Chapter 3.

1299 Words
  Pumasok na sina Dylan at Jack sa kanilang silid. Nakatayo sila pareho sa harapan para magpakilala. Naroon din si Sir Joseph na siyang adviser nila. "May mga bago kayong kaklase.." wika ng guro. Pinagtinginan at kinompara ang dalawang binata ng mga kaklase nila. Matuwid na nakatayo si Jack at nakangiti ito habang si Dylan naman ay may pasa sa mukha at palinga-linga sa buong paligid. "Ang sabi isa sa kanila ang anak ng may-ari ng paaralan.." bulong ng isa. "Ang gwapo nila.." "Sino kaya ang anak ng may-ari?"Naunang magpakilala si Jack. "Magandang umaga sa lahat. Ako nga pala si Jack. Nice to meet you all."  Yumuko at nagbigay galang ito. Napasigaw sa kilig ang mga babae. "Siya siguro ang anak!" "Tingnan ninyo, suot niya ang brooch na may simbolo ng paaralan.." "Ayiee!" "Ang gwapo niya!" Nakangiti pa rin si Jack sa lahat. Ngumiti rin naman si Dylan at nagpakilala.  "Magandang umaga, ako nga pala si Dylan. Masaya akong makilala kayo. Sana maging magkaibigan ko kayo." Napataas ang kilay ng iba at nakakunot - noo. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa at napansin nilang marumi ang suot nitong uniform. May mga pasa din siya sa mukha na mukhang galing lang ito sa pakikipag-away. "Gangster ba siya!" "Masama siguro siya, tingnan ninyo unang araw palang ay nakikipag-away na." "Bakit dito pa siya nag-aaral?" "Mahirap siguro siya..." Napakamot nalang ng ulo si Dylan at napapayuko ito. "I-welcome natin sila." Utos ng guro. Tumayo ang lahat at sabay na nagsabi. "Welcome sa inyong dalawa!" ------- Naglalakad si Ayesha na walang suot na isang sapatos. Nahihiya itong isa lang ang suot kaya nagdadalawang isip itong magpakita at pumasok sa silid niya. Tahimik na ang mga pasilyo dahil lahat ng estudyante ay nasa loob na ng mga silid .Napasandal si Ayesha sa dingding habang papatid patid ang paang walang sapatos. Nakita naman siya ng isang babaeng guro na si Ms. Angel. Nakita niyang walang suot ang dalaga at nahalatang bago ito sa paaralan. Nilapitan niya ito na walang pag-aalinlangan.  "Magandang umaga. Ngayon lang kita nakita rito sa paaralan, bago ka rito?"tanong ni Ms. Angel. Binati  din ni Ayesha. "Magandang umaga rin po. Opo maam. Bago lang po ako rito." Napasulyap ulit si Ms. Angel sa paa ni Ayesha. "Anong nangyari? Bakit wala kang suot na isang sapatos?" "Uhmm.. kasi po.." nahihiyang tugon ng dalaga. "May nangyari kanina kaya. Nahulog ang isa kong sapatos..." '"Ganoon ba."' "Ms. Angel!" Tawag ng isang estudyante na narinig ang pag-uusap nila. Isang dalaga na may suot na eyeglasses at nakapony tail ang buhok ."Ikaw pala Dorothy.." "May extra sapatos po ako Ms.Angel. May rubber shoes po ako sa locker, baka gusto nyang hiramin." Hindi na nagdalawang isip si Ayesha at tinanggap ang tulong mula kay Dorothy na nagkataong kaklase niya. Dinala siya ni Dorothy sa may locker para makuha ang rubber shoes. "Kasyang - kasya sa iyo. Buti naman!""Salamat." "Sabay na tayong pumunta sa classroom." Aya ni Dorothy. "Sige." ------ Magkatabi sina Dylan at Jack ng upuan na nasa dulo malapit sa bintana. Nakaramdam ng bagot si Dylan habang ang iba ay busy kinokopya sa kanilang notebook ang mga sinusulat ng guro sa pisara. Biglang nagpaalam si Dylan sa kanilang guro na pupunta ng comfort room. Pinayagan naman siya at pagkatapos ay lumabas na ito.Hindi na pinansin ni Jack ang kaibigan na alam na tatakas lang ito sa klase.Sa pag-alis niya ay ang pagdating nila Dorothy at Ayesha. Naunang pumasok si Dorothy at pumunta agad sa kanyang upuan sa harapan ni Jack.Napatayo lamang si Ayesha sa may pinto at hinintay ang guro na papasukin ito. Medyo kinabahan siya. "Ikaw ba ang bagong estudyante?" Tanong ni Sir Kiko na napapataas ang kilay. "Opo!" Sagot ni Ayesha. "Pumasok ka rito at magpakilala."Tumango ang dalaga at dahan-dahang humakbang papasok. Habang papasok siya ay tahimik ang lahat. Tiningnan pala siya nila mula ulo hanggang paa. Nakita nilang nakasuot lamang ito ng rubber shoes. "Bakit nakasuot siya ng rubber shoes?" "Wala ba siyang school shoes.." "Ang poor!" "Poor siguro at walang pambili ng sapatos." Napayuko nalang si Dorothy at siya ang nahiya sa mga naririnig niya. Nakakunot noo naman si Jack habang naririnig ang mga bulongan nila.Kahit pabulong ay naririnig naman at pansin ni Ayesha na iba ang tingin ng mga tao sa kanya. Ang guro naman ay walang pakialam at di man lang sila sinermunan. "Magpakilala ka na!" Utos ng guro. "Opo. Magandang umaga, ako nga pala si Ayesha..." Hindi pa natatapos ang pagpapakilala ni Ayesha ay pinaupo na siya agad ng guro.  "Umupo ka na. Naaantala ang klase." "Opo." Napatingin siya sa paligid at hinanap ang bakanteng upuan. Nakita niya ang isang upuan sa likod at ang upuang katabi ni Dorothy na parehong malapit sa bintana. Napangiti siya ng kinawayan siya ni Dorothy. Agad naman siyang pumunta roon. Pagkarating niya malapit roon ay nagulat siyang makita ang lalaking bumaba sa magandang sasakyan kanina. Napatigil ito at nagkatinginan ang dalawa. Pinagmasdan ni Pamela ang mga bagong kaklase na nakataas ang isang kilay. Sa unang tingin niya kay Ayesha ay hindi na niya ito gusto. "Ayesha, umupo ka na.." mahinang sabi ni Dorothy sabay hawak sa kamay ng bagong kaibigan. Umiwas ng tingin sa binata si Ayesha at umupo na ito. Biglang kumabog ng napakabilis ang puso niya nang nag-abot ang mga tingin nila ni Jack.  Lumipas ang isang oras at hindi pa rin bumabalik si Dylan.  "Ito talagang si Dylan, unang araw ng klase ay nagcutting agad." ani ni Jack na kinakausap ang sarili. Tumunog ang bell hudyat na break na ng 30 minuto.  Nagsilabasan ang ibang estudyante para kumain. May mga tumayo para makipagkwentuhan sa kaklaseng nasa ibang mesa. Ang iba ay pumunta sa comfort room.Tumayo si Jack para maunat ang braso. Lalabas sana siya ng silid ng may lumapit sa kanya. Balak sana niyang hanapin kung nasaan ang kaibigan pero nilapitan na siya ng mga kaklase niya. Nagpakilala sila kay Jack. "Hello, ako nga pala si Froi. Sana maging kaibigan tayo!" Pagpapakilala ng isang binata. May mga babae ring nagpakilala at gustong makipagkaibigan kay Jack. "Hi, ang gwapo mo. Pwede ba tayong maging magkaibigan? ""Syempre naman. " Tugon ni Jack. Nagtilian ang mga babae. Kilig na kilig sila kay Jack. Sa kinauupuan naman ni Ayesha ay napasulyap siya kay Jack na nasa harapan malapit sa pisara. Naroon ang ibang kaklase nila at nakikipag-usap sa binata. "Napakasikat naman niya.." sambit ni Ayesha na nakatitig kay Jack. Sinagot siya sa katabing si Dorothy. "Bagong estudyante rin siya. Ang sabi, siya ang anak ng may-ari ng paaralan." "Tama pala. Nakita ko na siya kanina." Ani ni Ayesha. Napalingon si Dorothy kay Ayesha. Nang tinitigan ni Ayesha ang binata habang nakikipag-usap sa ibang estudyante ay nabaling bigla ang kanyang tingin nang pumasok si Dylan sa silid. Hindi naman napansin ni Jack ang pagbalik ng kaibigan at hinayaan naman ni Dylan at di na dinistorbo ito. Nagulat si Ayesha kung sino ang dumating. "Teka, siya iyong lalaking gangster.." "Gangster?" Tanong ni Dorothy na palipat lipat ang tingin sa dalawang tinutukoy. "Oh my, magkaklase kami.." ani nito na agad yumuko at tinakpan ang mukha ng notebook. Napapatanong si Ayesha sa sarili. "Nakita kaya nya ako kanina? Naku naman." Bumalik na sa upuan si Dylan na nasa likuran ni Ayesha. Tahimik itong umupo na di na namalayan ni Ayesha na sa likod ito umupo. Nang ialis ni Ayesha ang notebook sa may mukha niya ay napatingin siya sa paligid maliban sa likod.  Tinanong niya si Dorothy."Nasaan na iyong gangster?" "Sinong gangster?" "Iyong bagong pasok. Iyong lalaking may pasa sa mukha.." paglalarawan ni Ayesha na kinakabahan. Diretsong itinuro ni Dorothy ang lalaking nasa likuran ni Ayesha. "Siya ba?"Napalingon si Ayesha at nakita ang lalaking tinuturing niyang gangster.  Nanlaki ang mga mata ng dalaga ng makita ang binata na nasa likod niya. Nag-abot tuloy ang mga tingin nila sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD