Nanghihina ako nang makauwi ako sa bahay ng Tito Arnulfo ko. Hindi ko alam pero hinang-hina talaga ako. Hindi na nga ako umabot ng aking kwarto. Nahiga na lang ako sa sofa sa sala habang iniisip kung ano ang nangyari kanina sa parking lot. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi ito maproseso ng utak ko at hanggang ngayon ay tinatanong ko pa rin ang aking sarili kung ano ba ang sadya sa akin ng lalaking iyon para tanungin niya ako ng ganoon?
"May first kiss ka na ba?" paulit-ulit itong nagpi-play sa utak ko.
Ano ang ibig niyang sabihin dito?
"You see, hindi ako makakatulog nito kapag hindi kita natanong."
Mas lalo naman sa salitang ito. Ibig sabihin ba, laman ako ng isip niya palagi?
Nakakatakot. Parang gusto ko ng tumigil sa pag-aaral. Pero paano ang pag-aaral ko? Alangan naman na magpaapekto ako sa taong iyon at iitsa-pwera ang pangarap ko na makatapos. Sayang ang lahat ng pinagpaguran ni Tito Arnulfo lalo na ako, sayang ang effort ko sa pag-aaral kapag nagpaapekto ako sa taong iyon.
Sabi naman niya, "I won't harm you, baby girl." Siguro naman totoo ang sinasabi niya dahil kung may masama siyang balak sa akin, chance na niya kanina pero hindi naman niya ginawa. Hindi naman niya ako tinangay. Baka nasa isip ko lang ang takot. Baka nagkakamali lang ako sa aking mga hinala sa kanya.
Pero hindi eh. Pakiramdam ko talaga nakatingin siya sa bawat galaw ko at hindi ko alam kung ano ang binabalak niya kung bakit siya nakamatiyag.
Is he some kind of stalker? s**t! Stalker ko nga yata siyang talaga! He is obsessed with me!
Bakit?
Tingin ko naman hindi lang ako ang pwede niyang magustuhan. Isa pa, pumapatol siya sa bata?
Tingin ko ang layo ng agwat ng edad namin at tila ka-edad lang siya ng aking ama kung narito lang siya.
And speaking of aking ama, ang tagal naman nilang bumalik ng aking ina. Hanggang ngayon ay hindi pa nila ako binabawi sa Tito Arnulfo ko. Hindi naman ako galit sa kanila siguro tamang paliwanag lang ay tatanggapin ko sila agad ng aking ina.
Malapit na akong mag-eighteen, wala pa ba silang balak bumalik?
Hays…aasa pa ba ako? Tama na nga ang pag-iisip. Huwag ko ng isipin ang mga imposible na mangyari. Dahil kung ginusto nila akong balikan ay dapat noon pa.
Pinikit ko ang aking mga mata para ipahinga ang aking isip. Hindi ko talaga mahanap ang sagot sa tanong ko kung bakit kailangan tanungin ako ng lalaki ng ganoon.
Bakit niya ako ini-stalk? Ano ba ang kailangan niya sa akin?
Kung gusto niya ako, bakit ako? Ang bata ko para magustuhan niya. I have curves in proper places pero siguro naman hindi siya napatol sa hindi pa hinog.
Hindi siya napatol kasi nga hinihintay niyang mag-eighteen ako!
Shit! Mas lalo akong natakot para sa sarili ko. What if hinihintay lang talaga niya akong mag-eighteen? Tapos tatangayin na niya ako at dadalhin sa isang lugar at gagawing parausan!
Hindi pwede! Kailangan itong malaman ng Tito Arnulfo ko. Mukha pa namang walang gagawin na mabuti ang lalaking iyon!
Pero bakit ako? Ang daming mas magaganda at mayayaman sa Catharina University?
Bakit hindi na lang iba?
Hanggang sa gupuin ako ng antok ay ang lalaking nakausap ko sa parking lot ang laman pa rin ng isip ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Paggising ko ay naulinigan ko ang Tito Arnulfo ko na may kausap sa telepono. Hindi ko alam kung nananaginip lang ako o ano. Kaya naman nagmulat ako ng aking mga mata at hinanap ko siya sa paligid.
I saw him standing five meters away from me. Nakatalikod siya sa gawi ko at nakatayo sa bintana. Mukhang seryoso siya sa pakikipag-usap sa telepono at mukhang hindi siya pwedeng istorbohin.
Muli akong pumikit. Antok pa ako at siguro naman ayos lang na matulog ako rito sa sala. Hindi naman siguro niya ako sisitahin dahil maayos naman akong nakahiga. Hindi na kasi ako umabot sa kwarto ko dahil sa sobrang panlalambot ko kanina. Akala ko, hindi na ako lulubayan ng lalaki kanina kaya hinang-hina ako. Akala ko talaga may balak siyang masama sa akin.
"Yes, Master. Inaalagaan ko pong mabuti. Hindi ko nga po pinapadapuan sa lamok, ni kahit nga kagat ng langgam ay hindi rin," naulinigan kong sabi ng Tito Arnulfo ko.
