Parang ang Tamad kong pumasok ng trabaho. Hindi ako makapakali at parang ang bagsak bagsak ng Mood ko. Hindi ko pairn makalimutan ang nangyari kagabi. Napahiya ako sa paguwi sakin ni Kuya. "Isang Iced Americano Miss." "Wala pa bang iba?" "Wala na Miss" "Sige wait niyo po ang Order niyo." Matamlay kong saad. Samantala ay lumapit ako sa kay Steven para sabihin ang order "Ba't matamlay ka?" Tanong nito, Sinilipa nito ang kabuuan ng mukha ko. "Anong feeling mo kapag kinaladkad ka palabas ng restauran ng kuya mo sa harapan ng Crush mo?" Bigla kong naitanong sakanya. Sumandal naman ito sa Sink at inilagay ang daliri sa labi na para bang nagiisip ng maisasagot. "Mahihiya ako syempre. Pero Kuya ko naman siya baka may rason siya bakit niya ako hihilain palabas." Tumango tango pa siya. I