"T-Tito…b-bakit po? Saan niyo po dadalhin ang mga gamit ko?" tarantang tanong ko kay Tito Arnulfo habang isa-isa niyang dinadampot ang mga gadgets ko. Cellphone, laptop, smart watch, at ang mp3 ko na old model pa. Nang pagbuksan ko siya ng pintuan ay ang mga gamit ko kaagad ang nilapitan niya. Akala ko pa naman ay kakausapin na niya ako at makikinig na siya sa mga salita ko subalit iba pala ang sadya niya. Mas lalo pala niyang dadagdagan ang bigat na nadarama ko rito sa aking dibdib. Paano, one week na niya akong hindi kinakausap simula nang malaman niya ang picture namin ni Levroz na magkahalikan. Ewan kung kanino niya ito nalaman, hindi ko na iniisip dahil hindi na ito mahalaga. "You are grounded for using gadgets for a month, Ximena! Baka mamaya iyan pa ang maging way mo para mag-tex