"Ingat po kayo ni Anna sa biyahe, Tito," ani ko kay Tito Arnulfo nang maupo na ito sa driver's seat. Nginitian lang ako ng pinsan kong si Anna nang maupo na rin ito sa front seat. Aalis na sila patungong sa iisang ruta. Alas-sais y media pa lang ngunit paalis na sila. Maaga pa ang alas-sais y media sa totoo lang, ngunit dahil malayo ang biyahe nila kaya kailangan nilang umalis ng mas maaga para umabot sila sa takdang oras. Si Anna ay sa university na kanyang pinapasukan at si Tito Arnulfo naman ay sa kanyang kumpanya naman ang kanyang destino.
"Ikaw din, Ximena. Mag-iingat kayo ng driver mamaya. At iyong bilin ko sa iyo, lagi mong tatandaan, okay?" Tumango ako sa sinabi ni Tito Arnulfo. Hindi na siya galit at mukhang mabuti na ang mood niya. "Huwag kang gumaya rito sa pinsan mong pasaway." Tiningnan nito ang anak na si Anna. "Nagkakaintindihan ba tayo?" ani ni Tito sa istriktong tono. Lumabi lang si Anna sa tinuran ng kanyang ama habang ako naman ay kiming ngumiti.
"Opo, Tito. Lagi ko pong tatandaan," magalang kong sagot kahit naiilang ako sa kanya ng bahagya. Natakot ako sa galit niya kanina sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko naman kinakalimutan ang mga habilin niya dahil hindi naman ako katulad ng pasaway kong pinsan na hindi marunong makinig sa kanyang utos. Masunurin ako sa lahat ng utos at bilin ni Tito Arnulfo at kahit kailan ay hindi ko pa siya sinuway. Kaya naman kanina ay medyo nasaktan ako ng magalit siya sa akin. Mabuti na lang at ipinaliwanag ko ang side ko dahil kung hindi, alam kong mas higit pa roon ang sermon na matatanggap ko kahit wala naman akong ginagawang masama.
Ang ipinagtataka ko lang sa Tito Arnulfo ko ngayon ay paulit-ulit siya sa mga habilin niya sa akin. Hindi naman siya ganito dati sa akin. Isang beses na habilin sa kanya ay sapat na. Ngayon inulit na naman niya ito ngayon. Nakapagtataka. Bakit pakiramdam ko naninigurado siya na hindi ako susuway sa kanya. Hindi naman talaga ako susuway. Kilala niya ako, hindi ako pasaway kahit noon pa.
Ano'ng nangyari kay Tito Arnulfo? Bakit biglang-bigla ay naghigpit siya sa akin.
Maybe, iniisip niya na malapit na akong mag-eighteen. Magiging pasaway na rin ako gaya ng anak niya dahil malapit na ako sa legal age.
Kung ito ang iniisip niya, pwes nagkakamali siya. Hindi dahil malapit na ako sa legal age ay magpapasaway na rin ako. No, I won't do it. Magiging masunurin pa rin ako kay Tito. Ito ang panata ko sa aking sarili dahil alam kong ang ikabubuti ko lang ang kanyang iniisip.
No talking to boys, yes I will try to do it. Kapag hindi naman importante ang sadya sa akin ng mga kaklase kong lalaki ay ako na talaga ang iiwas. Mahirap na at baka iba ang makarating sa kanya lalo na at tila may mata yata siya roon sa Catharina University.
Kailan pa siya nagkaroon ng mata roon? Dati naman wala akong naririnig kahit na madalas ang pakikipag-usap sa akin ng mga kaklase kong lalaki. Kung kailan malapit na akong mag-eighteen ay parang ngayon pa siya naghigpit. Isa pa, iyong tungkol kay Levroz, alangan na ngayon lang niya nalaman samantalang panay ang pahaging niya kapag nagagawi siya rito sa bahay.
Parang may mali talaga kay Tito Arnulfo. Oh baka naisipan na niyang maghigpit sa akin ngayon lalo na at ligawin na ako.
"Oh siya sige, mauna na kami ni Anna. Maaga kang umuwi mamaya. Mga alas-singko ay nasa bahay na kami."
"Opo, Tito."
"Sige, alis na kami."
Kumaway ako kina Tito Arnulfo at Anna habang palabas ang sinasakyan nilang kotse rito sa garahe. As usual nauna silang umalis ng bahay at ako naman ay naiwan at susunod na rin na aalis maya-maya para sa klase ko nitong umaga.
Nang mawala sa paningin ko ang sasakyan nila ay saka ako umakyat sa kwarto ko para maghanda na rin sa pag-alis.
