Chapter 5

3077 Words
Natapos ang araw na may ngiti sa labi ni Ayesha. Nagkita sina Dorothy at Ayesha sa daan kaya sabay na silang naglakad patungong bus station. “Ang galing ninyo kanina ni Dylan. Di ko akalain na kayo ang mananalo. Kahanga – hanga rin ang ginawa ni Dylan sa pagprotekta sa iyo. Magaling siya!” ani ni Dorothy. Ngumiti lang si Ayesha at napapatingala sa langit. Abot langit ang saya niya sa di mapaliwanag na dahilan. Nakauwi na sina Jack at Dylan sa mansion. Agad humiga si Dylan sa kanyang napakalambot at malaking kama. “Kakapagod ang araw na ito! Pero nag – enjoy naman ako!” wika ni Dylan na nakapikit ang mga mata pero nakangiti. Umupo sa upuan si Jack at pinagmasdan ang kaibigang nakahiga. “Congrats! Ang galing ninyo kanina!” bati ni Jack. Bumangon si Dylan. “Teka, akala mo siguro na kayo ang mananalo, noh? Tsk tsk!” Napatango si Jack. Napakrus ng braso si Dylan at taas noong sumagot. Nagmayabang ito sa kaibigan. “Well magaling talaga kami!” “Ang yabang nito! Nagkataon lang iyon..” biro ni Jack. Pumasok ang isang katiwala na dala ang isang tablet. Inabot niya ito kay Dylan. Nasa kabilang linya ng videocall ang mommy ni Dylan. “Dylan, kumusta ang unang araw mo sa paaralan?” “Po? Uhm.. okay naman po mom!” sagot nito na pasulyap – sulyap kay Jack. “Mabuti naman..” ------ Pangalawang araw ni Dylan sa paaralan na ang may – ari ay ang kanilang pamilya. Sa klase, lahat ay abala sa pagsusulat sa kanilang mga kwaderno maliban kay Dylan na natutulog sa klase. Napansin iyon ni Sir Salvador na napaka-strict pagdating sa mga requirements at sa klase. Kumunot ang noo ng lalaking nasa 50’s nang makita si Dylan na natutulog. “Tsk tsk! Sa lahat ng ayoko ay ang mga estudyanteng natutulog sa klase ko!” galit na sabi nito na napapabilog na ang mata niya. Napalingon lahat ng estudyante kay Dylan. Pinuntahan ng guro ang binata sa kanyang kinauupuan. Umuusok sa galit ito. Nang nakalapit na ito ay pinukol ng libro ng guro ang ulo ni Dylan na nagpagising sa kanya. Nagulat si Jack pati ang nasa malapit sa binata. Nagising si Dylan sa tindi ng pagpukol nito. “Aray naman! Sinong…” Di pa natatapos ang pagtatanong ni Dylan ay nakita niya ang kanilang guro na nakatayo malapit sa kanya at dala ang isang libro. Napapakamot nalang siya sa kanyang ulo. Natuwa naman ang ibang kaklase sa ginawa ng guro sa binata. Tinawanan pa nila siya. “Isa sa mga patakaran ko sa klase ay bawal matulog!” Ngumiti si Dylan at humingi ng tawad. “Pasensya na po hindi ko po alam. Inaantok lang talaga ako.. sorry na..” “Inaantok ka pa?” Pangiti – ngiting sumagot si Dylan. “Opo. Nakakaantok kasi ang klase ninyo..” Mas nanlaki ang mga mata ni Sir Salvador. Napatakip naman ng mukha si Jack ng kanyang palad sa pinagsasabi ni Dylan. Pabulong nitong sabi sa sarili. “Dylan naman. Huwag naman ganyan sumagot sa guro..” “Tumayo ka!”utos ng guro. Tumayo ng dahan – dahan si Dylan na napapakamot ng ulo. Humihikab din ito. “Dahil inaantok ka pa, tumakbo ka sa field ng sampung beses!” Nagulat si Dylan sa parusa niya pati si Jack. Hindi na nakapagsalita ang binata. Mas natuwa naman ang iba. “Buti nga!” Habang patuloy ang klase sa loob ng silid – aralan, si Dylan naman nagsimula ng tumakbo pa - ikot sa field. Walang magawa si Jack sa kaibigan. Napapaisip ito habang nagsusulat at napapasulyap sa katabing mesa ni Dylan. “Paano kung