Nakangiti akong Sumalubong sa sasakyan ni Ron sa labas ng Condo ko. Naka Sports Car pa talaga siya parang nakakahiyang Upuan tuloy. Lumabas si Ron at pinagbuksan ako nito. Napansin ko ang Outfiit ni Ron nang makapasok kami pareho sa loob ng Kotse. Naka Vneck Inner shirt lang siya at Coat na yung parang sa Tuxedo. Naka Rubber shoes nga lang pero ang Gwapo parin niya. "Maganda ka ah." Bigla siyang nagsalita na sanhi ng paglingon ko sa kanya. Habang siya naman ay diretso lang nagdridrive "Mas Maganda ba kay Angelababy?" Ngumiti ako sa kanya. He glanced at me and smiled widely. "Oo naman. Talong talo mo yun." Natatawang saad nito. Nagpunta kami ni Ron sa Isang Buffet. Hindi naman gaano Elegante o pang mamahalin ang Restaurant. Dito raw kasi siya nagpareserve. Kumuha ako ng Pinggan ko.