Kumunot ng bahagya ang noo ko sa aking narinig. Sino naman kaya ang tinutukoy niya? May inaalagaan ba na hayop si Tito Arnulfo?
At master? Sino naman ang master na tinatawag niya? Ang alam ko, si Tito Arnulfo ang boss sa kanyang trabaho. Bakit may tinatawag siyang master?
Inignora ko ang aking narinig, dapat hindi ako nakikinig sa usapan ng matatanda ngunit natigilan ako sa sumunod na narinig ko sa kanya.
"Yes, Master. Pasensiya na po. Opo. Simula ngayon ay maghihigpit na ako para sa kanya. Hindi ko iyan alam dahil wala namang nakakarating na balita sa akin. Ang alam ko walang lumalapit sa kanya. Alam niya ang mga patakaran ko kaya alam kong wala. Pasensiya na po, hindi ko po talaga alam. Nagkulang ako, naging pabaya ako. Hindi na po mauulit, bigyan pa po ninyo ako ng isang pagkakataon." Halos magkaawa na si Tito Arnulfo sa kanyang kausap. Damang-dama ko iyong pagsisi niya sa kasalanan na maaaring kanyang nagawa.
Nag-aalala ako para sa kanya. Kawawa naman si Tito Arnulfo, mukhang galit na galit yata sa kanya ang kanyang amo. Mukhang napabayaan niya ang inuutos nito sa kanya.
Tsaka sino kaya ang pinag-uusapan nila. Mukhang importante itong tao at binabantayan pang maigi ng aking Tito.
"Opo, masusunod po. Babantayan ko po ng maigi para sa inyo. Maghihigpit na po ako ngayon."
Mukhang mahalagang tao nga ang inaalagaan ng Tito ko. Mukhang nagagalit ang amo niya dahil napabayaan niya ito. Kawawa naman si Tito. Sana hindi siya saktan ng taong kanyang kausap. Tila takot na takot kasi si Tito Arnulfo sa kanya.
Inignora ko na lang muli ang aking narinig. Alam kong masama ang nakikinig sa usapan ng iba. Pero kasi hindi ko mapigilan ang ma-curious lalo na at iniisip ko na may amo pala ang Tito Arnulfo ko. Akala ko, siya ang nagmamay-ari ng kanyang mga negosyo. Bakit ngayon, may amo pala siya?
Muli akong nakatulog. Paggising ko gabi na, madilim na kasi sa labas ng bintana at napansin ko, nakakumot na ako at naka-switch pa ang aircon. Hindi lang iyon, may nakatutok pang electric fan sa akin na labis kong pinagtataka.
Anyare? Hindi nga ako gumagamit ng mga ganito dahil gusto kong magtipid. Ayaw kong iasa kahit ganito kaliit na kapritso sa Tito ko. Tsaka sanay ako na hindi gumagamit ng ganito. Siguro si Nana Mameng ang nag-switch ng mga ito. Baka nakita niyang nagpapawis ako kaya niya sinindihan ang aircon, pero bakit pati electric fan?
Nagkakamot ang batok na umayos ako ng upo. Bakit ba pati ito ay prinoproblema ko? Ang dami ko ng inisip dinadagdag ko pa ito.
Tinupi ko ang kumot na nakabalabal sa akin at bahagyang naghikab. Inaantok pa ako. Ito na yata ang mga puyat na naipon ko kaka-review ng aking mga aralin. Mamaya ay maaga akong matutulog. Hindi pwede na lagi na lang akong nagpupuyat. Nakakasira ito ng kalusugan at ayaw ko namang mag-alala sa akin si Tito Arnulfo kapag nagkasakit ako. Marami na siyang pinoproblema at ayaw kong pati ako ay kanyang iisipin pa.
Tumayo ako at nag-inat. Pagkatapos ay inabot ko ang remote ng aircon at pinatay ko ito. Sinunod ko naman ang electric fan pagkatapos. Maghahanda na sana ako paalis sa sala nang bigla akong magulantang sa biglang pagsasalita ni Nana Mameng sa aking likuran.
"Oh, gising ka na pala, hija?" aniya nang makalapit siya sa aking kinaroroonan. Nakita ko siya na galing siya ng komedor at may hawak na isang tasa ng tsaa. Mukhang dadalhin niya ito sa study room kung saan madalas tumambay si Tito Arnulfo kapag may ginagawa itong paper works dito sa bahay.
"O-opo. Pasensiya na, nakatulog po ako ng matagal dito," ani ko habang naghihikab pa rin. Mukhang kulang pa ang tulog ko. Kailangan ko ng makakain para muling bumawi ng tulog.
"Sus! Ano naman ang problema roon? Matulog ka lang hanggang gusto mo. Hindi ka nga pinaistorbo ng Tito mo dahil alam niyang pagod ka sa school. Pero nagagalit siya kanina at awang-awa ng makita ka niyang pinagpapawisan dito. Bakit hindi ko raw in-on ang aircon at electric fan. Paano kung papakin ka ng lamok dito at mabasa ang likod mo?"
