Fin!" "Okay!" Masaya si Fin na siya ang pinili ni Dorothy. Si Fin ay medyo mataba pero mabait. Nakasuot din siya ng eyeglasses na may makapal na itim na frame. Ang lahat ay may kapareha na maliban nalang kay Ayesha at ang natitirang lalaki na si Dylan. Di siya nakapagtaas ng kamay dahil hindi naman niya kilala ang mga kaklase niya. "Ang naiwan nalang ay..." ani ni Mr.Fox na napatingin kay Ayesha. "Si Ayesha Sir!" Wika ni Dorothy. "Ahh, tama si Ayesha ang bagong estudyante at si ..." "Dylan sir!" tugon naman ni Jack. "Tama, Si Ayesha at si Dylan ang magkapareha!" Pagsang-ayon ng kanilang guro. Namilog ang mga mata ni Ayesha at di mapinta ang mukha sa gulat. Kung sino pa ang taong iniiwasan niya ay siya pang kapareha niya sa laro. Hindi matanggap ni Ayesha na magiging partner nya si Dylan. Kaya naman iisip siya ng paraan para makaiwas. Lumapit si Dylan sa kanya at magpapakilala. "Ako nga pala si Dylan.." ani ng binata sabay inangat ang kamay para makipagkamay sa dalaga. Tiningnan lang ni Ayesha ang kamay ng binata at agad nagpanggap na sumakit ang tiyan. "Aray! Ang sakit ng tiyan ko!" Pagsisinungaling ni Ayesha habang pahawak hawak sa sariling tiyan. "Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Dylan. "Pupunta muna ako sa ladies room.." pagpapaalam ni Ayesha na nagmumukhang namimilipit sa sakit ng tiyan. Tumakbo siya agad paalis sa gym. "Saan siya pupunta?" Tanong ni Dorothy na nakita ang kaibigang tumakbo. "Masakit daw ang tiyan niya.." tugon ni Dylan. Nanatili ng ilang minuto si Ayesha sa ladies room. Umupo lang siya sa nakasarang toilet bowl. Napapabuntong - hininga habang naghihintay sa oras. "Bakit kasi siya pa ang partner ko? Wala na bang iba? Haist!" Ang hindi alam niya ay hinihintay siya ni Dylan sa laban ng ladies room. Pabalik balik ito sa paglalakad habang pasulyap -sulyap sa pinto ng ladies room. "Masama siguro talaga ang tiyan niya.." Haka-haka ni Dylan na halatang nag-aalala sa kapareha. Biglang may naisip na paraan si Ayesha. "Makikipagpalit ako kay Dorothy ng kapareha. Sigurado papayag siya. Tama!" Napatayo siya nang napagdesisyonan na niya ang gagawin. Tiwalang tiwala siya sa kanyang sarili. Hindi na nagdalawang isip si Ayesha na lumabas ng comfort room. Nang lumabas siya ay napalinga-linga siya sa paligid. Tiningnan niya baka naroon si Dylan. Hanggang may nagtanong sa may likuran niya, "Okay ka na ba?" Tanong ng isang boses ng lalaki. Sumagot naman si Ayesha na di alam kung sino ang nagtanong na nasa likuran niya, "Okay na ako..." "Mabuti!" Pagkarinig ni Ayesha sa huling sinabi ng taong nasa likuran niya ay napatigil siya. May hinala siyang si Dylan iyon. Nilingon niya ang lalaki at tama ang hinala niya. Bakas sa mukha niya ang kaba. "Pumarito na ang 3rd batch!" Sigaw ng guro nila na rinig nila mula sa kinatatayuan nilang dalawa. "Tara!" aya ni Dylan sabay hinablot ang kaliwang kamay ni Ayesha. Nagulat amg dalaga sa di inaasahang paghawak ng binata sa kanya. Pagbalik nila sa gym ay tapos na ang second batch at may nanalo na. "Goodluck!" Masayang wika ni Dorothy. Napilitang ngumiti si Ayesha sa kaibigan kahit hindi alam ano ang nangyayari. "Ano ba ang ibig sabihin nito? Hindi pa pala tapos?" pabulong na tanong ni Ayesha na narinig naman ni Dylan. Sumagot