Episode 12: First Day in the Fourth Batch

1419 Words
DUMATING ang mag-asawa sa bahay at naabutan nila ang pamilya na kasalukuyang nasa sala. Ang hapag-kainan naman ay nakahanda na, na tila sila na lamang ang hinihintay. Dumiretso sila sa sala at nagbigay galang sa mga magulang nila. "How many students are outside the academy now?" asked their father. "From what I've seen it's not less than fifty," Jacob replied. "Parang ganoon nga," sang-ayon ni Jacob. "At sa tingin ko ay madagdagan pa iyon," dagdag pa niya. "Mukhang marami ang papasok sa militar ngayon," turan ni Doktora Sheann at sinang-ayunan ito ng asawa niya. "Switlyne, Alsi. Ready na ba kayo para bukas?" tanong ni Kumander Allhean. "Opo, kumander," nakangiti niyang tugon at sabay kay Alsi. "Me too. I feel that our mission with Swit is interesting," he agreed with her girlfriend. "Siguraduhin niyong hindi papalpak ang mission ninyong dalawa. Dahil malakas ang hinala ko na maraming papasok na mga komunista," pahayag ni Kumander Allhe. "Paano mo nasabi iyan, Allhe?" curious na tanong ng ina niya. "Dahil maraming mga opisyales na komunista na hawak natin, at isa na doon si Senator Palomares Sr.," tugon niya sa ina. "May punto si Allhe, kaya ang mabuting gawin ay mag-doble ingat sa loob ng academy." "Huwag po kayong mag-alala, Dad, may naisip na akong plano," turan ni Kumander Allhe sa ama. "That's great!" "Let's eat muna," pahayag ng ina nila, at sabay tayo na nito. Susunod na rin ang mga ito. Nang matapos silang kumain ay kaniya-kanya na silang panhik sa itaas. At nang nasa loob na sila ng kwarto ay nakipag-usap si Jacob sa asawa niya. "Allhe…" sambit nito sa mahinahon na tinig. "Bakit, Jacob?" pormal nitong tugon at umupo sa tabi ng asawa. "Gusto ko na sana, na bumalik na tayo sa bahay natin. Kung okay lang sa 'yo." "Oo naman. Walang problema sa akin iyon." At bahagya siyang ngumiti, sabay tapik niya sa hita nito. "Salamat sa pang-unawa mo, Allhe. Bukas magpaalam tayo nang maayos." ani niya sa asawa. Samantalang hindi pa natutulog si Swit at Albert III. Kasalukuyang nasa kwarto ni Switlyne ang nobyo at nahiga ito sa kama. "Alsi, ready ka na ba para bukas?" tila malungkot ang boses niya. "Yeah… I'm so excited. Ikaw ba?" balik tanong nito. "Uhmmm… excited pero medyo may, lungkot." "Bakit naman?" Napaupo bigla nang maayos si Alsi at hinarap si Swit. "Baka kasi------" halos hindi matuloy ang dapat sabihin dahil nag-alala siya rito. "Baka kasi, ano?" Pangungulit naman ng nobyo. "Baka kasi makahanap ka nang iba o ipagpalit mo na ako." Tila nahihiya pa ito "Oh my God! Akala ko kung ano na!" muli siyang himiga matapos niyang marinig ang sagot ni Swit. "Swit, ikaw lang ang mahal ko, kahit ilang babae pa ang nasa tabi o harapan ko ay hindi kita ipagpalit sa kanila. Tandaan mo 'yan, ha!" paliwanag ni Alsi sa nobya. "Opo. Salamat, Alsi." Hanggang sa nagpaalam na si Al, i at lumabas na ito ng kwarto. Kinabukasan ay maagang nagising ang lahat, dahil buksan na muli ang gate para sa mga fourth batch. Habang nasa hapag-kainan na sila ay nagsalita si Jacob. "Mom, Dad…" panimulang sambit niya. "Yes Jacob?" tanong agad ng ama nila. Magpaalam na sana kami ni Allhe, kung okay lang sa inyo." "Bakit, saan kayo pupunta?" pag-alala na tanong ng ina nila. "Babalik na sana kami sa bahay namin, kung okay lang sa inyo. Para makapag simula kami bilang mag-asawa." "Wala namang problema sa amin dahil naintindihan namin kayo bilang bagong mag-asawa. Basta ang gusto lang namin ng Mommy mo ay huwag mo lang ipagdamot si Allhe. Alam mo naman kung gaano siya ka importante sa amin," paliwanag ng biyenang lalaki. "Of course, Dad. Tulad pa rin nang dati dito pa rin kami mag-dinner," tugon niya. "Salamat, Pa, Mom," pahayag naman ni Allhean sa kanila. Hanggang sa matapos silang mag-breakfast, at nagpunta na sila sa kampo. Habang si Switlyne at Albert III., ay hindi sumabay sa kanila, tanging ang driver nila ang naghahatid sa academy. Dahil kailangan nilang sumunod sa sa proseso na tulad ng ginagawa ng mga ordinaryong estudyante. SAMANTALANG nakarating ang limang mag-aaral sa Manila Sirocco Military Academy. Pareho silang masaya at nakangiti nang makita nila ang malaking gate at nabasa ang pangalan ng paaralan. "Wow!" bulalas ni Cel, habang inikot-ikot ng tingin ang kabuuan ng paligid. "O—M—G! I can't believe this, para akong nanaginip lang!" pahayag ni Jhauztine, at tinapik-tapik pa ang pisngi niya. "Grabe------ ang daming mag-aaral!" Halos hindi makapaniwala si Jhie sa nakita niya. "Oo nga! Ang dami pang gwapo!" nakangiting turan ni Jahaizah. "Tangeh! Guwapo lang ba ang sadya mo, teh?" seryoso na tanong ni Gene Lyn. Pero biro lang niya iyon. "Salamat, Lord, dahil nandito na ako. My dream come true na. Mama, Papa, pangako na pagbutihin ko ang aking pag-aaral," saad niyang bulong sa sarili. Halos mahigit five hundred students ang nasa labas ng gate at lahat ay excited na naghihintay. At maya-maya pa ay dumating ang sasakyan ng magkapatid na Alcantara at si Franky ang nagmamaneho. Habang nasa tabi naman niya ang kapatid na si Feunnah. "O—M—G!" ang cute niya…" pabalang na sabi ni Jhauztine. "Balat pa lang ulam na!" sabat naman ni Gene Lyn, at titig na titig siya sa lalaki. "Grabe akala ko para lang sa mahirap ang pagsusundalo," wika naman ni Dhaysol, dahil napansin niya na maraming estudyante na mga sosyal tingnan. "Nasa MSMA lang pala ang mga oppa!" turan ni Cel. At maya-maya pa ay huminto ang mamahalin sasakyan na kulay itim. Napalingon na naman ang mga estudyante at hinihintay nila ang bumaba. "Oh… No!" bulalas na naman ni Jhauztine, nang makita niya si Albert III. Umikot ito sa kabilang upuan at binuksan ang pinto kung saan nakaupo si Swit. "Ay! Sayang naman, may jowa na pala." Parang desmayado si Jahaizah, nang makita niya na may jowa na pala ang lalaki. Nang makita ni Feunnah ang crush niya, ang lalaking dahilan kung bakit gusto niyang masundalo ay dali-dali siyang lumapit na para bang close sila. "Hi, Albert!" mainit niyang bati rito. Nagulat naman si Albert III sa biglaan nitong pagsulpot sa likuran niya. At hindi agad siya nakilala nito. Tahimik lang si Switlyne, habang tinitingnan niya ang babaeng tumawag sa nobyo niya. "Excuse me! Do I know you?" At kahit konting ngiti ay walang sumilay sa labi nito. "Yeah. It's me, Feunnah Alcantara. Twice na tayong nagkita. First, sa boutique ng Mommy ko. Second, sa wedding ng sister mo," paliwanag niya. "I see… I remember you na. Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa pormal na boses. "Isn't it obvious that we will study here?" biglang sabat ni Franky na parang galit ito. "At sino ka naman?" tanong ni Albert III. "Ahhhh… brother ko siya si Franky. Kaming dalawa ang nag-apply ng scholarship dito!" si Feunnah ang sumagot, at siniko niya ang kapatid para patahimikin. Kunot ang noo ni Albert III, dahil sa inaasta ni Franky. Pero pero pilit niyang pinigilan ang sarili. Hinawakan niya ang palad ni Swit at naglalakad patungo sa gate. Para lang maka distansya sa magkapatid na Alcantara. "Sa tingin niyo, sino ang mas mayaman sa dalawang oppa?" bulong na tanong ni Gene Lyn sa mga kaibigan niya. "Pustahan tayo?" pahayag naman ni Cel. "Deal! Isang daan?" sang-ayon ni Jahaizah, pero ang boses nila ay idinaan sa bulungan. "Deal ako! Ang mas mayaman ay iyang pares na magkahawak kamay," hula ni Jhauztine. Si, Jhauztine, Gene Lyn ay kay Albert III. Habang si Jhie, Cel, Jahaizah, ay kay Franky naman. "Ikaw, Dhaysol, hindi ka sasali sa amin?" tanong ni Cel, dahil hindi ito nagsasalita. "Pasensiya na kayo, wala kasi akong pera," tugon niya. At dahil wala itong pera ay hindi na nila pinipilit. Pero iyon naman talaga ang totoo. May konting pera si Dhaysol, subalit kailangan niya itong tipirin dahil hindi pa niya alam kung kailan muling magkakapera ang mga magulang. Lalo na't ang perang bimaon niya ay inutang lang ng ama niya. SAMANTALANG isang grupo naman ang nasa kabilang dulo ang nakaupo. Nasa mahigit labinlimang estudyante ito, tahimik lang sila at nakayuko na parang hindi magkakilala. Ngunit napansin ito ni Switlyne at agad tinandaan ang mga mukha. Hindi man siya sigurado na ispya ang mga ito, pero malakas ang hinala niya na dalawa o lima rito ay komunista. Alas-otso y medya na pero marami pa rin ang nagsidatingan na mga bagong mag-aaral. Ang iba ay marami ang mga dala at bilang lang ang konting bitbit. Pero si Albert III, Switlyne, Feunnah, Franky, at tanging ballpen lang ang kanilang mga dala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD