Episode 4: Mission In Isabela

1113 Words
Maagap na kinabig ni Captain Samonte ang ama niya dahil nakita niya ang kulay pula na nakalapat sa likod nito. Kapwa silang bumagsak at gumulong-gulong upang makapagkuble. "Thank you!" pahayag niya sa anak. Nagseniyas si MG. Samonte na sabay silang lalabas at nagbilang ito hanggang tatlo. Sabay na silang lumabas at kinalabit nila ang mga gatilyo ng mga baril. Sabay nahulog ang dalawang sniper na nasa ibabaw. Patuloy naman ang paghahanap ni Klent at Marco sa mga sniper. Delikado ang sitwasyon nila dahil hindi nila nakikita ang mga sniper kaya ingat na ingat sila sa kanilang mga hakbang at kilos. Sina Albert III., Switlyne at Marissa naman ay halos walang pahinga sa pag-i-snipe nila sa mga kalaban dahil nakasalalay sa kanila ang kaligtasan ng iba nilang kasamahan. Samantalang patuloy din ang pagharap ng ibang pardus force sa mga kalaban. Dahil naka puwesto ang mga sniper ng pardus force ay naka lamang sila at sinigurado nila na sa bawat tira nila ay hindi masayang ang kanilang bala. Maingat rin na nakapasok sa kampo sina Jennith, Tennio, Gianna, Joy, at iba pang kasundaluhan. Nilagyan nila ng mga bomba ang bawat sulok nito. "Done!" wika ni Masol. "Done!" sabi naman ni Leon. Hanggang sa matagumpay nilang naikabit ang mga bomba. At agad tumawag si Marco kay MG. Samonte at sinabi niyang naikabit na nila ang bawat bomba. "Umalis na kayo diyan, at i-secure n'yo ang bawat area," utos nito sa kanila. "Copy, MG!" Hanggang sa lumayo na sila sa kampo at ilang segundo lang ang lumipas ay sunod-sunod na ang pagsabog ang umalingawngaw sa buong kampo. Maraming sugatan sa mga komunistang rebelde kaya hindi sila nakatakas. SAMANTALA masaya si Kumander Allhean at Col. Jacob Samonte sa bakasyon nila. Kasalukuyan silang nag-dinner nang bigla niyang naisip na tawagan ang ama dahil kinabahan siya. Nag-ring ang phone ni CGPA. Albert Sirocco II., at kasalukuyan itong nasa meeting kasama ang mga matataas na opisyales. Nang makita niyang unknown call ang nasa kabilang linya ay lumabas siya upang sagutin ito. "Hello." "Dad, ako ito," pakilala ni Allhean. "Kumusta ang bakasyon, anak?" "Okay lang naman, kumusta diyan? Medyo nag-alala kasi ako," aniya. Hindi naman matiis ni General Sirocco na maglihim sa panganay niyang anak kaya nagpasya ito na ipagtapat ang tungkol sa misyon ng pardus force sa Isabela. "May misyon ngayon ang pardus force. "Ano? Kailan pa? Kumusta ang lakad nila?" sunod-sunod niyang tanong sa ama. "Wala pa akong balita sa kanila ngayon dahil may importanteng meeting ako kasama ang pangulo at vice-president," tugon niya rito. "Sino ang nanguna sa lakad nila?" pag-alala niyang tanong. "Ang biyenan mo at brother-in-law mo," aniya. "Sumama rin ba ang aking kapatid?" Mas lalo siyang nag-alala. "Yes. Ayaw niyang magpapigil, eh!" anang ama nito. Dahil alam ni Kumander Allhean na nasa importanteng meeting ang ama kaya nagpaalam na ito. Ngunit sinabi niya sa ama na agad siyang balitaan kapag meron na itong balita tungkol sa mga kasamahan niya. Nangako naman ang ama nito na pagbalik niya sa kampo ay agad siyang tatawag sa anak. Napansin ni Jacob ang biglaang pagkalungkot ng asawa niya kaya tumabi siya at mahinahon na nagtanong. "Are you okay?" "Hindi. Nag-aalala ako sa mga kasamahan natin," aniya. "Bakit?" pagtataka niyang tanong. "Nasa Isabela sila ngayon dahil may misyon sila doon." "Ganoon ba? Kumusta naman daw sila?" Biglang