ito, "Ginawa ni sir ng tatlong grupo. Kung sino ang mananalo sa bawat grupo, sila ay magtutuos sa huling round.." "Ganoon?" "Nasa second group sana tayo pero nakiusap ako sa kaibigan mo na magpalit ng grupo para mahintay ka." paliwanag ni Dylan. Hindi naman nagustuhan ni Ayesha ang ginawa ni Dylan na pakikiusap. Iniwakli niya ang kamay na nakahawak sa kanya. Medyo nagulat ang binata sa reaction ni Ayesha. "Bakit mo ginawa iyon?" naiinis na tanong ni Ayesha. Hindi nakasagot si Dylan hanggang tinawag na sila ng guro. "Ayesha, Dylan! Pumunta na kayo rito!" "Opo!" Sagot ni Dylan. Masama ang tingin ni Ayesha sa binata at si Dylan naman ay nagtataka sa pagiging mataray ng dalaga sa kanya. Napapakamot nalang siya at napapatanong sa sarili, "Ano bang ginawa ko sa kanya? Bakit ganyan siya?" Ang anim na magkapareha sa third round ay nagtipon na sa gitna. Nasa harapan ang mga lalaki at ready ng protektahan ang kanilang kaparehang babae na nasa likuran. Kahit nasa harapan si Dylan ay hinawakan niya ang kaliwang kamay ni Ayesha ng kanyang kanang kamay. "Diyan ka lang sa likod. Ako na ang bahala rito sa harapan!" Matapang na sabi ni Dylan na napakaseryoso. "Magpatalo nalang tayo.." mungkahi ni Ayesha. "Hibang ka ba? Bakit tayo magpapatalo kung kaya natin sila!" "Nag-aalala ka ba sa grade kung matatalo tayo?" Tanong ng dalaga na gumagawa ng paraan para kumbinsihin si Dylan. "Bawi nalang tayo sa ibang activities!" Seryosong lumingon si Dylan kay Ayesha. Ang dalaga naman ay kinabahan sa binata. "Wala akong pakialam sa grade. Ang mahalaga para sa akin ay mapatunayan kong maproprotektahan kita!" Biglang nakaramdam ng kakaiba si Ayesha. Napatitig siya sa seryosong mukha ng binata. Lumalakas ang bawat kabog ng dibdib niya. "Simulan na!" Sigaw ng guro. Nagsimula na ang pagtapon ng lalaki ng bola. Sinimulan na nilang umiwas sa bawat bato. Pagkabato kay Dylan ay agad tumalikod ang binata at niyakap si Ayesha. Napamudmod ang mukha nito sa may dibdib ni Dylan. Nagulat si Jack nang makita niya kung paano pinoprotektahan ng kaibigan ang isang babae sa laro. Nabigla din si Ayesha at namula ang kanyang pisngi. "Proprotektahan kita.." bulong ni Dylan. Natahimik tuloy si Ayesha. Napatitig siya at napapaisip. "Gangster ba talaga siya? Nakikilala niya ba ako na siyang nagbato sa kanya ng sapatos?" Tanong na nasa isipan lang ni Ayesha. Humigit 15 minuto ang itinagal sa pangatlong grupo. Magagaling sila pareho pero isa lang na magkapareha ang uusad sa last round. Nawala na sa isip ni Ayesha ang sumuko at ang tungkol kay Dylan. Napahawak na si Ayesha sa tshirt ni Dylan sa likod at ginagalingan ang pag-iwas kasama si Dylan. Pagkaraan ng ilang minuto ay may nagwagi na. Nagwagi sina Ayesha at Dylan sa kanilang grupo. "Congratz!" Bati ni Dorothy. "tayo ang maglalaban sa huli " "Huh?" Ang nanalo sa pangalawang group ay sina Dorothy at Fin. Sa unang grupo naman ay sina Pamela at Jack. Seryosong nakatayo ang tatlong grupo na magtutunggali. Hindi inaasahan ni Ayesha na aabot pa sila sa final round at ang isa sa katunggali niya ay si Dorothy. Nakangiti naman si Jack habang nakatingin kay Dylan. Pangiti - ngiti naman si Dylan din at masayang makakalaban ang kaibigan. "Galingan mo Dylan! Hindi ako magpapatalo sa iyo!" Pagmamayabang ni Jack. "Hindi rin kami magpapatalo!" Tugon ni Dylan. Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Ayesha. "Ready ka na ba?" Tanong ng binata kay Ayesha. Napatango na ito at determinado na rin siyang manalo. Papatunayan din niya na kaya niya at di siya lalampa-lampa. Sinisigaw ng kanilang mga kaklase ang pangalan nina Pamela at Jack. Karamihan sa kanila ay kampi sa dalawa. "Go Pamela! Go Jack!!" Tuwang -  tuwa naman si Pamela sa naririnig at gayundin si Jack. Nagpapaboost ng confidence ang mga cheering nila. "Sigurado, kami na ang mananalo!" mayabang na sabi ni Pamela. Ilang minuto ay sinimulan na ang laro! -------- Chapter 5 Bumalot sa buong gym ang hiyaw ng mga kaklase nila. Ang tatlong magkapareha ay determinadong manalo. Ang tatlong magkapareha na umusad sa huling round ay sina Jack at Pamela, Dorothy at Fin at ang huli ay sina Dylan at Ayesha. Hinigpitan ni Dylan ang hawak sa kamay ni Ayesha at ang dalaga naman ay nakahawak ang isang kamay sa tshirt ng binata sa likod. Napapayakap naman si Pamela mula sa likod ni Jack. Tuwang -tuwa siya na kapareha niya ang binata. Si Dorothy naman ay nakahawak sa may braso at balikat ni Fin. Si Fin ay ready na harangan at sasaluin ang bola. Bakas sa mga mukha nila anv determinasyon at katapangan. "Simulan na!" Sigaw ng guro hudyat sa pagsisimula. Naunang magtapon ng bola si Jack patungo kay Fin. Nakailag naman sila. Sumunod na nagtapon ay si Fin papunta kina Dylan at nakailag din sila. Tuloy-tuloy ang pagtapon nila sa mga kalaban at nakakailag naman silang lahat. Walang gustong sumuko sa kanila. Palakas ng palakas ang mga hiyaw. Mas umiinit ang laban habang lumilipas ang oras. Tumitindi ang labanan. "Go go go!" "Pamela! Jack! Go!" "Go Jack!" Pangiti-ngiti si Jack habang naririnig ang mga sigaw nila. Seryoso namang nanood ang guro nilang si Mr. Fox. "Magagaling sila!" Sambit niya. Hindi lang ilag ang ginagawa ni Dylan kundi hinaharang din niya ang sarili sa bola para hindi matamaan ang dalagang kasama. Hindi nagtaggal, sa patuloy ng ilag nina Fin at Dorothy, nadulas ang dalaga na siyang dahilan sa pagkatumba nito sa sahig. Nabitawan niya ang braso ni Fin at di namalayan ng binata na nalayo na ito kay Dorothy. Nagulat sila sa pagkatumba ni Dorothy sa sahig. Nanlaki naman ang mga mata ni Fin at dali-daling binalikan ang kapareha pero huli na dahil itinapon na ni Jack ang bola kay Dorothy. "Yes!" Tuwang tuwa sina Pamela at Jack. Gayundin ang mga kaklase nila na masaya sa pagkatalo ng dalawa. "Talunan talaga kapag mahihirap.." ani ng isa. "Buti sa kanya!" "Go Pamela! Go Jack!" "Out na sina Dorothy at Jack!" Sigaw ng Guro. Nalungkot naman si Ayesha sa kaibigan. Pinanood niyang tinutulungan ni Fin na makatayo si Dorothy. Pupuntahan sana ni Ayesha sila pero pinigilan siya ni Dylan. "Dito ka lang. Hindi pa tapos ang laban!" Bulong niya. Napatingin si Ayesha kay Dylan pero hindi niya matiis na hindi puntahan ang kaibigan kaya inalis niya ang kamay ng binatang nakahawak sa kanya at tumakbo patungo sa dalawa. Si Jack na hawak ang bola ay nakakita ng pagkakataon na patamaan ang dalagang si Ayesha. Napangiti ito at inangat ang kamay na hawak ang bola. Paglingon ni Dylan ay nakita niya ang kaibigan kaya agad itong tumakbo patungo kay Ayesha. Binato ni Jack ang bola ng napakalakas para aabot sa kinaroroonan ni Ayesha. "Ayesha! Umilag ka!" Gulat na sabi ni Dorothy na nakitang papunta sa kaibigan ang bola. Paglingon ng dalaga ay di na ito kayang umilag pa dahil nanigas ang mga paa nito bigla. Bago nakarating at tatama ang bola ay niyakap ni Dylan ang dalaga ng napakahigpit. Ang kamay nito ay nakayakap sa may balikat nito at ang isa ay sa ulo. Hindi inaaasahan ni Ayesha na darating si Dylan para protektahan siya. Tumama ng napakalakas sa likod ni Dylan. Napapapikit si Dylan at halata sa mukha nito ang lakas ng pagkakabato. Natigilan si Jack dahil hindi niya inaasahan na si Dylan ang tatamaan. Kinabahan tuloy siya dahil nasaktan niya ang kaibigan lalo na at anak siya ng amo ng papa niya. Naghihinayang naman si Pamela kung bakit dumating pa si Dylan. "Sayang, muntik na iyon.." naiinis na sabi ni Pamela sabay taas ng isang kilay. Kinabahan din si Ayesha at matagal pang pinakawalan siya ni Dylan sa pagkakayakap. "Uhmm.. hindi ako makahinga.." Dumilat ang mga mata ni Dylan pero halatang nasaktan ito. "Sorry.." Pinakawalan na ni Dylan si Ayesha at humarap na sa dalawa. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Ayesha na guilty kung bakit nangyari iyon. Kasalanan niya kung nagkataon. "Okay lang ako. It's part of the game." Nakangiting tugon ni Dylan sa dalaga. Sa mga natitirang minuto, iba na ang aurang pinapakita ni Jack. Ang determinadong binata kanina ay mukhang naiba ang mood. Matamlay ito at ang pagbato niya ay hindi na ganoon kalakas. "Ano bang nangyayari sa iyo?" Tanong ni Pamela. "Kailangan nating manalo!" Nakayakap pa rin ito sa baywang ng binata at nakasandal ang mukha sa likod n Jack. Napalingon si Jack sa kaibigang nakangiti. May sumagi sa isip niya. "Sa ngayon, pantay kami ni Dylan. Sa larong ito walang mayaman, walang mahirap. Ang susuko ay siyang talo!" bulong nito sa sarili. Biglang nagbago ulit ang aura ni Jack. Nakasalubong ang mga kilay nitong nakaharap kay Dylan. Ang mga mata niya parang isang tigre na handang lumamon ng kalaban. Ibang-iba siya kanina at mas lalo siyang nakakatakot. "Hindi ako magpapatalo sa iyo Dylan!" Nanlamig ang kamay ni Ayesha na naramdaman naman ito ng binatang nakahawak. Bumulong si Dylan sa dalaga, "Ienjoy lang natin ang laro.." Inangat ni Jack ang bola at itinapon sa kaharap. Umilag agad sina Ayesha na magkasama. Panay ilag ang ginagawa nila pareho. Umiinit tuloy ang ulo ni Jack kay tuloy-tuloy ang pagbato niya. Sa bawat bato niya ay nakangiting umiilag ang dalawa na mukhang nag-eenjoy pa. "Dylan! Saluin mo ito!" Sigaw ni Jack na mukhang naasar na!" "Kanan!" Utos ni Dylan at sabay silang umilag pa kanan. Naiinis na rin si Pamela sa mga nangyayari. Hindi pa rin sila nagwawagi. Sumasakit na ang kamay niya at feeling niya ay nasisira na ang manicure niya sa kuko. Pawis na pawis na rin siya at feeling so haggard na ito. "Talunin mo na siya Jack!" Utos ni Pamela. "Matatalo kita Dylan!" Sigaw ni Jack sabay taas sa bola. Napasalubong ang mga kilay ni Dylan at direktang nakatingin sa bola. "Ready ka na bang umilag?" Tumango si Ayesha. Palakad lakad si Jack kasabay ni Pamela na nasa likod na kumukuha ng timing bumato. Ilang segundo lang ay sumigaw ito. "Heto na!" Biglaang sigaw ni Jack sabay bato sa bola. "Dito ka lang sa likod ko!" utos ni Dylan sa dalaga kaya nanatili lang si Ayesha sa likod pero napapikit ito. Swerteng nasalo ni Dylan ang bola. Si Pamela naman ay inalis ang pagkakayap kay Jack para tingnan ang kalaban. "Talo na ba sila?" Tanong nito. Sa pagkakataong ito, pagkasalo ni Dylan ay napansin niya ang pagdungaw ni Pamela para tingnan sila kaya dali-dali siyang tumakbo papunta sa kalaban. Iniwan man niya si Ayesha nakatayo roon ay siniguro niyang matatamaan niya si Pamela. "Saluin mo ito! Sorry!" Nagulat si Pamela at di nakapag-ready si Jack. Binato ni Dylan ang bola kay Pamela na di gaanong malakas. Natamaan niya ang dalaga sa balikat. Nanlaki ang mga mata ng lahat at napanga-nga. Di sila makapaniwala sa mga nangyayari. Sa wakas ay may nanalo na. "Outch!" inis na reaction ni Pamela na kahit hindi naman masakit. "Sorry.. laro lang!" paghingi ng tawad ni Dylan kay Pamela na halatang galit ang dalaga. Lumapit din si Ayesha para kumustahin ito. "Okay ka lang ba. Pasensya na.." mahinahong sabi ni Ayesha. Mas nainis pa si Pamela na nagmukha pa silang kawawa. Matalim na tingin ang binigay niya kay Ayesha bago ito nagwalk-out. Inanunsyo ng guro ang nagwagi. "Congratulations! Ang nagwagi sa laro ay sina Dylan at Ayesha!" Pumalakpak lamang ay sina Dorothy at Fin. Ang iba ay mukhang hindi natuwa. Sa saya naman ni Ayesha ay napatalon ito. Masaya siya sa narinig niya. "Nanalo tayo!" Hiyaw ni Ayesha. Masaya naman si Dylan na makitang nakangiti ang dalaga dahil sa saya. Sa sobrang saya ni Ayesha ay napayakap siya kay Dylan. "Nanalo tayo!" Nagulat si Dylan sa pagyakap ng dalaga sa kanya. Bakas sa mukha ni Ayesha ang tuwa. Ilang segundo pa ang lumipas bago namalayan niya ang ginawang pagyakap sa binata. Natigilan ang dalawa habang nakatitig sa isa't isa. Chapter 5.2 Nagkahiyaan ang dalawa kaya humiwalay agad si Ayesha sa pagyakap kay Dylan. Napakamot ng ulo si Dylan at umiwas ng tingin gayundin si Ayesha na tila nahihiya sa ginawa. Nakayuko siyang pasulyap sa binatang kaharap. Nilapitan naman sila nina Dorothy at Fin. "Congrats! Kayo ang nanalo!" Bati ng dalawa. "Ang galing ninyo!" Natutuwang sabi ni Fin. "Congrats Ayesha. Talagang humanga ako sa inyo!" sabi naman ni Dorothy. Masama ang tingin ng ibang kaklase sa kanila. Pinagmasdan lamang ni Jack sina Dylan mula sa kanyang kinatatayuan. Lumapit ang guro at binati sila. "Congratulations sa inyong dalawa." "Salamat po!" Sabay na sagot nila Dylan at Ayesha. "Dahil kayo ang nanalo mataas ang magiging marka ninyo sa activity ngayon." Natuwa naman sila sa kanilang narinig pati sina Fin at Dorothy. Mas naexcite tuloy sila. "Katulad ng sinabi ko kanina, may premyo pa kayo maliban pa sa mataas na marka. Bibigyan ko kayo ng isang gift check at coupon sa isang kainan." "Wow! Ang galing!" Tuwang tuwang ani ni Dorothy na masaya para sa kaibigan. Napangiti naman si Ayesha na pasulyap kay Dylan. Binigay na ng guro ang gift check at ang coupon sa dalawa. Tinanggap naman nila. Napatingin si Ayesha sa hawak na coupon at giftcheck. Si Dylan naman ay agad ipinasok sa bulsa niya. Pagkatapos, tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang oras ng klase nila. Kaya naman napatanong ang kanilang guro. "Sino ang magvolunteer para maglinis dito sa gym?" Hindi naman gaanong marumi ang gym. Kailangan lang nilang magmop, pulutin ang iilang mga basura na nagkalat at ayusin ang mga gamit. Nagsitinginan ang mga estudyante. Mukhang walang balak na magvolunteer sa kanila. Pero biglang may tumaas ng kamay. "Magvovolunteer ka ba?" Tanong ng guro sa dalaga na nagtaas ng kamay. Mataray na nagsalita. "Hindi po ako. Pero may suggestion po ako. Ang mga bagong estudyante ang maglilinis!" "Tama!" Sang-ayon ng karamihan. Napatingin ang guro kina Ayesha at Dylan. "Sige!" Napangiti si Diane, ang babaeng nagmungkahi na kaibigan ni Pamela. Tuwang -tuwa ang iba rin. "Okay, class dismissed!" Agad umalis ang guro at ang ibang kaklase nila ay umalis na rin sa gym para magpalit ng damit. Lalapitan na sana ni Jack ang kaibigan nang pinulupot ni Diane ang kamay sa braso ni Jack. Nabigla si Jack sa dalaga. "Hindi ka kasama sa maglilinis!" Ani ng dalaga. Napalingon sila Ayesha at Dylan pati sina Fin at Dorothy sa dalawa. May kasama rin si Diane na ibang mga kaklase. Nagtaka sila Fin kung bakit hindi tutulong si Jack. "Teka, di ba bagong estudyante rin si Jack. Kailangan niyang maglinis kasama nila." Sabi ni Fin na di nagustuhan ang balak na pagtakas nina Diane. Tinaasan ng kilay ni Diane sila at sinabing, "Anak siya ng may-ari ng paaralan. Kaya bakit siya maglilinis? Nakakahiya naman kung siya pa ang palilinisin natin! Di ba?" Napasulyap si Jack kay Dylan na walang imik na nakatayo lamang. Hindi rin nagreact si Jack at nanatili lang itong tahimik. Hindi na pumalag sina Fin at Dorothy. Nagwagi si Diane kaya umalis sila kasama si Jack. Wala ring magawa si Jack sa mga oras na iyon at naiwan ang apat sa gym. Huminga ng malalim si Dylan at ngumiti. "Tara, simulan na natin maglinis!" "Tutulungan namin kayo!" Masaya naman sila Ayesha at Dylan na kasama nila sina Fin at Dorothy. Mapapadali ang kanilang paglilinis kapag magtutulungan sila. Nagligpit sa mga gamit si Fin habang pinupulot ni Dorothy ang mga nakakalat. Sina Dylan naman at Ayesha ay nagtutulungang magmop ng sahig. Hindi madali para kay Dylan nong una ang pagmop dahil first time niya ito kaya tinurian muna siya ni Ayesha hanggang masanay ang binata. Habang nagmomop si Ayesha ay may napansin siyang kumikinang sa sahig. Nilapitan niya ito at pinulot. Ang kumikinang pala ay ang brooch. "Teka kay Jack ito.." sambit ni Ayesha habang tinititigan niya ang brooch na may ukit ng simbolo ng paaralan. "Kapareho kaya itong brooch na ito noon? Siya kaya iyon?" Tanong niya sa sarili. Ipinasok ni Ayesha ang brooch sa kanyang bulsa at nagpatuloy sa paglilinis. Habang nagmomop ang dalawa ay nagsalita si Dylan. "Nag-enjoy ako kanina, alam mo ba iyon?" Napalingon si Ayesha habang patuloy sa pagmop. Nakikinig ito sa binata. Napangiti si Dylan habang nagkwekwento. " First time kong makapaglaro ng ganoong laro. Nakakatuwa pala." Nakangiti man ang mga labi ng binata pero bakas pa rin ang kunting kalungkutan na nakita ni Ayesha. Tahimik lamang si Ayesha at hindi man lang ito umimik. Hindi rin ito ngumiti bagkos ay may naalala rin siya. Noong bata pa siya ay hindi siya pinapayagang maglaro. Nakadungaw lamang siya sa bintana habang pinapanood ang mga batang nagtatakbuhan at naghahabulan. Masaya ang mga batang naglalaro sa labas habang siya ay hanggang tingin nalang. Madali silang natapos sa paglilinis. Nagbihis na rin sila ng kanilang uniporme at suot pa rin ni Ayesha ang pinahiram ni Dorothy na rubbershoes. Naunang umalis ang dalawa dahil may dadaanan muna sila. Kaya naman ang naiwan sa gym ay sina Dylan at Ayesha. Ang hindi alam ni Dylan ay hinintay pala siya ni Jack sa labas. "May sundo ka ba?" Tanong ni Dylan sa dalaga. "Wala!" tugon ni Ayesha. "Maglalakad ka lang?" Napatango lang siya. Hawak hawak niya ang strap ng bag ng backpack niya. Nagpatuloy sa paghakbang ang dalaga. "Teka lang!" Pagpipigil ni Dylan. Napatigil si Ayesha sa paglalakad at hinarap ni Dylan ang dalaga. "Bakit?"tanong ni Ayesha. "Ang sintas mo." Napayuko si Ayesha at napatingin sa sintas ng rubber shoes nya. Yumuko si Dylan at inayos niya ito. Nagulat ang dalaga sa ginawa ni Dylan. "Baka matisod ka, mahirap na..." Hindi na nakapaghintay si Jack at nakokonsensya ito dahil hindi niya tinulungan ang kaibigan lako na alam niyang siya ang anak ng may-ari ng paaralan. Pinuntahan niya ang kaibigan sa gym. Sa pagpasok niya sa pinto, nakita niyang nakaluhod si Dylan sa harap ng dalaga. Inaayos nito ang sintas ng rubber shoes ni Ayesha. Tumalikod agad ito at umalis sa kinatatayuan. "Salamat.." nahihiyang sambit ni Ayesha na agad umalis. Napangiti naman si Dylan habang minamasdan ang paglabas ng dalaga. Bumalik naman si Fin at nagtaka sa pagtitig nito na di man lang napapapikit. "Anong meron si Ayesha at nakatitig ka kaibigan?" Usisa ni Fin na tinutukso si Dylan. "Huh? Sinong nakatitig? Ako? Hindi ah!" Pagtanggi ni Dylan. Dali - daling umalis si Dylan sa gym at si Fin naman ay kinilig. ------ Naghihintay na sa labas ang sasakyang susundo sa dalawang binata. Naroon na si Mang Lino at si Jack. Nagmamadaling naglalakad si Dylan at palinga -linga sa paligid na baka may makakita sa kanila. Naunang pumasok si Mang Lino sa driver seat habang si Jack ay nasa labas pa at hinihintay na makarating si Dylan. Nakatayo lang ito roon. "Tara na!" utos ni Dylan. Nakabukas na ang pinto ng sasakyan at nang papasok na sana si Dylan ay may tumawag kay Jack. "Jack!" Sigaw ng isang babae. Napalingon ang dalawang binata. Nakita nila si Ayesha. Nagtaka si Dylan kung bakit tinawag niya si Jack. Bakas din kay Jack ang pagtataka. Mas lumapit pa si Ayesha kay Jack na nasa may sasakyan na. Nasa likuran lang nila si Dylan. "May kailangan ka ba?" Tanong ni Jack. Tumango ang dalaga na nakayuko kaunti. Ngumiti si Ayesha habang hinuhugot ang isang bagay mula sa bulsa niya. Halatang nahihiya si Ayesha na makaharap si Jack. "Nahulog siguro ito kanina.." "Huh? Ano naman?" Inangat ni Ayesha ang kamay at ibinukas ang palad sa harap ni Jack na naroon ang brooch. "Nakita ko ito noong naglilinis kami kanina.." Hindi inaasahan ni Jack ang gagawin ni Ayesha. Kinabahan man ang dalaga pero masaya siyang makaharap ang nagmamay-ari ng brooch. Napapatanong si Ayesha sa sarili, "Nakikilala kaya niya ako, ang batang niligtas niya noon? Naalala kaya niya?" Napatitig si Ayesha sa binata habang pinagmamasdan naman siya ni Dylan. Nakangiti si Ayesha habang nakaharap kay Jack. --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD