Chapter 1: Kailan ka mag-e-eighteen?

2585 Words
Naghihikab pa ako habang pababa ako ng hagdan. Babalik pa sana ako sa pagtulog dahil may konting oras pa ako para umidlip ngunit makulit si Nana Mameng. Panay ang katok niya sa kwarto ko at pursigido na gisingin ako kaya naman wala akong nagawa kundi bumangon at pagbuksan siya ng pinto. "Magandang umaga, Hija." "Magandang umaga din po. Bakit po, Nana?" Pupungas na tanong ko sa matanda. Magulo ang damit ko at sabog ang mahaba kong buhok. "Pinapatawag ka ng Tito Arnulfo mo sa baba. Gisingin na raw kita para naman makasabay mo sila ni Anna sa almusal." Nagliwanag ang mukha ko sa aking narinig. Sa tuwina kasi ay palaging nagmamadali sa pagpasok sa trabaho si Tito Arnulfo. Sinasabay naman niya si Anna dahil iisa lang sila ng destinasyon para pumasok sa kani-kanilang destinasyon. Si Tito Arnulfo ay sa opisina niya at si Anna naman ay sa kabilang university para mag-aral. Hindi kami pareho ng paaralan na pinapasukan. Ang pinsan ko kasi ay gustong magdoktor. Wala rito sa lugar namin at sa kabilang bayan pa iyon kaya hiwalay tuloy kami ng paaralan. Business Administration kasi ang kinukuha ko dahil ito ang gusto ni Tito na matapos ko. Para raw matulungan ko siya sa paghawak ng mga negosyo niya kapag nakatapos ako ng pag-aaral. Hindi niya kasi maasahan si Anna dahil iba ang hilig nitong nakamit sa buhay. "Opo, baba na po ako. Pakisabi ko, maliligo lang po ako saglit at baba na rin ako pagkatapos kong magbihis." "Aba'y bilis-bilisan mo, hija. Aalis na iyong mag-ama at hindi ka na naman abutan." "Opo, Nana. Mabilisan lang po ito. Ligong pato lang ang gagawin ko. Wisik-wisik lang ganern." Natawa si Nana Mameng sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko. "Puro ka talaga kalokohan. Sige na, hala! Maligo ka na bago pa lumamig ang mga pagkain." "Opo, maliligo na po, bye!" "Sige baba na ako. Sunod ka kaagad." Hindi ko na hinintay na makaalis si Nana Mameng. Dumiretso na agad ako sa banyo at mabilisang naligo. Naghihikab pa rin ako nang papunta na ako sa komedor para sabayan na kumain sina Tito Arnulfo at Anna. Nang malapit na ako ay inayos ko ang aking sarili at huminga ng maayos. Gusto ni Tito Arnulfo na kumilos ng may tamang-asal kapag kaharap ko siya o kahit ibang tao. Gusto niya na kapag babae ay mahinhin kumilos at pinipili ang mga salitang sasabihin. Ganito niya pinalaki si Anna kaya naman maging ako ay na-adapt ko na rin. Sino ako para sumuway sa gusto niyang mangyari tutal, wala naman siyang hinangad kundi ang mapabuti kami ng anak niya. "Magandang umaga po, Tito at sa iyo rin Anna," bati ko nang sumungaw na ako sa pinto ng komedor. Nakita ko ang mag-ama na tahimik lang na nag-uusap habang nagkakape. Nakita ko na wala pang laman ang kanilang mga plato at mukhang hinihintay talaga nila ako. "Magandang umaga rin sa iyo, hija. Halika saluhan mo na kami sa pagkain," nakangiting aya ni Tito sa akin. Si Anna ay ngumiti lang ng tipid sa akin at pagkatapos ay sumimsim siya sa tasa ng kanyang kape. "Mabuti naman at nagising ka ni Mameng, hija. Mabuti naman at para sabay-sabay na naman tayong kumain ni Anna," magiliw na sabi ni Tito Arnulfo nang makalapit na ako sa hapag-kainan para sumabay sa kanila sa pagkain. "Pasensya ka na kung pinagising kita kay Mameng, alam mo kasi namimis ka na namin ni Anna na makasabay sa pagkain. Kaya kahit alam kong puyat ka ay pinagising na kita talaga," dagdag pa ni Tito habang nakangiti at saka binalingan si Anna na sumang-ayon lang sa sinabi ng kanyang ama. "Oo nga, Xi. Lagi ka kasing busy. Pwede ka naman mag-lie low sa pagre-review. Alam ko naman na ikaw pa rin ang makakakuha ng perfect score kahit hindi ka subsob sa pag-aaral. Talino mo kaya. Effortless, ano'ng tawag na roon, Dad?" "Genius…" "Yeah! That's it! Genius ka naman, Xi kaya maning-mani lang sa iyo iyan." "Ayaw kong maging kampante, Anna. Alam mo naman na ito lang ang maigaganti ko sa inyo ni Tito. Gusto ko lang makita ninyo na hindi sayang ang lahat ng effort at gastos ninyo sa akin kaya naman nagsisikap talaga mo na mag-aral ng maayos at makatulong kahit konti sa matrikula ko." "That's good to hear, hija. I am so proud of you. Pagbutihin mo pa para hanggang pag-graduate mo ay consistent ka sa ranking." "Opo, pagbubutihan ko pa po." Nasa top ranking kasi ako hanggang ngayon. Ayaw kong mawala sa listahan dahil isa rin itong malaking tulong sa discount sa tuition fee ko. Kahit konti man lang ay makabawas sa gastusin. Alam kong kaya akong pag-aralin ni Tito Arnulfo kahit ano pa ang kunin kong kurso ngunit nahihiya ako na gumastos pa siya ng sobra-sobra sa akin dahil kaya ko naman mag-top para mabawasan ang tuition ko. Silang dalawa lang kasi ang madalas magsabay lately sa hapag-kainan dahil late na ako bumaba para kumain dahil lagi akong napupuyat sa kaka-review ng aking mga aralin. Gusto ko lang kasing ma-maintain ang matataas kong marka para hindi naman sayang ang gastos niya sa akin simula nang tumapak ako sa paaralan. Hanggang ngayon kasi ay consistent ako sa honor ranking kaya gusto ko ay mapanatili ito para makita naman ni Tito na hindi nasayang ang perang ginagastos niya para sa akin. "Halika ka na, Ximena. Maupo ka na." Iminuwestra ni Tito Arnulfo ang pwesto ko. Nakaupo siya sa dulo ng lamesa habang si Anna ay nakaupo naman sa ibayo niya kung saan ay madalas siyang umupo kapag sabay-sabay kaming kumakain. "Opo, Tito. Pasensiya na po kayo sa pag-aantay." Sumulyap ako kay Anna na biglang nanahimik sa kanyang kinauupuan. Kanina ang daldal niya lang, bakit ngayon ay natahimik siya? Nakita ko ang pilit niyang ngiti sa kanyang mga labi nang sumulyap sa akin. Nabanaag ko ang pamumugto ng kanyang mga mata na kanina ay hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin. What happened to her? Nagkasagutan na naman kaya silang mag-ama? Dinig ko nga kanina na nagtatalo sila bago ako makapasok ng dining area. Mukhang may hindi sila pagkakaunawan na mag-ama kaya siguro namumugto ang mga mata ni Anna. Nakakagulat na makita ko siyang ganito. Alam ko kung bakit namumugto ang mga mata niya, malamang nagkasagutan na naman silang mag-ama tungkol sa paglabas niya sa gabi. Dahil sa madalas na pagpunta niya sa bar at inaabot pa ng madaling-araw pa minsan. Alam ko na ganito ang ginagawang niya gabi-gabi ngunit kahit kailan ay hindi ako nakialam sa gusto niyang gawin sa buhay. Ang pokus ko sa buhay ay makatapos ng pag-aaral at maibalik ko someday ang lahat ng naitulong sa akin ni Tito Arnulfo. Mahilig sa night life si Anna kasama ng boyfriend niya. At hindi lang ilang beses na siyang nagpalit ng boyfriend. Marami siyang naging ex ngunit isa man sa mga ito ay wala siyang sineryoso. Puro lang siya fling at buti marunong siyang mag-ingat kaya hindi siya nabubuntis. Ako, wala pa ito sa isip ko. Saka na kapag naging successful na ako sa karera na gusto ko. Tatlong taon ang tanda ni Anna sa akin ngunit ayaw niyang patawag na ate kaya naman Anna lang ang tawag ko sa kanya. Sabi niya hindi siya sanay na tawagin kong ate. Mas gusto niya na Anna lang kaya naman umoo na lang ako. Tutal halos lung titingnan ay magkaedad kami. Higit pa sa kapatid kung magturingan kaming dalawa ni Anna. Siguro dahil lumaki kami mg sabay at tanging kami lang ang magkalaro habang lumalaki kami. Magkasundong-magkasundo kami kahit na ba marami kaming difference sa isa't isa. Siguro dahil solo kaming mga anak at walang ibang magdadamayan kundi kami lang. Lumaki ako sa poder nila. Three months old ako nang mawalay ako sa aking mga magulang. Iniwan na lang daw ako ng aking ina sa aking tito at sumama ito sa aking ama na nang mga panahong iyon ay ayaw sa responsibilidad kaya iniwan nila ako at nagsama. Si Anna naman ay ulila sa ina at tanging si Tito Arnulfo na lang ang nagpalaki sa kanya kaya naman pareho kaming sabik sa ina. Mabuti na lang at mabait at maalaga si Tito Arnulfo kaya naman hindi na kami naghanap ng kalinga ng isang ina. Lahat naman ay binibigay niya sa amin kaya wala na kaming mahihiling pa. Maswerte si Anna dahil may ama pa siya na kinalakhan. Samantalang ako mayroon nga, iniwan naman ako at hindi na binalikan! Nagpakasarap lang sila tapos ano, ipapamigay lang ang anak at iaasa sa ibang tao? Buti may Tito Arnulfo ako na napakabait kaya naman hindi na rin ako nagtatanong tungkol sa mga tunay kong mga magulang. Naging masaya naman ang almusal namin. Nakita kong medyo ayos na si Anna dahil nakikibiruan na ito sa kanyang ama. Ganito naman sila kapag nagkakatampuhan. Mamaya lang ay ayos na at balik na naman sila sa dati. "Mauna na kami sa iyo, Ximena. Mag-ingat ka mamaya sa pagpasok mo sa school." "Opo, kayo rin po ni Anna mag-ingat din po kayo." "Oo naman, hija. Maingat naman akong magmaneho noon pa man. Si Fernan ang pagsasabihan ko bago kami umalis ni Anna. May pagkakaskasero ang isang iyon alam mo naman." Natawa ako sa sinabi ni Tito. Mukhang siya pa ang ninenerbiyos kaysa sa akin. "Hindi na po ngayon, Tito. Pinagsabihan ko po siya ng ilang beses na kapag magpatakbo siya ay sakto lang. Sabi ko po kasi na may sakit ako sa puso at mumultuhin ko siya kapag namatay ako sa nerbiyos." Nagkatawanan ang mag-ama sa sinabi ko. Alam nilang wala akong sakit sa puso dahil mas malakas pa ang puso ko sa kalabaw. Sobrang healthy ko kaya at takot akong dapuan ng sakit. Pero siyempre joke lang iyon. Hindi ako si Super Girl para hindi dapuan ng sakit. Superhero nga may kahinaan, ako pa kaya? Naiwan akong mag-isa sa hapag-kainan pagkatapos makaalis ang mag-ama. Malungkot akong ngumiti sa kawalan habang pinipilit ko ang puso ko na maging masaya. Kapag ganitong nag-iisa na ako ay nakakadama na ako ng kalungkutan. Ewan ko ba pero may kulang pa rin sa buhay ko kahit nabibigay naman ni Tito Arnulfo ang lahat ng gusto ko. Siguro parent's love ang hinahanap ko. Natawa ako ng mahina. Hindi ko na kailangan ito dahil sapat na si Tito Arnulfo at Anna na pamilya ko. Maybe sad moment lang itong nararamdaman ko. Nagsesenti ba kasi naiwan akong mag-isa. "Oh, ang haba ng nguso mo, Ximena? Balak mo bang pahabain hanggang sahig?" untag sa akin ni Nana Mameng. Nagulat ako ng sobra sa ginawa niya kaya napahawak ako sa puso ko habang nagmamaktol. "Nana naman eh! Bakit na kayo nanggugulat?" reklamo ko habang pumapadyak ang aking paa na parang bata sa sahig. Natawa ang matanda sa ginawa ko at ginulo ang buhok ko. "Hindi kita ginulat, magugulatin ka lang talaga," ani ng matanda sabay tawa muli. Sinimangutan ko lang siya at inirapan kunwari ngunit sinundot naman niya ako sa aking tagiliran kaya naman bumunghalit ako ng tawa dahil sobrang kiliting-kiliti ako. "Pero seryoso, hija. Bakit malungkot ka?" bigla ay tanong ng matanda nang biglang sumeryoso siya. "Iniisip mo na naman ba ang mga magulang mo? Babalikan ka ng mga iyon, baka nagpapayaman lang kaya hindi ka muna binabalikan. "Hindi naman po iyan ang iniisip ko. Nagmamarites na naman kayo." Pero paano kung tama si Nana Mameng? Baka nagpapayaman nga silang dalawa kaya hindi pa sila bumabalik. Pero kahit na. Hindi naman ito ang kailangan ko sa mundo. Their presence and love is what I need. Para hindi ako naiinggit sa mga kaklase ko. Kapag card day kasi ay si Nana Mameng ang kumukuha ng cards ko. "Hoy, hindi ah! Nagtatanong lang naman ako sa iyo." "Sus! Pareho lang iyon, Nana Mameng." "Gaga! Magkaiba iyon." "Hay naku! Maiwan ko na nga kayo! Akyat lang po ako sa kwarto at kukunin angmga gamit ko. Pakisabi po sa drayber na maghanda na dahil aalis na kami." Makalayas na nga. Baka mamaya ay magkaiyakan pa kami ng matanda rito. "Sige, sasabihin ko. Pakihintay mo na lang sa garahe pag labas mo." "Salamat po." "Oh siya sige. Balik na ako sa trabaho ko." "Mabuti pa nga po." Ngunit bago ako tumalikod ay may naalala pang tanungin si Nana Mameng. "Ano'ng lulutuin na ulam na gusto mo mamayang hapunan? Iyon na ang idadagdag ko sa menu ani ng Tito mo." "As usual po, Nana Mameng. Alam namam ninyo ang mga paborito kong pagkain." "Siya nga! Oh sige na, akyat na at baka mahuli ka pa sa school mo." "Kayo po kasi, marites ng marites." Mabilis lang naman akong nakarating mg school. Thirty minutes lang kasi ang biyahe tapos hindi pa gaanong ma-traffic kaya naman nakarating kami agad ni Kuya Fernan. "Ano'ng oras kita susunduin, Ma'am?" Tanong ng drayber nang makaibis ako ng sasakyan. "Same time, Kuya. Huwag kang mali-late." "Sure ball, Ma'am." "Sige, ingat." Naglakad na ako patungo sa classroom ko ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ng marami ay may biglang sasakyan na sumulpot na humahagibis ang takbo. Tila nagmamadali ang drayber dahil halos lumikha ng masakit na tunog ang gulong sa sementadong kalsada. "Ano 'yon? Nasa isa siyang drag racing?" Tanong ko sa aking sarili at mabilis na gumilid nang makita kong papunta sa aking daan ang itim na sasakyan. Inignora ko ito at marahan na gumilid para hindi ako mahagip. Pansin ko na nakababa ang salamin na bintana ng sasakyan. Hindi ko na sana papansin ito at tuloy-tuloy na maglalakad nang mahinto ang kotse sa tapat ko na labis kong ikinagulat. Natigil tuloy ako sa paghakbang at napatingin sa loob ng kotse. I saw a guy looking at me. Ay, hindi pala. Hindi ako sure dahil nakasuot siya ng itim na shades. Naka-ponytail ang kanyang buhok na kaagad kong nahulaan na mahaba dahil nakatali ito sa kanyang likuran. Hindi nagtagal ang titig ko sa kanya dahil nakadama ako ng takot nang bigla siyang ngumisi sa akin. I am not sure again kung para sa akin iyon dahil nasilip ko na man na may katabi siya at malamang ay ito ay kausap niya. Nagmadali ako sa paglalakad para malampasan lang ang sasakyan ngunit nahinto ako nang biglang magsalita ang lalaking tinitingnan ko. "Miss..." Tawag niya sa mahinahong tono. Malalim ang boses niya at nahalata ko na kaagad na malaki siyang tao kahit hindi siya tumindig sa aking harapan. "P-Po? Bakit po?" "Ilang taon ka na? If you don't mind my asking." "S-seventeen po." "Seventeen?" ulit ng lalaki sa tanong ko. "Opo." Natawa ang lalaking nagtanong sa akin habang ang katabi nitong lalaki ay ilang beses na napamura. "Walanghiya ka, dude! Ang bata ng kursunada mo!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ng lalaki lalo na nag magmura muli ang kausap nito. Napapailing na tuluyan ko silang nilampasan dahil baka nantitrip lang sila ngunit natigil muli ako sa paghakbang nang bigla muling magsalita iyong lalaki na kausap ko. "Kailan ka mag-eighteen?" "Five months to go pa po," nagtatakang sagot ko. "Sige, salamat sa info. Mag-iingat ka, Ximena." Mas lalo akong nagtaka. Naiwan tuloy among nakanganga habang nakatingin sa sasakyan na palayo at unti-unting lumiliit sa paningin ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Kilala niya ako? "Bobo!" Natampal ko ang noo ko nang makita ko ang suot kong ID ang tanga ko talaga. Nakasuot ako ng ID malamang nabasa niya ang pangalan ko sa ID ko. Nakapagtataka lang. Bakit interesado sila sa edad ko? Mga pedo kaya ang mga iyon at nagbebenta ng mga kabataan? Shit! Nakakatakot! Kailangan kong mag-ingat baka puntirya nila ako. Laganap pa naman ang krimen sa panahon ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD