Tahimik lang na tumatangis si Ximena habang nakayuko siya at sapo ang kanyang mukha. Alam kong umiiyak pa rin siya dahil kita ko ang pagyugyog ng kanyang mga balikat. Kanina pa siya iyak nang iyak. Halos nasa kalahati na kami ng biyahe pauwi ng mansion ngunit hindi pa siya tumatahan. Minura ko ang aking sarili sa aking isip. Nasaktan ko yata siya ng sobra sa ginawa kong pagsampal. Napatingin ako sa palad ko. Tapos nilingon ko siya. Malaki ang palad ko at malapad. Mabigat din ito at kung titingnan ay masakit nga ang pagtama nito sa mukha niya lalo na at may kaliitan ang hugis puso niyang mukha. I heaved a deep sigh and clenched my teeth. Kinakain ako ng aking konsensya. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng ganito dahil sa totoo lang ay ayaw ko siyang saktan. Nagpigil ako ngunit hindi ko