"Xi!" "Oh, bakit Anna?" Nilingon ko si Anna na humahangos na lumapit sa akin. Natigil tuloy ako sa pag-aayos ng gamit sa bag ko dahil sa bigla niyang pagsulpot dito sa kwarto ko. Akala ko umalis na sila ng driver niya pero heto siya at mukhang may kailangan pa yata sa akin. Wala si Tito Arnulfo, kaya naman driver lang ang kasama niya. Dalawang araw ng nasa business meeting sa Palawan ang matanda at mamaya pang gabi ang uwi niya. "Pwede ko bang makuha ang numero ni Daddy?" aniya habang humahakbang palapit sa akin. She is wearing her uniform. Naka-ponytail ang kanyang buhok at light lang ang kanyang make up. Nakasukbit na rin sa balikat niya ang bag niya at mukhang naghahanda na rin siya sa pag-alis. "Huh? Bakit? Hindi ba naka-phonebook sa iyo?" takang tanong ko. "Na-delete ko kasi, eh