Mabigat ang pakiramdam ko habang paakyat ako sa kwarto ko. Iniisip ko pa rin ang inasal sa akin ni Tito sa hapag-kainan kanina at ang ilang beses niyang paghabilin sa akin. Hindi ako sanay na nagagalit siya sa akin. Galit na galit siya kanina habang sinesermonan niya ako. Wala naman akong ginagawang masama pero parang pinapangunahan na niya ako. Na kapag sumuway ako ay magagalit siya sa akin.
Kahapon, hindi naman siya ganito. Ayos pa naman kami. Bakit ngayon ay biglang naghigpit na siya na parang may masamang balita na nakarating sa kanya.
Hays…ayaw ko ng isipin ito. Sumasakit lang ang puso ko. Pakiramdam ko pati sa akin ay wala siyang tiwala. Si Anna naman kasi, hindi tumitigil sa pagiging pasaway niya pati tuloy ako na nananahimik ay nadadamay.
"Nakahanda na ang sasakyan sa garahe, hija." ani Nana Mameng nang makababa ako sa ikalawang palapag. Sinikap kong pinasigla ang aking awra kahit pakiramdam ko sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko. 'Di bale, makakalimutan ko rin ito mamaya. Baka wala lang talaga sa mood si Tito Arnulfo kaya pati ako ay nadamay sa init ng ulo niya.
"Okay po, Nana."
Sinundan ako sa salas ng matanda. Nakita ko na bitbit niya ang baon kong sandwich at tanghalian. Ayaw ni Tito Arnulfo na magbaon ako. Mas gusto niya na bumili ako sa canteen. But I insist na magbaon na lang ako kaysa maubusan ako ng pagkain kapag hindi ako kaagad na nakabili.
Nagbabaon ako dahil ayaw kong makipagsiksikan sa canteen kapag oras ng lunch. Kahit gaano kasi kalawak ang canteen sa university na pinapasukan ko ay hindi sapat ang space para magkasya ang lahat ng estudyante lalo na kapag nagkasabay-sabay ang vacant at lunch time.
Nakarating kami ng Catharina University nang hindi ko namamalayan. Saka ko pa lamang napansin na narito na kami sa university nang magsalita ang driver sa harapan.
"Ma'am Ximena, narito na tayo," pagbabalita sa akin ni Kuya Fernan.
"O-okay po, Kuya," medyo pautal ko pang sabi na tila wala pa rin ako sa aking sarili. Lutang kasi ako buong biyahe dahil naglalakbay ang utak ko sa kung saan.
Ginala ko ang aking paningin sa labas at nakita kong narito na nga kami.
Binuksan ni Kuya Fernan ang pinto sa gawi ko. Nagpasalamat ako sa kanya at saka na ako lumabas at naglakad patungo sa klase ko.
Bigla akong kinabahan nang mapadaan ako sa bench kung saan ay nilapitan ako ng lalaking gumugulo sa isip ko kahapon. Nawala sa isip ko ang tungkol sa kanya dahil sa panenermon ng Tito ko sa akin. Ngayong naalala ko ang tungkol sa kanya ay kinakain na naman ng kaba ang puso ko.
Paano kung lapitan na naman niya ako ngayon?
Ano'ng gagawin ko?
Ano ang magiging reaksyon ko?
Hindi ko alam…basta ang alam ko lang ay natatakot ako sa kanya.
Nagmadali ako sa paglalakad. Nananalangin ako na sana hindi magkrus ang aming landas.
Nakahinga ako nang maluwag nang makarating ako ng classroom namin. Wala akong nakita ni anino ng lalaki kaya naman panatag ako na wala siya sa paligid.
Natapos ang klase ko na tutok na tutok ako sa pagsasalita ng aming propesor. Panay din ang take down notes ko kanina dahil baka bigla siyang magpa-surprise quiz. Ang hilig pa naman ni Mr. Sanchez sa surprisequiz. Ngunit hindi nangyari ang nasa utak ko dahil maaga siyang nag-dismiss ng klase dahil may meeting daw ito.
Kaya naman napaaga ang vacant namin. Kinain ko ang sandwich na pinabaon sa akin ni Nana Mameng sa classroom ng susunod naming klase. Hindi na ako nag-abala pang lumayo pa dahil iniisip ko na baka magkaroon na naman ng chance ang lalaki na lapitan ako. Baka nasa paligid lang siya at humahanap ng timing.
Naiinis pa naman ako sa aking sarili dahil dito. Pilit kasi na nagsusumiksik sa isip ko ang naging pag-uusap namin at nagugulo na naman ang utak ko dahil dito.
Bakit ako?
Stalker ko ba talaga siya o nagkataon lamang ang lahat?
"Ximena!" Halos mahulog ako sa aking kinauupuan nang marinig ko ang boses ni Levroz. Natigil tuloy ako sa pagmumuni ko dahil sa kanya. Heto na naman ang lalaking makulit! Sabi ko tigilan na niya ako. Malalagot ako kapag nalaman ni Tito Arnulfo na hinayaan kong lapitan niya ako!
"What?" masungit kong tanong. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa pagkain ko ng sandwich.
"Ang sungit mo naman, babe. Hmnn…" aniya sa malambing na tinig. At pagkatapos ay narinig ko ang mga yabag niya na palapit sa kinaroroonan ko.
Sinimangutan ko siya nang makita ko siyang tumayo ilang dipa ang layo sa akin.
Shit! Masyado siyang malapit! Malalagot ako kapag nakita kami ng spy ni Tito Arnulfo!
"Ano ba kasi iyon?" tanong ko para magtigil na siya. Medyo lumayo ako sa kanya at tumingin-tingin sa paligid.
"May tatanungin lang ako sa iyo," aniya na tila nabuhayan ng pag-asa. Nakangiti siya ng maluwag sa akin. Naisip ko naman na masamang ideya na kinausap ko siya. Baka isipin niya na may chance siya sa akin dahil hindi ko siya natiis na hindi kausapin.
Hays! Palpak ka na naman Ximena!
"Ano nga?"
"Iyong assignment natin sa English, pakopya ako ng mga question."
"Bakit? Hindi ka ba nagsulat kahapon?" medyo iritado kong tanong. Baka gumagawa lang siya ng dahilan para kausapin ako. Imposible na hindi siya nagsulat kahapon, siya pa ba? Eh ayaw din naman niyang magpahuli sa ranking kaya alam kong nagsulat siya.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Baka may nagmamatiyag ng spy sa amin at makaabot na naman sa kaalaman ng tito ko na magkausap kami ni Levroz.
Medyo nakahinga ako ng bahagya nang wala akong makita na kahina-hinala sa paligid. Ngunit hindi ako nakakasiguro kaya naman kaagad kong inilabas ang notebook ko at ibinigay ito kay Levroz.
"Hayan na, sige na. Iwan mo na ako," lantaran kong pagtataboy sa aking kababata. Mahirap na, kailangan ko lang mag-ingat.
Masisira ang tiwala ni Tito Arnulfo sa akin kung ngayon pa lang ay nilabag ko na ito sinadya ko man o hindi.
Tapos, dalawa lang kami rito ni Levroz. Baka kung ano pa ang isipin ng mga makakakita. Ako ay malalagot na talaga!
"Dito na lang ako sa tabi mo, Ximena. Ikaw naman, kung makataboy ka ay parang sobra kung mandiri sa akin," kunwari ay nasaktan na sabi ni Levroz.
Umikot naman ang mga mata ko sa ere. Akala niya makukuha niya ako sa paawa-effect niya. No! Dahil kahit ano'ng gawin niya ay hindi ko siya magugustuhan.
"Hindi naman ganyan ang ibig kong sabihin. Sige na, kopyahin mo na para matapos ka na."
"Yes!" sigaw ni Levroz na ikinakunot ng noo ko. Tapos nagulat ako nang maupo siya sa tabi ko at nagsimulang magsulat.
Natameme ako sa ginawa niya dahil wala naman akong sinabi na tumabi siya sa akin.
Ang ginawa ko ay lumayo ako sa kanya at naglagay ng espasyo sa pagitan namin. Ano siya sinuswerte?
Nalungkot naman siya sa ginawa ko.
"Nandidiri ka talaga sa akin, Ximena," malungkot niyang sabi habang nakatingin sa akin.
"Hindi. Ayaw ko lang maging tampulan tayo ng tsismis lalo na at naghigpit na ang Tito Arnulfo ko sa akin," paliwanag ko.
"Why?"
"Bawal muna sa akin ang magpaligaw," walang gatol kong sabi.
"Ako ang kakausap sa kanya kung iyan ang pumipigil sa iyo para magustuhan mo rin ako, Ximena," ani ni Levroz na biglang nagliwanag ang kanyang mukha.
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin!"
"Basta kakausapin ko siya!"
Hindi naman ito ang ibig kong sabihin sa kanya. Iba na naman ang pananaw niya sa sinabi ko. Akala niya yata sinasabi ko na may pag-asa sana siya kung hindi kokontra ang Tito ko.
Sinapo ko ang noo ko sa katangahan ko.
Hays! Ang tanga ko! Mas pinapaasa ko lang siya kung ganito.
"Maiwan na nga muna kita riyan. Punta lang akong restroom," ani ko sa kanya nang wala na akong maisip na ikatwiran. Bahala siya kung ito ang iniisip niya. Bahala siyang anihin ang galit ng Tito ko. Basta ako, wala akong sinabi na pwede siyang manligaw!
Lumabas ako at dumiretso nga ng restroom. Wala naman akong sadya rito. Gusto ko lang makatakas sa lalaking iyon. Kapag nagtagal pa ako roon ay baka may masabi na naman ako na baka ikasama ng loob niya. Ayaw ko naman maging harsh sa kanya sa totoo lang pero ito lang ang alam kong paraan para tumigil na siya.
Hindi rin ako nagtagal sa loob ng restroom. Marami na kasing pumapasok na estudyante at nakakahiya naman kung sisiksik pa ako roon eh wala naman akong gagawin doon.
Natagpuan ko ang sarili ko sa likod ng building namin. Sumandal ako sa dingding at tumitig sa bughaw na langit. Ngunit hindi pa man ako nagtatagal dito nang biglang sumulpot sa kung saan ang lalaking bigla na lang lumapit sa akin kahapon.
Nangatog ang mga tuhod ko lalo na nang dumiretso siya sa kinaroroonan ko.
Takbo! sigaw ng utak ko. Subalit hindi ko magawa dahil nanlalambot ang mga tuhod ko.
Ano ba ang ginagawa niya rito sa Catharina University. Bakit lagi na lang siyang sumusulpot kung nasaan ako?
"It's nice seeing you again here, baby girl..." aniya nang makalapit.
Ako naman ay tila kakapusin ang hininga dahil sa takot ko sa kanya. May suot siyang shades at hindi ko kita ang buo niyang mukha. Ngunit sapat na ang awra niya para matakot ako sa kanya.
"G-ganoon din po sa iyo," sagot ko sa bulol na tono.
"Hmn...why may po? Ang galang mo naman," tumawa siya pagkatapos niya itong sabihin.
Napasiksik naman ako sa aking sinasandalan dahil sa kanyang pagtawa. Pati tawa niya ay nakakatakot!
"Sabi mo kahapon wala kang boyfriend. Bakit kausap mo na naman iyong lalaking kausap mo kahapon? Sobrang lapit pa ninyo sa isa't isa at sobrang sweet ninyong tingnan," aniya sa tono na may bahid ng inis.
Nagimbal ako sa aking narinig lalo na at tumigil siya sa aking harapan dalawang dipa ang layo sa akin.
Shit! Ini-stalk niya talaga ako?
Ano ba ang kailangan niya sa akin? Bakit bawat galaw ko ay alam niya? Bakit bawat galaw ko ay binabantayan niya?
Shit!
"W-wala akong boyfriend. Hindi ko siya boyfriend. Bakit kasi? Ano ba'ng pakialam mo kung meron man? Ano ba'ng pakialam mo kung sino ang gusto kong kausapin?" Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at nagawa ko itong i-voice out sa kanya kahit takot na takot ako. Ewan ko pero parang nainis na ako dahil parang kung magsalita siya ay hindi pwede ang mga ginagawa ko.
Nanlisik ang mga mata ng lalaki sa sinabi ko. Inilang hakbang lang niya ang pagitan namin at mabilis niya akong nahawakan sa baba ko.
"Dahil hindi ka pwedeng makipag-usap sa kahit kaninong lalaki, Ximena. Hindi ka pwedeng makipaglapit kahit kanino!" galit niyang sabi na halos sigawan na niya ako.
"Bakit hindi pwede? Sino ka ba?" galit na inalis ko ang palad niya sa baba ko at umatras palayo sa kanya. Ewan ko kung saan ko hinugot ang tapang ko. Pero pakiramdam ko sobrang tapang ko ngayon.
Hindi nakapagsalita ang lalaki. Natameme siya saglit at parang nakalimutan niya ang kanyang sinasabi. Kinabahan naman ako dahil baka saktan niya ako o kung ano. Pero nagulat ako ng magmura siya. Parang naalibadbaran na lumayo siya sa akin at pagkatapos ay iniwan niya ako sabay talikod at alis.
Naiwan na naman akong clueless habang nakatanga sa daan na dinaanan niya.
Anyare?