alam nila na si Dylan ang anak ng may – ari, mangyayari kaya ito sa kanya?” tanong ni Jack sa sarili. Biglang tinawag ng guro si Jack. “Jack, pakisagutan ang nasa pahina labing tatlo!” “Po?” Tumayo agad si Jack na dala ang libro. Natataranta ang binata at hindi alam kung anong pahina. Palihim na binulong ni Ayesha na katabi ni Dorothy na siyang nasa harapan ng binata. “Pahina labing – tatlo..” Napatingin si Jack kay Ayesha habang dali – dali niyang binuklat ang pahina sa narinig nito. Ang lahat ay nakatingin sa binata. Ang mga babae ay talagang nakangiting tumitig sa kanya. “Ang gwapo niya talaga!” “Tulungan ka na namin..” Hindi agad nakasagot si Jack. Kumulo ulit ang dugo ng guro at muntik na niyang sermonan ang binata nang may nagsabi sa kanya. “Sir, siya ang anak ng may – ari ng paaralan…” Natigilan ang guro at napalingon sa binatang nagsalita. “Ang gwapo talaga ng anak ng may – ari!” ani pa ng isang estudyanteng babae. Nilipat ng guro ang kanyang paningin sa binatang nakatayo. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Nakita rin niya ang brooch na suot tanda na siya ang anak ng may – ari. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Umupo ka na!” utos ng guro. Pagkatapos niyang utusan si Jack na umupo ay kinuha niya ang kanyang bag at librong dala sa mesa. “You are all dismissed!” Ani nito na palabas ng silid kahit di pa oras. Pagkalabas ng guro ay agad nagtungo ang mga estudyante sa may bintana at pinagmasdan ang binatang tumatakbo paikot sa field. Tinawanan pa nila. “Buti nga sa kanya!” Nanood din si Jack pero tahimik lang ito. Sina Dorothy at Ayesha naman ay nanood din. Di maiwasang maawa ni Dorothy at may nasambit ito na nagpagalit sa iba. “Kawawa naman siya…” sambit ni Dorothy. Narinig ng katabi ang sinabi nito at tinulak ang dalaga. Napasandal si Dorothy kay Ayesha. “Huwag kang maawa sa kanya. Dapat maging masaya ka dahil nangyari sa kanya iyan!” ani ng isa na napaka-astig. Siya si Clarence, anak ng isang mayamang businessman. Matapang na sinagot siya ni Ayesha. “Ang sama naman ninyo! Wala namang ginawang masama sa inyo ang tao!” “Magkakatulad ang mga mahihirap. Wala silang lugar sa paaralang ito!” dagdag pa ni Froi. Sumang – ayon ang karamihan. “Tama!” Lumapit si Beatrice, isa sa mga magaganda sa klase na anak ng mayaman rin. Dahil sa angking ganda niya na may maputi at makinis na kutis ay maraming lalaking nagkakandarapa sa kanya sa paaralan. “Hayaan na ninyo sila na maawa sa katulad nilang mahihirap. Nakakaawa nga naman siya at dito pa talaga siya nag – aaral.” Malumanay na sabi ni Beatrice pero elegante. Tahimik pa rin si Jack at walang imik ito sa mga pinagsasabi nila. Hanggang tingin nalang siya kay Dylan na patuloy sa pagtakbo paikot sa field. “Simula pa iyan sa paghihirap niya!” ani ni Clara na napakasosyal na babae na kaibigan nila Froi. “Pagsisihan niya talaga ito!” Dagdag pa ni Pamela na naiinis dahil sa pagkatalo nila. Kunting kunti nalang at matatapos na ni Dylan ang pag – ikot. Patuloy sa pagdaloy ng kanyang pawis mula sa noo. Basang basa na siya ng kanyang pawis. Nang natapos niya ang pagtakbo bilang parusa ay napa- upo siya sa damuhan. Hinihingal ang binata at halatang pagod na pagod. Pinuntahan siya ni Jack at kinumusta. “Okay ka lang ba?” Tanong ni Jack na nakatayo sa may harapan ng kaibigan. Napaangat ang ulo ni Dylan at ngumiti