THE DESTINED WIFE KABANATA 17 BUNTIS CLARKE’S POINT OF VIEW. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa naging resulta ng PT ko ngayon. Buntis ako at sigurado akong si Finn talaga ang ama ng baby sa tyan ko ngayon. “Anong plano, Clarke?” Tanong sa akin ni Lexa habang nakatingin sa akin. Kanina pa ako tulala at hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko. Nandito ako para mapag-isa at iwan ang lahat ng problema sa Manila. Pero hindi ko na magawa ulit ‘yun kasi hindi ko ulit maiwasang ma-mroblema sa sitwasyon ko ngayon. “Hindi ko alam, Lexa. Naguguluhan ako,” sabi ko at napahawak sa aking noo at bahagyang napayuko. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking balikat. “Lagi mo lang tatandaan na walang kasalanan ang bata, Clarke. ‘Wag ka sanang mag-isip ng ikakasama sa bata.” Nap