Itinaas ko ang cellphone ko para ibalibag sana ngunit nagbago ang isip ko. At pinilit kong pakalmahin ang aking sarili kahit gustong-gusto ko ng baligtarin ang kamang kinauupuan ko. Ang tigas talaga niya! Paano ko siya pasusunurin sa gusto ko kung ganitong wala pa siya sa poder ko ay pilit siyang nagpupumiglas! Bwisit talaga si Arnulfo! Sinadya yata niyang maging ganito ang pagapapalaki niya kay Ximena para mahirapan ako sa kanya ng sobra! Wala pa man siya sa poder ko ay sobra na niyang pinasasakit ang ulo ko! Nakakagigil siya at hindi ko alam kung ano ang pwede kong magawa sa kanya kapag pinilit niya akong nilalabanan. Alam ko, ayaw ni Arnulfo na mapunta sa poder ko si Ximena dahil alam niya ang magiging buhay niya sa piling ko kapag naging mafia queen na siya. Hindi ko naman pababay