kay Jack. “Okay lang ako. Huwag kang mag – alala!” Tumayo ang binata sa pagkakaupo at inunat ang mga braso. “Exercise ko iyon. Di ba athlete ako!” Bakas sa mukha ni Jack ang pag – aalala sa anak ng amo. Tahimik lang itong nakatingin sa kaibigan na nahalata naman agad ni Dylan. Inakbayan agad ni Dylan ang balikat ni Jack. “Huwag ka ng mag – alala. Okay lang ako! Kayang – kaya ko ang mga pinaggagawa nila sa akin. New experience!” Sinermunan agad ni Jack. “Ano ka ba Dylan! Ikaw ang anak ng may – ari ng paaralan at pinapahirapan ka nila! Hindi tama iyon!” “Shhh! Hinaan mo ang boses mo baka may makarinig!” Mas hinigpitan ni Dylan ang hawak sa balikat ni Jack. “Jack, kasalanan ko naman kasi na matulog sa klase kaya ganito ang nangyari...” “Hindi ka nila paparusahan kung alam lang nila!” “Tama na! Pumunta na lang tayo sa next na klase Jack!” Ang huling subject nila sa hapon ay Physical Education na gagawin sa gym. Suot nila ang kanilang P.E uniform at rubber shoes. Isa sa activities nila sa hapong iyon ay pasahan ng bola at sasaluin. Kanya – kanya sila ng lugar ng kinatatayuan sa loob ng gym ng kanilang mga napiling partner. Magka – partner sila Dorothy at Ayesha. Dahan – dahan lang nilang pinapasa ang bola sa kanilang kapareha. Umalis saglit ang kanilang guro sa Physical Education at dito na nagsimula ang mga panggugulo ng iba. Habang isinasagawa nila Ayesha ang pasahan ng bola ay biglang may bumato ng bola sa likuran niya. Matindi ang pagtama nito sa likuran niya na nagpawala ng balanse ng dalaga kaya napaluhod ito sa sahig. Nagulat ang iba pati na si Dorothy. “Ayesha!” Tuwang – tuwa naman si Pamela sa ginawa niya. “Masakit ba?” Lalapit sana si Dorothy pero pinigilan siya nila. “Huwag mo siyang tulungan kung gusto mong hindi madamay, scholar girl!” Tuwang – tuwa ang grupo nila Froi, ang mga mayayabang na mga estudyante at ang kikay group na feeling magaganda. Nahinto rin sina Jack at Dylan sa kanilang ginagawa at nasaksihan ang pangalawang beses na pagbato ng bola sa dalaga na nagpaupo ng tuluyan sa kanya. Hindi nagustuhan ni Ayesha ang ginawa sa kanya ng grupo nila Pamela. Binigyan niya sila ng masamang tingin. “Para iyan kahapon! Pagbati ko sa pagkapanalo mo!” ani ni Pamela na may dala ulit na isang bola. Humakbang si Dylan para puntahan ang grupo nina Pamela pero pinigilan siya ni Jack. Hinawakan ng binata ang braso ng kaibigan. “Huwag ka ng makialam Dylan! Madadamay ka lang at mapapahamak ka na naman!” Direktang sumagot ang binata. “Anong dapat kong gawin, manood lang?” Nang marinig ni Jack ang sagot ni Dylan na napakaseryoso ay binitawan niya ang braso nito. Natahimik ang binata. Si Froi naman ay natutuwa sa sinabi ni Pamela kaya humawak pa ito ng bola. Inangat niya ang kanyang kamay na may hawak na bola para batuhin ang dalagang si Ayesha nang may biglang bumato sa kanyang ulo. Nabitawan niya tuloy ang hawak na bola at napahawak sa ulong natamaan. Nagulat ang lahat sa nangyari. Umuusok naman sa galit si Froi at lumingon ito kung saan nanggaling ang bola. Naroon si Dylan at seryosong nakatayo. “Anong klaseng pagbati yan!? Sinasaktan na ninyo siya!” galit na sabi ni Dylan. “Dapat kasama ako!” Taas noong hamon ni Dylan. Lumapit si Froi sa binata. Sinalubong naman siya ni Dylan. Parehong inangat nila ang kanilang mga kamao at nagsimula na ang gulo. Nagsuntukan ang dalawang