Chapter 2. Sino ang first kiss mo?

2487 Words
Para akong ipo-ipo sa bilis kumilos nang makarating ng classroom namin. Walang lingon-likod akong nagtatakbo kanina pagkatapos kong lampasan ang sasakyan na kinalululanan ng lalaking nakausap ko kanina. Next time, I will remind to myself na no talking to strangers na simula ngayon kahit ano'ng mangyari. Kahit na ba may tatanungin lang ito o magpapaturo ng daan sa akin. Ayaw ko ng maulit iyong kanina. Pakiramdam ko kasi talaga ay may binabalak na masama sa akin ang mga lalaking iyon. Kursunada ako ng lalaking kasama ng lalaking nakausap ko, ito ang dinig ko. Dito pa lang sa usapan nilang ito ay dapat na akong kabahan. Starting today, hihintayin ko na lang sa parking lot ng school ang driver na laging sumusundo sa akin. Iiwasan ko ng tumambay sa labas ngayon lalo na at tingin ko pwedeng magkaroon ng chance ang lalaking nakausap ko kanina para tangayin ako. Tangayin for what reason? Ang ibenta o gawing parausan sa kama. Kinilabutan ako sa aking mga naisip. Ito lang ang pwedeng sadya ng mga lalaking iyon sa akin kaya nila ako kinausap. Tapos naalala ko, tinanong ako kung kailan ako mag-e-eighteen. Diyos ko! Kahina-hinala sila! Pakiramdam ko ay may balak talaga silang masama sa akin. Hindi ko pa naman tanda ang mukha ng nakausap ko dahil nakasuot siya ng shades. Maging ang kausap nito ay hindi ko rin nabistahan ang mukha kaya kailangan kong mag-ingat. 'Di bale, madali na lang para sa akin ang iwasan ang sasakyan nila dahil natandaan ko naman ang plate number ng sasakyan na sinakyan nila. Makita ko pa lang na sumusungaw ang nguso ng kotse nila ay magtatatakbo na ako palayo. Mahirap na, ayaw kong maging parausan lang ng mga matatanda. "Ximena!" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ang pagtawag na ito. Natigil tuloy ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng kababata kong si Levroz. Kaagad na umikot ang mga mata ko nang makita ko siyang may tangan na pumpon ng pulang rosas. Hindi pa ba siya nagsasawa sa pang-re-reject ko sa kanya? Pangatlo na 'tong pabulaklak niya. Naaalibadbaran na ako sa kanya actually, lalo na kapag alam kong nasa paligid ko lang siya at nakatingin sa akin. Ayos naman ang samahan namin dati. Pero nang umamin siya ng nadarama niya sa akin ay parang ni sulyap ay ayaw ko na siyang tingnan. Pakiramdam ko lahat ng tingin niya sa akin ngayon ay may malisya. Hindi ako sanay lalo na at barkada lang naman ang turing ko sa kanya. Nang aminin niyang gusto niya ako nang nakaraang linggo ay naging aloof na ako sa kanya. Ayaw kong umasa siya na magkakaroon ng katuparan ang iniisip niya na pwedeng maging kami anytime. Kaya naman todo iwas ako sa kanya para hindi siya umasa. Dahil ang priority ko sa ngayon ay ang makatapos ng pag-aaral. Love for me right now is set aside. This is not my priority for now, saka na kapag successful na ako sa buhay. "Flowers for you, babe…" madramang sabi ni Levroz nang makalapit siya sa akin. Kaagad namang kinilig ang mga estudyanteng nakatingin sa amin samantalang ako ay dumoble ang inis na nadarama ko sa lalaki. Wala naman siyang lahing Intsik pero kung makapanligaw siya sa akin ay daig pa niya ang Intsik sa sobrang agang manligaw. Nakakasira tuloy ng araw. Tapos ang dami pang mga tsismosa at tsismoso sa paligid. Malamang kakalat na ito at natatakot tuloy ako na baka makaabot ito sa kaalaman ng aking Tito Arnulfo. Mahirap na, ayaw kong masira ang tiwala niya sa akin. Sabi ko magtatapos ako ng pag-aaral at tutuparin ko ang mga pangarap niya para sa akin. At ang pagpapaligaw sa ngayon ang unang-una kong iiwasan. "Hindi ko matatanggap iyan, Lev. Ilang beses na kitang sinabihan. Hindi ka ba nakakaintindi?" Nawala ang ngiti sa mga labi ni Levroz sa sinabi ko at napalitan ito ng lungkot na tila nagpapaawa pa sa akin. Hindi naman ako nagpadala sa itsura niya. Kunwari lang iyan, alam ko ang mga galawan ng mga lalaking gusto makaisa. Pa-awa effect para mahulog din ang loob mo sa kanila. Sus! Gasgas na ang mga ganitong style. Bata pa ako pero hindi naman ako mabilis magoyo. Ginagamit ko ang utak ko para mapabuti ang buhay ko. At itong si Levroz, hindi siya ang sisira sa konsentrasyon ko sa aking pag-aaral. May itsura si Levroz, actually habulin siya ng chicks. Ewan ko ba kung bakit ako ang napili niyang ligawan sa dami naman ng pwede niyang ligawan na nag-aaral dito sa Catharina University . Sabi ko sa kanya ay hindi kami talo. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya, pinangunahan ko na siya noon pa man. Ang kulit lang ng lahi niya. Alam naman niyang hindi ako nagpapaligaw. Tapos, lalong nadagdagan ang inis ko sa kanya nang marinig ko sa ilang usap-usapan na plano nga niyang manligaw sa akin. In-broadcast pa talaga niya kaya naiinis ako sa kanya. Tila ba sinasabi niya na walang pwedeng manligaw sa akin kundi siya lang. "Hindi ako marunong tumanggap ng pagtanggi sa iyo Ximena. Kung mayroon mang lalaki na gugustuhin na mapangasawa mo ang Tito mo, ako na iyon dahil alam kong boboto si Tito Arnulfo sa akin," buong kumpiyansang sabi niya. Umismid ako sa kanyang sinabi. Siguro nga tama siya. But not this time. Bata pa ako at wala pa sa isip ko ang magkaroon ng nobyo. "Pwes, maghintay ka kung kailan mangyayari iyon. As of now, basted ka muna sa akin. Pag-aaral ko muna ang mahalaga sa akin kaya diyan ka na! Sa 'yo na 'yang mga bulaklak mo," pagkatapos ko itong masabi ay bigla ko na lang siyang tinalikuran at tinungo ang classroom namin. Narinig ko pa siyang tinatawag ako ngunit hindi na ako lumingon dahil baka kung ano pa ang isipin niya kapag nagkataon. Ayaw ko siyang bigyan ni katiting na pag-asa dahil alam kong mas mahihirapan akong iwasan siya kapag nagkataon. Magkalapit pa naman ang bahay nila at nina Tito Arnulfo. Hindi ko alam kung paano ko siya iiwasan kapag sa bahay na siya umakyat ng ligaw. Siguro naman hindi ito pahihintulutan ni Tito Arnulfo dahil bata pa ako. Si Levroz kasi ay ahead sa akin ng dalawang taon. At malamang sasabihan siyang cradle snatcher ni Tito Arnulfo kapag nagkataon. Menor de edad pa ako sa edad ko na seventeen. At kahit nasa hustong gulang pa ako kung sakali ay alam kong hindi siya papayag na ligawan na ako. Aral muna bago ligaw, iyan ang patakaran sa bahay niya. Ngunit pasaway lang talaga si Anna kaya walang magawa si Tito Arnulfo kundi ang sermunan na lang aking pinsan. Time flies so fast. Namalayan ko na lang na hapon na at naglalakad na ako patungo sa parking lot para hintayin ang driver na susundo sa akin. Maaga ako ng sampung minuto at sa hula ko ay nasa daan pa lang naman si Kuya Fernan. Naghanap ako ng pwedeng upuan habang naghihintay sa driver. Nakakita naman ako ng bench na nasa lilim ng mga puno ng akasya kaya nagpasya akong hintayin na rito ang driver. Panaka-naka ay palinga-linga ako sa paligid. Sinisipat ko ang bawat sasakyan na sumusungaw dahil sa takot na baka biglang sumungaw iyong sasakyan na kinalululanan ng dalawang lalaking nakausap ko kaninang umaga. Iba talaga iyong kaba ko sa kanila hanggang sa mga oras na ito. Kursunada ako ng kasama niya at iniisip ko tuloy na nagmamatiyag lang sa akin ang lalaking iyon para makalapit sa akin at magawa ang gusto niyang gawin sa akin. Siguro naman hindi nila ito kukuning pagkakataon para makalapit sa akin lalo na at paisa-isa na lang ang mga estudyante na naglalakad at naghihintay ng kani-kanilang sasakyan dito sa parking area. Kinilabutan ako sa aking naisip ngunit napawi ito nang maisip kong hindi lang naman siguro ako ang estudyante na pwede nilang pag-isipan na gawan ng masama. Maraming magaganda rito at mayaman pa. Kung sindikato iyong dalawang lalaking nakita ko kanina, siguro naman hindi lang iisang babae ang sadya nila rito. Baka nga nagkataon na isa ako roon kaya kailangan kong mag-ingat. Lumipas na ang thirty minutes ay wala pa ring Kuya Fernan na sumusungaw rito sa parking lot. Nangangawit na ang pwet ko sa pagkakaupo at pakiramdam ko anytime ay pwede akong balikan ng mga lalaking nakausap ko kaninang umaga. Sana huwag naman, wala akong laban kung sakali! Nakakakaba pa naman. Nauubos na ang mga estudyante sa paligid at mag-isa pa rin ako rito sa aking kinauupuan. Patay na kapag nagkataon. Makukuha nila ako rito kung gugustuhin nila. Kaya lang naisip ko, hindi naman siguro sila masamang tao dahil maayos naman kausap iyong lalaki kanina. Pero kasi, kursunada ako at nagtanong pa kung kailan ako mag-e-eighteen. Alangan naman na suitor ko iyong lalaki at hinihintay lang na mag-eighteen ako bago niya ako ligawan? Pwes! Hindi ako nagpapaligaw. Tsaka ayaw ko sa gurang! Mukha pa namang nasa late thirties na ang dalawang lalaking iyon. Mahilig sa bata? Gosh! No way! Kailangan ko pa ring mag-ingat kahit na hindi sila masamang tao. Inabot na ng isang oras ang paghihintay ko kay Kuya Fernan. Saka ko lang naisip na mag-check ng aking telepono. Nawala sa isip ko dahil occupied ng isip ko ang tungkol sa dalawang lalaki na nakita ko kaninang umaga. "s**t!" I silently cursed when I saw Kuya Fernan's text. Kanina pa pala siya tumatawag at sinabi niya sa text na dumaan siya sa talyer para magpaayos ng gulong dahil natusok daw ng pako ang isang gulong ng sasakyan na dala niya. Kaya pala natagalan siya. Kung bakit naman kasi nawala sa isip ko na tawagan siya para alamin kung nasaan na siya. Isinilid ko muli sa aking bulsa ang aking aparato nang mabasa ko na papunta na siya rito dahil tapos ng naayos ang sasakyan. Nakahinga ako ng maluwag. Makakauwi na rin ako any minute. Tumayo ako para mag-unat ngunit nagulantang ako nang makakita ng mga grupo ng lalaki na papunta sa way ko. They are all wearing tailored suits. All black ito at puti ang suot nilang polo na panloob. Para silang nakasuot ng iisang uniporme dahil pare-pareho sila ng suot mula sa damit, sapatos, sumbrero, at hanggang sa headset na nakakabit sa kanilang mga tainga ay magkakapareho rin. Sino ang mga lalaking ito? Mafia? Alagad kaya sila ng isang mafia boss? Siguro dahil ganito iyong mga nakikita kong mga mafia minsan na napapanood ko sa telebisyon. Lalo na sa Korean drama. Para silang modern mafia na business suit ang suot at tila bodyguard lang ng isang pulitiko. Nakakatakot sila kahit maayos naman ang kanilang suot. Paano, pormal ang kanilang mukha at ang iba ay may tattoo pa kaya mas nakakatakot sila sa aking paningin. Isama pa ang kanilang tangkad at laki ng katawan na tila hindi kayang gibain nino man sa bakbakan. Dinampot ko ang bag ko nang balikan ako ng aking huwisyo. Maglalakad na sana ako paalis sa kinaroroonan ko nang manlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Nahawi sa gitna ang mga nakakatakot na lalaki. Kumunot ang noo ko at nanlaki ang mga mata ko at natutok tuloy ang atensyon ko sa isang lalaki na bigla na lang lumitaw sa kanilang gitna. Mas kumunot ang noo ko nang maalala ko na tila ito iyong lalaking kausap ng lalaking kumausap sa akin kanina. I'm not sure. Hindi ko naman kasi siya masyadong nabistahang maigi. Pero parang oo, parang siya nga. Shit! Masama ito! Ako ba ang sadya niya? Nangatog ang mga tuhod ko sa sobrang kaba dahil sa aking naisip. Gusto kong tumakbo palayo sa kanila ngunit tila naging jelly sa lambot ang mga tuhod ko sa sobrang takot. Kaya naman napaupo na lang akong muli sa bench at naiiyak na hinintay ang paglapit nila sa akin. Inabangan ko na ang susunod nilang pagkilos. Kung kukunin ba nila ako o— "You looked very afraid, baby girl. Why? Are you afraid of me?" Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang boses ng lalaki. Nakita ko na nakatayo na siya sa harapan ko at nakatunghay sa akin! Nahigit ko ang aking paghinga sa gulat lalo na nang makita kong halos dalawang dangkal na lang ang layo ng aming mga mukha. Mukhang ako nga ang sadya niya dahil tumigil siya mismo sa aking harapan. Pansin ko, tinakpan siya ng mga alagad niya at tila ayaw ipakita sa mga dumaraan ang gagawin niya sa akin. Nakadama ako ng panic. Baka kukunin nila ako at gagawin ngang parausan. Diyos ko! Huwag naman po sana! Ayaw kong maging parausan ng lalaking ito na nakatayo sa aking harapan. Nakakatakot siya at tila wala siyang gagawing mabuti! "A-ano pong kailangan ninyo sa akin? P-please…maawa po kayo…bata pa po ako," sa takot na boses ay nagawa kong magsalita. I heard the man chuckled dangerously. Mas lalo akong natakot at halos yakapin ko na ang aking sarili at gusto ko ng umiyak. "I won't harm you, baby girl. I'm just here to ask you one question. You see, hindi ako makakatulog nito kapag hindi kita natanong," aniya sa pinahinahon niyang tono. Somehow napatanag ang loob ko kahit papaano sa sinabi niya. Nagkamali ako ng akala ko. Nag-isip na agad ako ng masama tungkol sa kanya. Magtatanong lang pala, akala ko naman kung ano na. Pero teka… Inulit ko sa aking isip ang sinabi niya. Ano'ng ibig niyang sabihin? Hindi siya makakatulog hanggang hindi niya ako natatanong? Ng ano? "A-ano po 'yon?" Lakas-loob akong tumingin sa mukha ng lalaki. Hindi ko naman maaninag ang kanyang mga mata dahil nakasuot siya ng shades. Pero tingin ko gwapo naman siya. Matangos kasi ang kanyang ilong at makurba ang medyo may kaitiman niyang labi. "May first kiss ka na ba?" Napamaang ako sa aking narinig. Hindi ko alam na ito ang tatanungin niya sa akin kaya hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat. "What? Tutunganga ka na lang ba? Answer my damn question!" Mas lalo akong napamaang dahil demanding siya masyado na malaman. Umiling ako. "Wala pa po. Bata pa po ako para riyan…" "Really? Eh sino iyong lalaking kausap mo kaninang umaga na may tangan na bulaklak para sa iyo? Is it your boyfriend? Hindi ka pa ba nahalikan ng lalaking iyon?" Mas lalo akong napanganga sa gulat. Shit! Siya nga iyong kasaman nong lalaki! At tama ako, binabantayan niya ang mga kilos ko! "H-hindi po. Hindi ko po iyon boyfriend, nanliligaw lang…" "Good to hear that baby girl," satisfied niyang sabi sabay ngisi. Ako naman ay mas lalong nagtaka. "Good bye, baby girl. See you when I see you." Umayos siya ng pagkakatayo at nilingon ang mga kasama niya. "Let's go!" Mabilis silang nawala sa paningin ko. Hindi ko na tiningnan kung saan sila nagpunta dahil naiwan akong tulala nang makaalis sila. Hindi maproseso ng utak ko ang sinabi ng lalaking iyon. Bakit niya ako tinanong ng ganoon? Bakit siya interesado na malaman kung may first kiss na ako? Shit! Ang weird! Paano ko iiwasan ang taong iyon ngayon? Mukhang nakamasid siya sa bawat kilos ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD