"Oh, Himala?" Bungad sa akin ni Jake nang makapasok ako sa Bar niya. May kausap itong Babae sa Counter pero umalis din ito nang makalapit ako sa kanya "Pahingi ako ng Shots mo." Sabi ko sa kanya nang makaupo ako. Ngumiti lang naman ito sa akin at nagsimulang gumawa "San ka galing? Napadaan ka?" "Hinatid ko si Nyda." Tumikhim ako. Nilingon ako nito bigla at tumitig na parang hindi makapaniwala. Lumawak pa ang ngiti ng loko. "Hinatid ko lang. Ayaw niyo daw ihatid" "Anong ayaw? Hindi naman siya nagsabi" Napatigil ako sa sinabi ni Jake. Habang siya ay nagpatuloy sa paggawa ng Shots. Sa pag kakaalam ko ay ang sinabi sa akin ni Nyda kanina ay tinawagan niya sila Jake pero hindi sumasagot. Bigla akong napatawa. Siguro ay kung may ibang taong makakakita sa akin ay iisiping isa akong Ba