Episode 11: Ang Pagpukot ni Kumander Allhe sa Leader ng mga Rebelde

1409 Words
TAKOT ang nararamdaman ng mga rebeldeng natira, dahil patay na ang kanilang leader. Wala silang balak na sumuko dahil hindi nila ibinaba o itinaas ang kanilang mga armas. "Ibaba ninyo ang inyong mga armas!" utos ni Kumander Allhe, ngunit parang walang narinig ang mga ito. Dahan-dahan na lumapit si Kumander Allhe sa bangkay ng lider ng mga rebelde. Sabay bunot niya sa kanyang military hunting knife at hinawakan nito ang ulo ng bangkay. Sa harapan ng mga kasamahan nito ay pinugutan niya ng ulo at hinagis niya ito sa harapan ng mga rebelde at napaatras ang mga ito nang gumulong ang ulo sa harapan nila. "Ganyan ang mangyayari sa inyo kung magmatigas pa kayo," kalmado na paliwanag ni Kumander Allhe sa kanila. Dahil sa takot ng mga ito ay isa-isa nilang ibinaba ang kanilang mga baril. Agad naman itong sinunggaban ng mga militar at pinapadapa. Hanggang sa natapos ang giyera at dinala nila nang maayos ang sumuko. At bitbit rin nila ang ulo ng lider. "Kumander!" sambit ni Switlyne at patakbo itong lumapit sa kanya. "Kumander…" tawag rin ng kapatid niya. "Bakit kayo bumalik?" At palit-palitan ang tingin niya sa dalawa. "Nag-alala kasi kami sa inyo, kumander." niya. "Kasama rin pala namin si Doktora Sheann." "Bakit niyo siya hinayaan na sumama dito?" seryoso niyang tanong at nag-alala sa ina. "Ayaw magpapigil eh! Nag-alala daw siya sa iyo—" Hindi natapos ang sasabihin ni Alsi, dahil dali-dali nang tumalikod si Kumander Allhe upang puntahan ang ina. "Naku! Galit yata," bulong na sabi ni Switlyne. "Mukha nga!" sang-ayon naman ni Alsi. Hanggang sa sumunod na sila patungo sa kuta ng mga rebelde kung saan naroon ang mga sugatan. Dumating naman si Kumander Allhe sa kuta ng mga rebelde at agad hinahanap ang ina niya. Noong una ay hindi niya ito nakita kaya nagtanong siya. "Nakita mo ba si Doktora Sheann?" "Nandoon yata sa loob ng kubo, general." "Salamat!" Agad niya itong pinuntahan. "Doktora…" sambit niya sa ina na sobrang abala sa pag-aasikaso ng isang kasamahan nila na malubha ang tama. "General, mabuti at okay ka," aniya, pero hindi niya malapitan ang anak sapagkat kasalukuyan pa niyang ginamot ang pasyente. "Bakit ka sumama dito? Delikado ang lugar na ito, dapat doon ka lang sa sentro ng baryo." pahayag niya sa ina. "Hindi ako mapakali doon, lalo na't sinabi ng kapatid mo ang sitwasyon dito. Sobra akong nag-alala sa iyo." Hindi na sumagot si Kumander Allhe, dahil naintindihan niya ang ina. Bagkus tinulungan niya ito sa paggamot ng pasyente. "Tapos na ba ang giyera?" tanong ng ina. At hindi ito nakatingin sa kanya dahil kasalukuyang tinatahi niya ang sugat ng pasyente. "Oo. Tapos na." Mataas na ang sikat ng araw at natapos na rin silang mag-clearing sa buong lugar. Hanggang sa nagpasya na silang lisanin ang naturang lugar. Ang nangyari doon ay nakarating sa founder ng mga rebeldeng komunista. Sapagkat hindi alam ng mga militar na meron pa lang isang lalaki ang nagmanman sa paligid at hindi ito lumalapit sa naturang area. Nasaksihan niya ang pagpugot sa ulo ng lider. Subalit ang hindi alam ng spy ng mga rebelde ay napansin na siya ni Kumander Allhe. Kaya iyon ang pinakarason kung bakit niya pinugutan ng ulo ang lider. Upang iparating ang mensahe niya na ganoon ang mangyayari sa kanila kung patuloy silang magmatigas at manggugulo sa gobyerno. "Kilala mo ba kung sino iyon?!" galit na tanong ni Ka Anniefa sa kabilang linya. "Isa lang ang alam kong gumagawa nang ganiyan. Kung hindi ako nagkakamali------ Kumander Allhean ang pangalan niya—" "Enough! Ayaw kong marinig ang pangalan niya!" Bigla itong nagalit nang marinig niya ang pangalan. Hindi namalayan ni Ka Anniefa na dumudugo na pala ang palad niya dahil sa higpit na pagkahawag nito sa ballpen. NAKABALIK ang buong pwersa ng mga militar sa Maynila. Nang malaman ito ni CGPA. Albert Sirocco II., ay dali-dali itong lumabas ng opisina at takbo-lakad na pinuntahan ang mga anak at asawa. Una niyang nakita ang butihing asawa. Napangiti siya dahil nakita nito ang asawa na ligtas. Agad niya itong nilapitan at walang pasabing niyakap. "Wala akong tulog sa kakaisip sa iyo," madamdaming sabi niya sa asawa. "Your kids and I are fine," Doctor Sheann simply replied and she hugged him back. "Good then! Where are they?" "We're here, Dad!" si Alsi ang sumagot at nakangiti ito. Dali-dali silang nilapitan ng ama at sabay niya itong niyakap nang mahigpit. "Si Switlyne?" tanong nitoi, sapagkat hindi niya nakita ang nobya ng anak. "Nandoon sa mga kasamahan namin," tugon ni Kumander Allhe. SUMAPIT ang buwan ng fourth batch para sa pag-recruit ng mga bagong sundalong mag-aaral sa Manila Sirocco Military Academy. At bukas na ito magsisimula, kaya gabi pa lang ay nandoon na ang ibang mga mag-aaral na nagmula pa sa iba't ibang lugar. Palabas mula sa kampo sina Kumander Allhe at si Col. Jacob Samonte at nadaanan nila ang mga mag-aaral doon. Biglang naalala niya Kumander Allhe ang unang araw na dumating siya sa Manila, at kung gaano siya kasaya noon. Ang bahagya niyang ngiti ay biglang napawi nang maaalala niya si Valencia. "Ano ba?! Dahan-dahan! Magasgasan mo iyang maleta ko. Mahal pa iyan sa buhay mo!" "S-sorry po! S-s-sorry po!" "Anong sorry?! Linisan mo iyan gamit ang dila mo!" "Booo! Booo!" "Go! Go! Go! Didila na iyan!" "Huwag mong gawin iyan!" "Sino ka?! Bakit ka nakikialam?! Hindi mo ba ako kilala?" "Isa lang akong mahirap na mag-aaral na tulad rin niya. At wala akong pakialam kung sino ka. Hindi naman yata tama at hindi makatao na padilaan mo ang maliit na dumi, puwede namang punasan lang ng maayos." "Kung gusto mo ikaw ang maglinis! Do it!" "Can you stop?!" "Satisfied?" "Jase Samonte." "Allhean Fabiano!" "Okay ka lang?" "Oo, salamat!" "No probs!" "Nasaktan ka ba?" "H-h-hindi po!S-salamat!" "Halika, doon tayo." Napansin ni Col. Jacub Samonte ang pagkalungkot ng mukha ng asawa niya. "Allhe, are you okay?" pag-alala na tanong nito. At hinawakan niya ang palad ng asawa. "Ah! Oo! Naalala ko lang noong unang araw ako dito sa Manila. Tulad rin nila ako noon na sobrang excited," kwento niya rito. Tinawagan ni Kumander Allhe ang ama niya upang sabihin na maraming mga mag-aaral ang nasa labas ng gate. At ang gusto niya ay pabigyan ng mga pagkain at maiinom. Ngunit wala siyang plano na papasukin. Sapagkat gusto niyang subukan ang katatagan ng mga loob nito. SAMANTALA, sa loob ng barko na patungong Maynila ay masayang nagkukwentuhan ang limang magkakaibigan. Na kasalukuyang nasa rooftop ang mga ito. "Grabe hindi ko talaga ini-expect na makapunta ako ng Manila. So excited!" nakangiting pahayag ni Jhauztine. "Ako rin. Akala ko talaga hindi ako makakasama dahil ayaw ni Mama na magsundalo ako at buti na lang to the rescue agad si Papa," turan naman ni Jahaizah, na halatang excited rin ito. "Ano kaya ang maging buhay natin doon 'no? Sana magkasama tayo sa isang kwarto at magkaklase pa rin tayo," emosyonal na sabat ni Gene Lyn, at parang iiyak na ito. "Tangeh! Siyempre magkaklase tayo dahil pareho naman tayong first-year!" mataray naman ang naging tugon ni Jhie, at binatukan pa niya ito. "Basta kahit anong mangyari, kahit magkaiba pa ang ating mga section o room ay mananatili pa rin ang ating pagkakaibigan at walang iwanan!" mungkahi naman ni Cel, sabay angat niya ng isang kamay. "Forever friends!" sigaw nilang lahat. "Welcome! Manila Sirocco Military Academy…" muling sigaw ni Jhauztine, at ginaya rin siya ng mga kaibigan. "Excuse me!" boses ng isang babae mula sa likuran nila ang nagpatahimik sa kanilang ingay. Sabay naman na napalingon ang lima. "Yes?" ani nila. "Sa MSMA din ba ang punta ninyo? By the way ako pala si Dhaysol," pakilala niya sa mga ito. "Hmmm… ano 'yong MSMA?" tanong ni Cel, na hindi agad na gets ang meaning nito. "Tangeh! Military Sirocco Manila Academy 'yon!" tugon ni Jhie. "Isa ka pang, Tangeh! Manila Sirocco Military Academy!" At winawasto ito ni Jahaizah. "Pareho lang iyon!" Pinagpilitan ni Cel na tama siya. "Oo, doon ang punta namin. Doon ka ba nag-aaral?" pormal na tanong ni Gene Lyn. "Mag-aaral pa lang kung sakaling makapasa ng training. Uhmm… Puwede ba akong sumabay sa inyo? Mag-isa lang kasi ako at hindi ko alam ang papunta doon." "Oo naman! Walang problema," pumayag naman si Jhauztine. "Maraming salamat sa inyo, ha." "Taga-saan ka pala?" tanong ni Jahaizah sa kanya. "Taga-Butuan ako. Kayo?" "Isang lugar lang kaming lima, taga-Bukidnon kami," si Jhie ang sumagot. Hanggang sa pinaupo nila si Dhaysol, at isinama sa kwenasawanilang magkakaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD