Hinihingal na binaba ko ang baril sa ibabaw ng working table ko. Mabuti at nakapagpigil pa ako na paputukan si Walden. Kung hindi ay malamang nagulantang na ang buong building at baka magkaroon pa ng komosyon kung sakali. Asar! May ibang nakakita ng pinakatatago-tago ni Ximena! Kung bakit naman kasi hindi ako nag-iingat. Tapos ang ganda ng timing. Iyong hinihintay ko na pagkakataon na makaboso ay naunahan pa ako ng iba! Istorbo kasi itong si Walden! Eh 'di sana masaya na akong naglalaro ng aking sarili habang nakatitig sa masarap na alindog ni Ximena sa screen. Bumuntonghininga ako nang makita kong wala na sa screen si Ximena. Marahil bumaba pa iyon para kumain ng dinner. Six-thirty na roon sa kanila samantalang dito ay mag-aalas onse y media na ng umaga. Ano kaya ang kakainin ko mamaya