Napamaang ako sa aking narinig. Ibig sabihin, si Tito mismo ang nagsindi ng aircon at electric fan? Hala! Nakakahiya naman!
"Ayos lang naman po ako, Nana. Alam naman ninyong hindi ako sanay gumamit ng mga ganyan."
"Naku! Galit na galit ang Tito mo kung alam mo lang. Simula ngayong gabi ay lagi mo na raw sisindihan ang aircon sa kwarto mo. Nabanggit ko kasi na hindi mo ginagamit iyong aircon sa kwarto mo. Sinabi ko na hindi ka sanay kaya naabutan ka niya rito na walang ginagamit na kung ano para mapreskuhan. Ayon, mas lalong nagalit sa akin. Pinapabayaan daw kita Dapat daw inaalagaan ko kayong mabuti ni Anna. Bakit ka raw nagtitipid kung pwede ka namang magpaksawa sa paggamit ng aircon."
"Wala po kayong kasalanan, Nana. Ako po ang gusto na huwag gumamit dahil ayaw ko pong maging mas lalong pabigat sa gastusin dito sa bahay. Nakakahiya po kay Tito, siya lang ang kumakayod sa bahay na ito kaya naisip ko po na magtipid para makabawas sa mga gastusin," paliwanag ko naman. Ayaw kong masisi ang matanda dahil ako naman talaga ang may gusto na magtipid.
"Ayaw ng Tito mo na tipirin mo ang iyong sarili. Kaya simula mamaya, mag-on ka ng aircon mo kung ayaw mong ako ang mapagalitan, Ximena," mahigpit na bilin ng matanda sa akin.
"Okay po, sisindihan ko na po simula ngayong gabi." Wala akong nagawa kundi ang umoo. Ayaw ko naman na mapagalitan na naman siya sa Tito ko dahil sa aking kagagawan.
"Oh, siya sige. Mauna na ako sa iyo at hinihintay na ng Tito mo ang tsaa niya. Ikaw, pumunta ka na sa komedor at kumain ka na. Tapos na ang Tito mo at si Anna, ikaw na lang ang hindi kumakain kaya pumunta ka na roon."
Tumango ako sa sinabi ng matanda. Dali-dali akong pumasok ng komedor at kumain na. Gusto ko rin makaayat na sa kwarto ko at makatulog ng muli. Maaga pa ako bukas sa school dahil marami kaming activities.
Kinabukasan, nakasabay ko muli sa pagkain sina Tito Arnulfo at Anna. Panay ang sermon niya sa pinsan ko nang datnan ko sila sa hapag-kainan. Akala ko hindi ako madadamay sa init ng ulo ni Tito ngunit nagulat na lang ako nang pati ako na walang ginagawa ay nadamay.
"Ikaw, Ximena. Bawal muna sa iyo ang pagpapaligaw. Mag-aral kang munang mabuti at hindi kung kani-kaninong lalaki ka nakikipag-usap!" galit niyang sabi habang masama ang tingin niya sa akin.
Natigil tuloy ako sa aking pagsubo. Hindi naman ako nagpapaligaw. Sa katunayan ay ilang beses ko ng binasted si Levroz dahil wala pa sa isip ko ang mga ganitong bagay.
Nakarating na pala sa kanya ang balitang ito. Sino naman kaya ang nagsabi?
"Maliwanag ba ang sinabi ko, Ximena?"
" Opo,T-tito. Tsaka hindi naman po ako nagpapaligaw. Sa katunayan po, ilang beses ko na pong binasted si Levroz. Siya lang po ang makulit na lapit nang lapit sa akin," pagtatanggol ko sa aking sarili habang pinipilit ko ang aking sarili na huwag maiyak.
"Mabuti kung ganoon. Simula ngayon mas lalo mo pa siyang iwasan. And please, huwag kung kanj-kanino ka nakikipag-usap na lalaki. Simula ngayon, no talking to boys, maliwanag ba?"
Napamaang ako sa aking narinig. Bakit bigla siyang naghigpit sa akin? Tsaka wala naman akong kinakausap na iba. Mga classmates ko lang na lalaki kapag may tinatanong sila. Saglit lang naman iyon, pati pala ito ay nakakarating sa kanya.
Sino kaya ang makati ang dila na nagbalita sa kanya ng ganito? Wala akong ginagawang masama. Alam ni Tito kung gaano kapursigido sa aking pag-aaral. Bakit bigla siyang naghigpit?
No talking to boys?
Sure! Masunurin ako kaya gagawin ko simula ngayon ito.
"Opo, Tito. Masusunod po."
"Salamat, Ximena. Pasensiya ka na kung hinihigpitan kita. Para sa kapakanan mo rin naman ito kung bakit ko ito ginagawa."
"Naiintindihan ko po, Tito."