binata. Masayang pinanood sila ng mga kaklase nila. Nagpagulong pa sila sa sahig habang nagsusuntukan. Hindi nila inawat ang dalawa. Nagpatuloy ang suntukan at walang magpapatalo. Habang nagsusuntukan ang dalawa at abala ang lahat sa panonood, si Pamela naman ay dahan – dahang pinulot ang isang bola. May plano siyang ibato ito kay Ayesha na nakaupo pa rin sa sahig. Nang ibabato niya sana ito ay napansin ito ni Ayesha pero pinigilan na ni Jack ang dalaga. “Itigil mo na iyan!” sermon ni Jack kay Pamela. Nabitawan na ng dalaga ang bolang hawak. “Nakakasakit ka na..” “Sorry..” mahinhing paghingi ng tawad ni Pamela sa binata. Napatitig naman si Ayesha kay Jack. Napakaseryoso ng mukha ng binata na nakatayo sa may harapan niya. Habang nakatitig siya ay biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Pumito ang kanilang guro sa P.E nang masaksihan niya ang gulo sa gym. Tumigil ang dalawa sa kanilang suntukan at agad tumayo ng matuwid. Ang lahat ay natahimik at napapayuko. “Anong kaguluhan to?”galit na usisa ng guro. “Sino ang may pasimuno sa gulong ito!?” Tinuro nila agad si Dylan. Nanlaki naman ang mga mata ni Dylan at di inaasahan ang gagawin ng mga kaklase niya lalo na ang grupo nila Froi. “Siya po!” Ang iba ay tahimik lang at yumuko dahil na rin sa takot. Nanggigigil si Dylan sa galit. Napapakuyom ang kanyang palad pero nagpipigil siya. “Kabago – bago mo lang ay agad kang gumagawa ng gulo! Dahil sa ginawa mo, ikaw ang magliligpit sa mga gamit na narito at lilinisin ang gym!” “Ano!? na naman? ”Reaksyon ni Dylan. Natuwa at palihim na natawa ang grupo nina Froi at Pamela. “Buti nga!” “Dismissed!” Utos ng Mr. Fox, ang guro nila at umalis na ito. Umalis na rin ang ibang estudyante. Pangiti – ngiti ang kagalit ni Dylan at pinagtawanan ang binata. Si Pamela naman ay humingi ng tawad ulit kay Jack. “Sorry..” pa-cute nitong sabi. “Tara na!” tawag ni Froi. Inakbayan ni Clarence si Jack sa balikat. “Patawarin mo na siya. Katuwaan lang naman iyon kanina. Huwag mo kaming isusumbong kay Madam, sa mama mo!” Napalingon si Jack kay Dylan. “Bro, sumama ka sa amin! You are welcome to our group!” aya ni Clarence kay Jack. “Tara!” Sumama si Jack sa grupo nina Clarence na kasama sina Froi at iba pa. Tinulungan naman ni Dorothy si Ayesha na tumayo. “Okay ka lang ba?” “Okay lang ako..” “Ang sama talaga ng grupo nila.” Pinagmasdan nilang dalawa ang grupo nina Clarence na kasama ang binatang si Jack. “Tingnan mo, kasama na nila sa kanilang grupo ang anak ng may – ari! Mas maghahari pa sila sa eskwelahan! Hay naku naman.” Paghihinayang na may halong takot ang naramdaman ni Dorothy. Nagsimula ng magligpit ng mga bola si Dylan. Kahit masakit ang katawan dahil sa mga natamo sa suntukan ay pinilit niyang iligpit at ilagay ang mga bolang ginamit sa lalagyan. “Samahan na kita sa clinic Ayesha, tara na!” Napalingon si Ayesha sa binata. Tumigil siya sa paghakbang at pinagmasdan si Dylan. “Tulungan muna natin siya!” ani ni Ayesha sa kaibigan. Lumapit ang dalawa at tumulong sa binata sa pagliligpit. Hindi inaaasahan ni Dylan na tutulong ang dalawang dalaga. Naisipan niyang inisin si Ayesha. “Wow! Bumalik pa kayo!” pabirong sabi ni Dylan. “Bumalik kami para tulungan ka!” pabalang na sagot ni Ayesha. “Sana hindi na kayo bumalik. Kaya ko naman!” pagmamayabang pa ng binata. “Magpasalamat ka at tutulungan ka namin!” dagdag ni Ayesha. “Teka, nangyari naman talaga ito dahil sa iyo!” Biro ni Dylan na di sinasadyang nagpainis kay Ayesha. “Tama lang na nandito ka para magligpit!” “Inaamin ko na isa ako sa dahilan pero sila ang gumawa non!” Pagpapaliwanag ni Ayesha. Inawat agad ni Dorothy ang dalawa. “Tama na! Magsimula na tayong maglinis!” Pagkatapos nilang iligpit ang mga bola ay sisimulan na nilang maglinis sa gym. Kinuha ni Dorothy ang tatlong mop at ibinigay sa dalawang kasama. “Uhm..” Nakatayo lamang si Dylan "Deja vu! naulit muli.. haist!" “Anong ginagawa mo? Magsimula ka na!” utos ni Ayesha. Napatingin si Dylan sa mop na hawak. Naulit muli ang paghawak niya sa mop. “Kayo nalang maglinis!” ani ni Dylan at binitawan ang hawak na mop. Nilapitan siya agad ni Ayesha at pinulot ang mop na nasa sahig. Ipinahawak niya ito ulit. "Tara at magmop na tayo!" aya ng dalaga. Sinabayan ni Ayesha ang binata sa pagmomop. Sumang-ayon naman si Dylan at nag-enjoy tuloy siya. Natuwa naman si Ayesha na makitang masaya ang binata. Naunang umalis si Dorothy dahil may meeting pa siya sa kanyang club kaya naiwan nalang ang dalawa na ipagpatuloy ang paglilinis. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos din naman ng dalawa. Hindi na nila namalayan na umuulan na sa labas. Pagkatapos nilang maglinis at napakakintab na ng sahig ay napahiga ang dalawa. “Ganito pala ang feeling…” ani ni Dylan na narinig naman ng dalaga. “Ang alin?” “Wala.. kalimutan mo na..” Bumangon si Ayesha para pumunta na ng locker room para magbihis. Umalis ito habang ang binata ay nakahiga pa rin at nakapikit ang mga mata Nang nakabalik na sa gym si Ayesha mula sa locker room ay wala na ang binata roon. Napalinga – linga siya sa paligid pero wala siyang nakitang Dylan kahit anino niya. . Naisipan pa naman ng dalaga na yayain si Dylan na sabay na silang pumunta sa clinic pagkatapos. “Umalis na ba siya?” Pagtataka ng dalaga. Ang hindi alam ni Ayesha ay sinundo na ng dalawang bodyguard si Dylan. Isinakay na siya sa kotse at naroon na rin si Jack sa loob. Nakaparada pa ito sa VIP parking lot ng paaralan. “Anong nangyari sa inyo Young master?” Pag- alalang tanong ni Mang Lino na napansin ang mga pasa sa binata. “Sino ang gumawa niyan sa inyo Young master?” usisa ng isa sa bodyguard ng binata. Pinahintulutan lamang ni Dylan ang dalawa na sunduin siya at ayaw niyang nakasunod sila sa kanya sa loob ng paaralan pero hindi alam ito ng kanyang ina. “Okay lang ako. Huwag kayong mag – alala!” Tahimik lamang si Jack na nakaupo katabi ni Dylan. “Nagkatuwaan lang kanina..di ba Jack?” Hanggang nakita ni Dylan si Ayesha na naglalakad sa malayo na may hawak na payong. Mag – isa lang ang dalaga sa paglalakad. Naalala niyang hindi man lang siya nagpaalam. Napansin ni Jack na natahimik si Dylan at malayo ang tingin. Napatingin na rin si Jack at nakita si Ayesha na naglalakad ng mag – isa. “Bababa muna ako..” sabi ni Dylan. Pinaandar na ni Mang Lino ang sasakyan kaya hindi na nakababa pa ang binata. Pinagmasdan niya nalang ang dalaga habang papalayo sila. Nakita naman ni Ayesha ang sasakyang umalis sa may VIP parking lot. Alam niyang nakasakay roon ang anak ng may – ari ng paaralan na si Jack. Naalala tuloy niya ang pagsermon nito kay Pamela para di matuloy ang binabalak. “Salamat..” sambit niya na nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD