Nakaupo ako na parang hari sa aking swivel chair. Naka-dekwatro ako at panay ang buga ko ng usok habang nakikinig ako na mini-meeting ng kanang kamay ko ang ilang tauhan ko na magpapanggap na bidder mamaya sa palabas na gagawin namin sa arena. Si Walden na nasa gilid ko ay nakikinig lang ng tahimik at minsan ay nakikita kong napapailing. Panay din ang buga niya ng usok na tila siya pa ang nate-tense sa mga mangyayari mamaya. Naaawa ba siya kay Ximena? Sa akin ba na kaibigan niya hindi? Inalagaan ko ng ilang taon si Ximena tapos iba ang makikinabang. Sino naman ang hindi manggagalaiti sa inis? Siya kaya ang lumagay sa posisyon ko para alam niya ang nararamdaman ko. Nababaliw na ako na hindi ko siya nakasama at nakita ng halos ilang linggo. Miss na miss ko na siya ng sobra. Tapos, ito p