Nagising ako mula sa maligamgam na tela ba pumupunas sa buo kong katawan. Kahit antok na antok ako at hinang-hina ay sinikap kong magmulat ng aking mga mata para tingnan kung sino ang nagpupunas sa akin. Nagulat ako nang makita ang apat na babae na nagpupunas sa akin ng puting bimpo. Seryoso sila sa kanilang ginagawa at puno ng pag-iingat sila sa pagpupunas sa akin. Ano'ng nangyari? Ang alam ko papunta ako sa banyo para maligo. Para maghanda sa kasal na gusto ng lalaking bumili sa akin. Pero bakit nakahiga ako rito at mukhang ngayon pa lang ako nagising? Pumikit akong muli para alalahanin ang nangyari. Saka ko lang naalala na nawalan ako ng malay bago pa man ako nakaabot ng banyo. Ibig sabihin, napurnada ang kasal? Natuwa ako ng bahagya pero saglit lang iyon dahil alam kong pansamanta