THE DESTINED WIFE KABANATA 18 CLARKE’S POINT OF VIEW. “Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Clarke? Baka umiyak ka na naman at lumayo!” Sabi ni Albert. Kausap ko siya ngayon sa telepono at sinabi sa kanya ang naging desisyon ko. “Para din naman ito sa anak ko, Bert. Mahal ko din siya at may karapatan din siyang alagaan kami ng anak niya kasi asawa ko parin siya.” “Hay, nako! Marupok ka lang talaga! Tawagan mo ulit ako pag nandito na kayo sa Manila, huh?” “Okay, Bert. Salamat talaga sa inyo ng marami.” Pagkatapos kong makipag-usap kay Albert ay pinuntahan ko agad si Lexa. “Maraming salamat sa lahat ng tulong, Lexa. Tinuring na rin kitang kaibigan at ang laki ng tulong mo sa akin.” Ngumiti siya. “Okay lang ‘yun! Basta ninang ako ng anak mo, huh?” Ngumiti ako at tumango. Niyakap ko si