Chapter 1

1142 Words
Lumipas man ang limang taon, hindi pa rin makakalimutan ni Ayesha ang batang lalaki na nagligtas sa kanya. Tandang - tanda pa niya ang simbolo ng brooch na nasa damit ng batang lalaki. Dumaan ang mga taon, umaasa siyang makikita niya ang logo at makikita ang batang iyon. "Goodmorning!" Bati ni Ayesha na may sigla at ngiti sa mga labi. Nakasuot siya ng bagong uniform para sa bagong paaralan, itim na sapatos, dala ang bag at isang sketchbook. "Young lady, heto ang baon mo.." ani ni Yaya Mita sabay abot ang lunchbox sa dalaga. May edad na si Yaya kaya medyo mahina na itong kumilos. "Salamat po Yaya Mita!" "Ayaw mo ba talagang samahan na kita sa bago mong paaralan?" Nag-aalalang tanong ni Yaya Mita. "Okay na po ako. Huwag na kayong mag-alala. Malaki na ako at dalaga. Kayang - kaya ko na po!" Sagot ni Ayesha.  "Magpahinga nalang kayo.." "Mag-iingat ka.." "Opo!" Umalis si Ayesha sa bahay na masaya. Namamalagi siya sa bahay ng yaya nito. Simula ng lumipat siya sa lugar ay doon na siya tumira.Pagkarating nya sa bago niyang paaralan, napahinto ito sa may harapan ng main building. Napatingala siya at masayang pinagmasdan ang gusali. Sa pinakatutok ng main building ay may nakaukit na logo ng paaralan. "Nakita na rin kita sa wakas!" Sambit ni Ayesha.Binuksan niya agad ang sketchbook at naroon ang ginuhit nitong brooch at may logo na katulad ng nasa main building. Punit man ang pahina nang drawing nya pero naroon pa rin sa sketchboom at nakaipit. Kahit ganoon, bakas sa mukha nito ang saya na makita ang logo na naging parte ng buhay niya. Sa bawat minuto, nakakaramdam siya ng excitement. "Makikita ko kaya siya rito?" Tanong niya sa sarili.Sa kinatatayuan niya, nilibot nya ang kanyang paningin at pinagmasdan ang mga estudyanteng dumadaan. Ni isa sa kanila ay walang suot na brooch. "Isa kaya sa kanila ang hinahanap ko?" Dagdag niya. Samantala, sa Carter's mansion ay naghahanda na sina Dylan at ang bestfriend niya na si Jack na umalis para pumunta sa bago nilang paaralan. Sinusuot ni Dylan ang coat na uniform nila habang nakaharap sa malaking salamin na kita mula ulo hanggang paa. Inaayos na nito ang sarili.Lumapit si Jack sa kaibigan. "May nakalimutan kang suotin Dylan.." ani ni Jack.Napatigil si Dylan at lumingon kay Jack.  "Huh? Ano ba iyon?"Inangat ni Jack ang kamay at ipinakita ang hawak ng palad niya.  "Nakalimutan mo itong brooch mo. Hindi mo ba ito susuotin?" Tuluyan ng humarap si Dylan kay Jack at nakangiti pa ito. "Ano ka ba, di ba nag-usap na tayo. Ikaw ang susuot nyan." Natawa si Jack sa pinagsasabi ni Dylan. "Seryoso ka ba? Magagalit si Madam kapag malaman niya." "Haist! Brooch lang iyan!"Hinablot agad ni Dylan ang brooch mula sa palad ni Jack. Pagkatapos ay mas lumapit pa ito sa kaibigan.  "Tulungan na kita.."Tinulungan ni Dylan na isuot ni Jack ang brooch sa may dibdib na parte ng uniporme. Pumasok naman si Mang Lino, na ama ni Jack sa silid."Young master, nakahanda na po ang sasakyan. Ihahatid ko na po kayo." Agad sumunod ang dalawa at sumakay sa kotseng itim. Magkatabi ang dalawa sa likod habang minamaneho ni Mang Lino ang kotse. "Iyong usapan natin Jack okay?" Bulong ni Dylan. "Okay. Walang problema.." sagot ni Jack. Masayang palihim na nag-uusap ang dalawang binata na napansin naman agad ni Mang Lino. "May pinag-uusapan ba kayo? Mukhang napakaseryoso kayo. Ano bang pinag-uusapan ninyo, share naman kayo. Tayo tayo lang naman." Pabirong hirit ni Mang Lino. Sabay tanggi ng dalawa. Napa-iling sila."Wala naman Mang Lino!" Wika ni Dylan na pasulyap-sulyap sa kaibigan. "Wala naman papa. Excited lang kami sa bagong paaralan.." sagot ni Jack. Napadungaw sa bintana ng kotse si Dylan at napatingala sa puno ng cherry bloosoms na nasa daan. Ang mga bulaklak ay dahan -dahang nahuhulog mula sa sanga na mas lalong nagpapaganda ng daan patungo sa paaralan. "Mang Lino, pakihinto po ng kotse!" Utos ni Dylan. "Yes young master!"Hininto ni Mang Lino ang kotse agad dahil sa utos ni Dylan. Binuksan ni Dylan ang pinto at lumabas ito. "Dito nalang ako. Maglalakad nalang ako." Pagpapaalam ni Dylan na may ngiti sa mga labi.Nagulat sina Jack at ang kanyang ama.  "Young master..""Dylan ano ba ang naiisip mo?" Usisa ni Jack. "Exercise lang! Walking.." sagot ni Dylan. "Sasamahan na kita." Pinigilan agad ni Dylan si Jack na lumabas sa kotse kaya isinara niya ang pinto. "Ano ka ba, nakalimutan mo na Jack?" Pakindat-kindat itong nagsasalita na parang ayaw niyang magpahalata kay Mang Lino sa kanilang kalokohan. "Tama pala.." "Pumunta na kayo sa paaralan. Magsisimula na akong maglakad patungo sa paaralan. Malapit lang naman. Bye!" Nagpaiwan si Dylan nang umalis na ang kotse. Pinagmasdan niya ito na umalis sa harapan niya at napangiti siya.Nagpatuloy siya sa paglalakad habang pinagmamasdan ang bawat cherry bloosoms na madaanan patungo sa paaralan. Ilang minuto lang ay nasa gate na siya. May mga cherry bloosoms pa rin ang tumutubo sa loob ng campus. Natutuwa siyang makita ang mga ito kapag namumulaklak.Samantala, agaw pansin din kay Ayesha ang mga cheery bloosoms. Lumabas muna siya sa main building para mas lalong mapagmasdan ang mga ito. Gustong gusto niya talaga makakita ng cherry bloosoms. "Ang ganda.." sambit ni Ayesha habang nakatingala sa puno.Agad niyang kinuha ang lapis sa bag at binuksan ang sketchbook ito. Nang binuksan nya ito biglang umihip ang hangin kaya lumipad ang drawing niya. Namilog ang mga mata ni Ayesha at sinundan ang lumilipad na papel. Hindi mahuli-huli ni Ayesha ang papel na lumipad. Sinundan niya ito hanggang may nakahuli rito. Nakataas ang kamay ni Dylan na hawak ang papel. Dahil sa nakatuon lamang ang tingin ni Ayesha sa papel at inaabot ito, hindi niya namalayan na may tao na pala sa harapan niya kaya muntik na niyang mabangga ito. Napahinto si Ayesha na napakalapit ng mukha niya sa mukha ni Dylan. Namilog pareho ang mga mata ng dalawa ng makita ang isa't isa na may isang pulgada lamang ang layo.Tumigil saglit ng dalawang segundo ang oras kasabay sa dahan dahang paglagas ng talulot. Binitiwan ni Dylan ang papel nang hawak na ni Ayesha ang dulo.Pagkatapos ay biglang nagsigawan na ang mga babaeng estudyante. Nagsitilian na sila at nagsitakbuhan patungo sa may harapan ng main building.Napalingon si Ayesha sa kinatatayuan para makaiwas na rin sa binata. Napakamot ng ulo si Dylan at umiwas ng tingin.Mas lalong lumakas ang tilian kaya napalingon na rin si Dylan. Tumakbo si Ayesha at pinuntahan ang kumpol na mga kababaihan roon. Pumunta rin si Dylan.Sa harapan ng main building huminto ang isang magandang itim na kotse. Pinalibutan agad ng mga babaeng estudyante ang kotse na kilig na kilig. Halatang excited sila.Nagtataka si Ayesha sa mga nangyayari. "Anong meron?" Tanong nito sa sarili na narinig ng katabi niyang babae na si Lanie. "Sakay ng kotseng yan ang anak ng may-ari ng school. Ngayon ang unang araw niya. Kakalipat lang niya and he's from states." Sagot ni Lanie. "Ahhh, talaga ba?" Binuksan ni Mang Lino ang pinto ng kotse. Pagkatapos ay lumabas ang isang binata mula sa kotse. Mas tumili ang mga babae. "Ang gwapo pala talaga niya!" "Ayiee!!" "Oh my!" "Ang gwapo niya!" Napatitig si Ayesha sa binatang lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD