Chapter 2

1282 Words
  Nasa director’s office si Jack habang naghihintay kay Dylan na dumating para sabay na silang pupunta sa kanilang classroom. Nakaupo siya sa malambot na couch at may maiinom na juice sa center table. Namangha si Jack sa ganda ng silid. Ito ang office ng may – ari ng paaralan. May cupboard, shelves na maraming libro, mesa, frames na nakadikit sa dingding, plorera na may iba’t ibang sizes at iba pa.   “Maiwan ko muna kayo young master..” ani ng principal sabay yuko ng ulo. “Hintayin nalang ninyo ang kasama ninyo at ang inyong adviser para samahan kayo papunta sa inyong classroom.”   Nauutal na pagsagot ni Jack na di nagpahalata sa kanilang lihim, “ Uhm.. opo..”   Pumasok ang isang binatang teacher sa silid na nakasuot ng white polo at slacks. Nagmamadali itong puntahan ang dalawang bagong student.   “Good morning sir!” bati ni Sir Joseph.   “Good morning Sir Joseph. Mabuti naman at narito ka na.” wika ng principal.   Napatingin si Sir Joseph kay Jack na napatayo nang makita siya nito. Nanlaki ang mga mata ni Jack ng makita niya ang guro.   “Sir Joseph, ikaw muna bahala sa kanila. Hintayin nalang ninyo ang isa na dumating.”   “Ok sir!”   Bumulong ang principal kay Sir Joseph, “ Anak siya ng may – ari ng paaralan kaya ikaw na bahala.”   “Po?” sambit ni Sir Joseph na napasulyap kay Jack na nakakunot ang noo. Medyo nahihiya naman si Jack kay Sir Joseph at napayuko ang ulo.   Umalis na ang principal kaya naiwan na ang dalawa sa silid.   “Jack?” tawag ni Sir Joseph nang nilapitan niya ang binata. Humarap naman si Jack sa guro na nakangiti at parang walang nangyari.   “Tito Joseph! Long time no see. Dito pala kayo nagtuturo?” masiglang bati ni Jack.   “Anong ibig sabihin nito Jack? Nasaan si Dylan?” usisa ni Sir Joseph.   Napakamot ng ulo si Jack na di alam anong isasagot.   Samantala, walang balak na pumasok si Dylan sa unang araw ng pasok nila. Kaya siya ay naglakad lakad at nilibot ang buong campus. Hawak ng isang kamay niya ang kanyang backpack.   “Napaka-boring naman…” ani ni Dylan na nababagot. Naglalakad siya at minamasdan ang mga estudyante na naglalakad din patungo sa mga classroom nila. Malapit na rin magsimula ang klase.   Napabuntong hininga nalang ito habang naglalakad. Yumuko siya at nang inangat na nya ang kanyang ulo at idilat ang mga mata, napahinto siya. Sa may building 5, may tatlong lalaking binubully ang isang nerd na binata. Nakaluhod ang nerd habang sinasampal siya ng lalaki ng notebook sa mukha. Hindi nagreklamo ang nerd sa mga ginagawa nila sa kanya. Nanginginig siya sa takot at walang magawa. Ang isa namang lalaki ay kumakain ng mani at bawat balat nito ay itinatapon sa nerd. Nagtatawanan ang tatlo habang ginagawa nila iyon at tuwang – tuwa sila. Binuhos naman ng isa ang kanyang iniinom na juice sa ulo ng nerd. Dumaloy ito mula sa ulo hanggang sa uniporme nito patungo sa lupa.   “Yan ang bagay sa iyo!”   Ang saya saya nila pero hindi natuwa si Dylan sa nakita. Napakuyom ang kanyang palad at nanggigigil ito. Itinapon niya ang kanyang bag at di na niya napigilan hindi puntahan sila.   “Hoy! Anong ginagawa ninyo!?” sigaw ni Dylan.   Napatigil ang tatlo at napalingon kay Dylan. Hindi na nagdalawang isip si Dylan na hamunin sila. “Anong problema ninyo! Ako ang harapin ninyo!” hamon ni Dylan sa tatlo.   Astig na humarap ang leader ng tatlo kay Dylan na nakangiti pa. “Sino ba itong lalaking ito na ang tapang humamon sa amin?” Pagkaharap ni Dylan ay nagpigil pa ito saglit. Nagkaharapan ang dalawa.   “Bago ka rito?”   “Ano ngayon kung bago?”   “Napakatapang mo para hamunin mo kami! Hindi mo kami kilala dahil baguhan ka lang!”   Napangiti si Dylan pero tikom ang bibig kung sino siya. Tumayo lang siya sa harap ng lalaki pero nakakuyom ang palad na ready na sanang sumuntok. Pinipigilan niya ang sarili.   “Itigil na ninyo sa pagbubully sa kawawang estudyanteng yan..” pakiusap ni Dylan sa kanila. Pinagtawanan nila si Dylan.   “May bago tayong paglalaruan mga boys!”   Pinalibutan nila si Dylan. Tuwang tuwa ang tatlo nang itulak - tulak nila si Dylan at hindi man lang ito umalma. Nagpipigil siya.   “Ayaw mong lumaban? Duwag ka pala!” sabi ng isa na tinulak pa ang balikat ni Dylan.   “Matapang kayo kapag mahina ang tao! Kayo ang duwag!” sagot ni Dylan na nakasalubong na ang mga kilay.   Nainis ang kaharap ni Dylan at sinuntok siya sa kaliwang pisngi. Natumba si Dylan sa lupa at dumugo ang labi. Hindi na nakapagpigil si Dylan at tumayo na ito at sinuntok ang lalaking sumuntok sa kanya. Nanlaki ang mga mata ng dalawa pa nitong kasama pati ang nerd na nanonood. Sa mga oras na iyon ay wala ng gaanong mga estudyanteng gumagala dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase. Nagsuntukan sila at pinagtulungan si Dylan ng tatlo. Hindi naman nagpatalo si Dylan sa kanila. Nang nagsmula na silang magsuntukan ay tumakbo na ang nerd sa lugar.   Hawak hawak ni Ayesha ang isang papel kung saan nakasulat ang room number ng classroom niya. Nasa room 5 , 3rd floor building 5 ang classroom niya. Nasa second floor na siya sa mga oras na iyon.   “Saan kaya ito? Hmmm…”   Habang naglalakad si Ayesha sa pasilyo ay napadungaw siya sa labas. Nakita niya ang isang lalaki na sinusuntok ang isa. Ang dalawang lalaki ay nakahiga na sa lupa at mukhang napuruhan na.   “Iyan ang bagay sa inyo!” galit na sabi ni Dylan. Nanggigigil pa rin ito.   Napasalubong ang mga kilay ni Ayesha na mapanood niya ang ginagawa ng lalaki sa tatlo. Hinila ni Dylan ang kwelyo ng isa at inangat niya ang kanyang mga kamao. Susuntukin na niya sana ang lalaki nang biglang may dumapong sapatos sa ulo niya.  Tinamaan ang ulo niya ng sapatos na itinapon mula sa second floor ng gusali. Natigilan si Dylan at napakawalan ang isa.   “Aray naman!” sambit nito na napahawak sa ulo. Lumingon si Dylan sa gusali at napatingala. Wala siyang nakita roon.   Agad agad namang tumakbo ang tatlo palayo.   Si Ayesha naman ay yumuko at nagtago. Bigla siyang natakot kaya hindi siya nagpakita. “Naku, nakita kaya niya ako?”   “Sino kaya ang nagtapon non?” tanong ni Dylan. Pinulot ni Dylan ang isang black school shoes. “Kanino kaya ito?”   Napatingin naman si Ayesha sa isang paa niyang wala ng sapatos. “Naku, ang sapatos ko.. paano na?”     To be continued.. Ano ang gagawin ni Ayesha? Magpapakita ba siya o magtatago nalang?                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD