Prologue

141 Words
Nakatayo ako sa taas ng tulay na nakatingala sa bughaw na langit. Tumalon ako mula sa aking kinatatayuan patungo sa ilog na nakapikit ang mga mata. Ramdam ko ang lamig ng tubig na bumabalot at sumasakal sa akin. Ang akala ko ay katapusan ko na pero may nagligtas sa akin. “Bata! Bata! Gumising ka!”Isang boses ng batang lalaki ang aking narinig. Pinilit kong idilat ang aking mga mata. Napakalabo at hindi ko makita ang kanyang mukha maliban lang sa kanyang suot na brooch sa may dibdib nito. Ang brooch ay sumisimbolo ng isang logo. Kung ano ito, hindi ko alam. “Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ng batang lalaki. “Young master!”May tumatawag sa kanya sa mga oras na iyon.  Gusto kong makita ang kanyang mukha pero napakalabo. Hanggang nawalan na ako ng malay.Makikita ko pa kaya siya? Gusto ko siyang makita at magpasalamat sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD