Miyerkules, hindi pa rin umuwi si Tito Arnulfo. Tumawag siya kay Nana Mameng na Sabado na raw ng umaga ang uwi niya. Na-extend daw muli ang meeting nila dahil marami raw investors ang dumating at sayang naman kung pababayaan na lang niya na makawala ito. Ayos lang naman sa akin basta mag-iingat lang si Tito ko kung nasaan siya. Ang hindi okay ay ang anak niyang pasaway na tumira na yata sa condo ng boyfriend niya. Talagang sinasamantala ni Anna na makapiling ang boyfriend. Siguro, kung ano-anong alibi na ang hinabi niya para hindi siya pagalitan ni Tito Arnulfo. Maging si Nana Mameng malamang ay kinutsaba na rin niya. Bahala siya…it's her life. Sabi ko nga mahirap makialam kaya hindi na rin ako umiimik. Naglakad ako papunta sa tokador ko pagkatapos kong maisara ang zipper ng pantalon k