Palakad-lakad ako rito sa loob ng kwarto ko habang patingin-tingin ako kay Ximena na mariing nakapikit at walang malay na nakahiga sa aking kama. Alalang-alala ako sa kanya at hindi ko alam ang aking gagawin. Bigla na lang siyang tumumba at buti na lang nagawa ko siyang saluhin bago pa man lumagabog ang katawan niya sa sahig. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nasaktan siya. Pero naisip ko, ilang beses ko na siyang nasaktan kagabi. Mabigat akong bumuntonghininga at pinagalitan ang aking sarili. Ayaw ko naman iyong gawin sa kanya. Pero kasi sobra akong kinakain ng galit ko, ng selos ko. Oo, nagseselos ako. Pinaalagaan ko siyang mabuti pero iba pala ang unang makikinabangan! Kaasar! Winawala ko na 'to sa isip ko pero heto ang umiinit na naman ang ulo ko. Tumigil ako sa kalalakad at