"Ano'ng klaseng pagpapalaki ba ang pagpapalaki mo sa kanya? Hindi ko sinabing palakihin mo siya ng matapang at palaban!" nanggagalaiting sigaw ko sa matandang nakayuko sa harapan ko na wala ng ginawa kundi ang humingi ng tawad sa akin. Puro na lang ganito ang ginagawa niya. Hindi man lang siya umisip ng paraan para maibsan ang galit na nadarama ko.
"P-pasensiya na po, master. Pagsasabihan ko po siya. Patawad po, hindi na po mauulit."
Subalit wala akong madama na awa sa kanya dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako. Hindi ko gusto ang tabas ng bibig ng babaeng iyon at hanggang ngayon ay nagpupuyos ako sa galit dahil natameme ako sa harapan niya. Hindi ko napanatili ang matapang kong awra dahil tumiklop ako sa mga tanong niya.
Gusto kong maging submissive siya sa akin. Magpasakop siya sa gusto ko ngunit tila may pinagmanahan siya ng ugali at iyon ang kinaiinisan ko. Mukhang papalag din siya sa gusto ko at mukhang hindi ko siya makokontrol.
"Bakit hindi pwede? Sino ka ba?"
My ass!
Ang lakas ng loob niya na tanungin ako ng ganito!
Hindi ba niya alam kung sino ang kinakausap niya?
Lahat ng taong nakakakita sa akin ay tumitiklop! Pero ang batang iyon, ang lakas ng loob niya na sumagot-sagot sa akin kahit kita ko na nangangatog na siya sa takot!
Bakit? Sino nga naman ba ako?
At bakit hindi ako nakasagot?
Putangina! Napatahimik ako ng batang disisyete anyos!
Hindi pwede, dahil iyon ang gusto ko!
At kung sino ako?
In time she will know! Malalaman niya sa nalalapit naming paghaharap. Ilang buwan na lang ang hihintayin ko at maisasakatuparan ko na rin sa wakas ang matagal ko ng minimithi.
Kung hindi man siya naging akin noong una…sisiguruhin ko na this time ay magiging akin na siya nang tuluyan.
I won't waste this second chance.
She is mine at hinding-hindi ko na siya hahayaang ma-in love pa sa iba.
She belongs with me!
Only me!
"P-pasensiya na, master. Hindi ko rin alam na magiging ganyan ang pakikitungo niya sa iyo. Hindi siya ganyan sumagot sa akin. Lagi siyang malumanay at takot na makagawa ng mali sa harapan ko," ani pa ng matanda na tila pinapaliwanag niya ang side niya.
Umiling-iling ako sa sinabi ng matanda.
Takot makagawa ng mali sa harapan niya? Kaya ba hindi niya alam na may kinakausap itong lalaki sa Catharina University?
Sabi ko bantayan niya ang batang iyon. Huwag palalapitin sa kahit sinong lalaki. Mamaya ma-in love siya sa iba at hindi na naman maisakatuparan ang matagal ko ng minimithi! Ang tagal ng hinintay ko, tapos sa iba lang pala siya ulit magkakagusto?
No way!
Kailangan ko ng umisip ng paraan para mapunta siya sa poder ko. Hindi ko siya pwedeng damputin na lang kahit gustong-gusto ko. Gusto kong umisip ng paraan na hindi niya ako paghihinalaan na may kinalaman. Dahil ayaw kong mamuhi siya sa akin kapag nagkataon.
"Kung ganyan nga ang pagpapalaki mo sa kanya, bakit kanina, parang hindi naman. Ang tapang niya at hindi ko mahanap sa sinabi mo ang ugaling sinasabi mo!"
"H-hindi ko rin alam, master. S-sinunod ko naman ang lahat ng gusto mo, master. Talagang may pinagmanahan lang talaga siya ng ugali kaya siguro ganoon," anang matanda na nakayuko pa rin at takot na takot na tumingin sa akin.
Napamaang naman ako sa kanyang sinabi. Tama siya, palaban naman din kasi iyong pinagmanahan niya.
"Hmn…sabagay, tama ka. Hindi mo na mababago iyon dahil nasa dugo niya iyon," sang-ayon ko naman. Medyo nawala na ang inis na nadarama ko dahil likas na siguro sa kanya ang pagiging matapang lalo na at may pinagmanahan siya ng kanyang ugali.
Ngumisi ako ng may maalala ako sa sinabi ng matanda. Ngunit biglang nanlisik ang mga mata ko nang may dumaan na imahe sa utak ko na siyang naging dahilan para bumalik ang panggagalaiti ko sa galit.
Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap iyon! Hindi ko matanggap na nagkagusto siya sa iba at nabuntis! Kaya naman nang makita kong lumalaki ang bata at nagiging kamukha niya, naisip ko, bakit hindi ko sa kanya hintayin ang second chance na matagal kong hinihintay. I can't love another woman, ang mukhang iyon lang talaga ang gusto ko, ang kinababaliwan ko ng husto.
I'm obsessed with her pretty face. Halos ikabaliw ko nang hindi ko siya maangkin noon. Now that I have this second chance to have her…patawarin ako ng Diyos pero gagawin ko ang lahat maangkin ko lang siya nang tuluyan.
"M-master, ako na ang humihingi ng tawad sa inasal niya. Hayaan mo at kakausapin ko siya mamaya."
"Dapat lang na kausapin mo siya mamaya! Alam mo ba na sinusuway ka na naman niya? Sabi ko huwag mo siyang palalapitin kahit kaninong lalaki? Bakit kanina, may kausap na naman siya at sobrang sweet pa raw nila. Magkatabi sila sa upuan at mukhang masaya pa sila!" ani ko na may diin ang bawat salitang binibitiwan ko.
Mas lalong nadagdagan ang galit ko dahil naalala ko na naman ang ibinalita sa akin ng isa kong tauhan na nakamatiyag sa batang iyon. Hindi ko siya nais na personal na puntahan kanina dahil abala ako kanina. Pero gusto ko siyang komprontahin muli. Sabi niya hindi niya boyfriend iyon, bakit lagi niyang kasama iyon?
Gigil na gigil na naman ako lalo na nang mag-echo na naman sa utak ko ang sinabi niya sa akin.
"Bakit hindi pwede? Sino ka ba?"
Putangina! Nakakagigil! Gusto ko siyang parusahan dahil sa mga tanong niyang ito sa akin. Wala siyang karapatan na tanungin ako ng ganito!
Pero nagawa kong magpigil, hindi pa ito ang tamang panahon. Maghihintay pa ako ng ilang buwan para magawa ko ang gusto ko sa kanya!
"Pagsabihan mo siya kung ayaw mong malintikan sa akin ang batang iyon! Kapag ako hindi nakapagpigil, iuuwi ko na siya sa bahay ko at gagawin ang lahat ng gusto kong gawin sa kanya!"
Mas lalong nanginig sa takot ang matandang lalaki sa sinabi ko. Pasigaw ko na siya kung kausapin at halos dumagundong ang boses ko sa apat na sulok ng kwartong ito.
My voice is thunderous kaya sobra siyang nanginginig ngayon sa takot.
"M-master, huwag naman pong ganyan. May usapan tayo. Hintayin mo namang mahinog iyong bata. Magkakatrauma siya kapag sapilitan mo siyang kinuha. Pahinugin mo muna. Pangako, gagawin ko ang lahat para maging mabuti siyang babae para sa iyo."
"Ano pa bang ginagawa ko, Arnulfo? Kahit gustong-gusto ko na siyang kunin sa iyo ay kita mo at hindi ko ginagawa! Dahil katulad mo, ayaw kong mamuhi sa akin si Ximena! Pero alam mo ang magiging kapalaran niya once na humantong siya ng eighteen. Kaya alagaan mo siyang mabuti. Kapag may hindi ako nagustuhan sa mga kilos at galaw niya habang nasa poder mo siya, alam mo na ang mangyayari. Kukunin ko na siya at titira na siya sa bahay ko sa ayaw mo man o sa gusto!"
"M-masusunod po, Master." Nalaglag ang balikat ng matanda sa sinabi ko. Alam niyang wala akong binabali sa mga salita ko. Kaya gusto ko, kumilos din siya. Kapag sinabi ko na ganito, dapat gawin niya. Dapat isakatuparan niya.
"Siguraduhin mo ang mga salitang pinapangako mo sa akin, Arnulfo. Kapag pumalpak ka sa pagbabantay sa kanya. Hindi lang si Ximena ang kukunin ko sa iyo! Maging si Anna ay kukunin ko para maging parausan naman ng mga tauhan ko!"
Nahintatakutan ang matanda sa sinabi ko. Halos lumuhod na siya sa harapan ko nang muli siyang magmakaawa.
Wala naman akong balak kunin si Anna sa kanya. Panakot ko lang ito para magpursigi siya na alagaan at bantayan si Ximena. Hindi ko naman kailangan ang anak niya para maging parausan ng mga tauhan ko. Maraming pwedeng babae sa club na pag-aari ko na pwede nilang pagparausan. Pwede silang kumuha ng pwede nilang parausan roon anytime.
"H-huwag po, huwag naman ang anak ko, Master. Oo pangako. Pangako, aalagaan kong mabuti si Ximena. Mula ngayon ay mas lalo akong maghihigpit sa kanya. Pagsasabihan ko rin ang sinasabi mong lalaki na lapit nang lapit sa kanya. Makakaasa ka sa mga binibitiwan kong salita, master. Pangako, hindi na kita bibiguin ngayon. Huwag ko lang isali ang anak ko rito. Hindi ko matatanggap na maging parausan lang siya. Pakiusap, gagawin ko ng maayos ang trabaho ko huwag lang si Anna."
"Ganyan! Ganyan ang gusto kong marinig sa iyo, Arnulfo! Madali lang naman akong kausap eh. Pero siguraduhin mo na kumilos ka! Alam mo na ang mangyayari kapag pumalpak ka, kaya sige, pagbibigyan kitang muli!"
"S-alamat po, Master. Makakaasa po kayo sa akin," mangiyak-ngiyak na sabi ng matanda. Kung hindi ko pa pinanakot ang anak niya ay malamang hindi pa rin ito magpupursige. Now, na hawak ko siya sa kanyang leeg, alam kong mapapanatag na ang loob ko.
Magiging abala ako sa susunod na araw at kailangan ko ang pangako niya. I am not around this whole month. Marami akong underground business na aasikasuhin kaya mawawala muna ang atensyon ko kay Ximena. Hindi bale, marami akong alipores na magbabantay sa kanya. Kaya itong si Arnulfo, siguraduhin niya na susunod siya sa mga pangako niya sa akin. Kapag hindi at may nalaman ako sa pagbabalik ko. Mananagot siya sa akin ng malaki!
"Sige. Now move! Lumayas ka na sa harapan ko!"
Yumukod muna ang matandang lalaki sa akin bago nito nanginginig na tinungo ang pinto at kaagad na tumalilis.
Naiwan naman akong nakatanga sa kawalan at umiisip ng paraan kung paano maagang mapupunta sa poder ko si Ximena. Wala akong tiwala kay Arnulfo, nakita ko kung gaano katapang si Ximena. Alam kong susuway at susuway pa rin sa kanya ang bata.
Pag-iisipan ko na lang ito pagbalik ko. Sa ngayon, magtitiwala muna ako sa matanda.