nag-alala si Jacob nang malaman niya ang balita. "Hindi pa alam ni Daddy ang sitwasyon doon dahil nasa meeting pa siya kasama ang pangulo at vice-president president." "Ganoon ba? Sino daw ang nanguna sa misyon nila?" "Si MG. at Jase." "Mabuti kung ganoon. Sana matagumpay sila sa kanilang misyon," seryosong turan ni Jacob, dahil nag-alala na rin ito sa kasamahan nila. "Ang inaalala ko ay sumama si Albert." "Ano?! Bakit naman siya pinayagan siya ni Daddy?" Mas lalong nag-alala si Jacob nang malaman niya ang pagsama ng brother-in-law niya. "Ayaw raw magpapigil," malungkot niyang turan. "Kung sa bagay ay nadoon naman sila Jase at Daddy. I am sure na hindi nila ito pabayaan," Pampalakas loob ni Jacob sa asawa. "Perto hindi pa rin ako mapakali. Nag-alala ako sa misyon nila," aniya. "Hintayin na lang natin kung ang tawag ni CG. Dahil puwede naman tayong umuwi anytime," ani niya sa asawa at hinahaplos-haplos ang palad nito. HUMUPA ang giyera sa dalawang panig at ilan sa miyembro ng pardus force ang sugatan subalit hindi naman sila malubha. May mga rebelde ang sumuko. "Alsi, okay ka lang?" tanong ni Switlyne. "Oo. Ikaw?" balik tanong niya. "Oo. Okay lang ako." At agad niyang niyakap ang nobya. "Men, search the area!" utos ni Captain Jase Samonte. "Copy, captain!" Agad kumilos ang mga kasundaluhan at inikot nila ang buong lugar. At maya-maya pa ay dumating ang mga military medics at mga doctors. Isa na doon si Doctor Villa Font, ngunit wala si Dra. Sheanne Sirocco, dahil may seminar pa itong dinaluhan. Agad kumilos ang mga military medics at inalalayan nila ang mga sugatan na kasalukuyang nakaupo at nakahiga sa paligid. "Klent, are you okay?" tanong ni Captain Samonte. "Yes, Captain. Okay lang ako, malayo ito sa bituka." Malungkot naman si MG. Samonte na nilibot ang lahat ng mga sundalong sugatan at lalo na nang makita niya ang mga bangkay. Nanghinayang man siya pero wala itong magagawa dahil isa na ito sa sinumpaang tungkulin nila. Agad naman na lumapit si Doctor Villa Font kay Klent upang gamutin ang sugat niya. "Are you, okay?" Puno sa pag-alala si Dra. Font at agad tiningnan ang sugat nito sa may balikat. "Okay lang ako, Dra. Font." Natapos ang giyera at successful ang operasyon nila at kinahapunan ay masaya silang bumalik sa Manila. Pagod ang lahat na nakarating sa kampo. "Job well done, pardus force!" pahayag ni MG. Samonte. Sinabi ni MG. Samonte na magpahinga muna sila, sapagkat alam niya na lahat sila ay pagod sa kanilang misyon. Hanggang sa nagtungo sila sa kanilang barracks. Pagod sila na pumasok at inalalayan nila ang mga sugatan. Habang si Switlyne at Albert III ay nagpaalam sa mga kasamahan nila na uuwi muna sa bahay nila at doon na muna nagpapahinga at babalik sila bukas nang umaga. Pabagsak silang umupo sa kani-kanilang higaan dahil sa pagod na kanilang pinagdadaanan. "Klent, Tulungan na kita," alok ni Mariss sa nobyo at ito na ang nagtanggal sa uniporme niya. "Salamat, Mariss." "Walang anuman. Ano ba ang nangyari? Bakit ka natamaan?" "Hindi ko napansin ang isang sniper. Huli na nang mapansin ko siya pero buti na lang ay naka talon ako agad," paliwanag niya rito. "Next-time mag-ingat ka dahil alam mo naman ang bawat sitwasyon natin," paalala niya rito. "Opo…" nakangiti naman nitong tugo. Nang matapos niyang maasikaso si Klent ay lumabas na rin ito at pumasok sa barracks nilang mga babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD