Pinaghandaan ko pa naman ang Pagpunta ko dito pero parang masisira lang ang gabi ko. Para akong nawawalan ng kontrol sa sarili ko. Nang makapag usap kami ni Ate Lianne sa banyo ay lumabas kami. Tumambad naman na samin ang Landian Scene nila! Tapos nakita ko pa itong si Luke na ang saya sayang nakikipag usap sa babaeng nakatube tapos ang ikli ng shorts sana naghubad nalang siya! Napatingin ako kay Ate Lianne na parang umuusok na nag ilong niyang nakatitig kay Rowin "Ilan na Blood preasure mo sa lagay mong yan?"Untag ko sa kanya "180 over 190. Ready to Kill."Sagot naman niya pero nakatuon parin ang titig sa mga lalake "Ako rin. Iniisip ko kung sinong uunahin kong hilain ang buhok niya." Kinuyom ko pa ang mga kamay ko "Magsabi ka lang. Buong lakas kitang tutulungan kung pagsasabay