Jarrah's Pov: "Ayoko," ulit ko nang muli akong kulitin ni Ezekiel. Nasa cafeteria na kami at nakapila na para kumuha ng pagkain. Hindi pa rin n'ya ako tinitigilan hanggang sa mga sandaling ito at kanina pa nga ako nagtatakip ng tray sa mukha dahil madami na ang tumitingin sa amin. Muli akong kinalabit ni Ezekiel. "Ayaw mo talaga? Mas mapapagaan ang buhay mo kapag ako ang partner mo. Maasahan mo ako at busog ka pa sa meryenda." Nasa gitna nila ako, si Theo sa harap ko at si Ezekiel naman ang nasa likuran ko. Parehong matangkad ang dalawa kay nagmistula akong maliit. Hinarap ko si Ezekiel. "Ayoko ng ka-partner na habulin ng babae. Malaking abala 'yon kapag nagkataon." "Hindi naman ako habulin!" mabilis na tugon ni Ezekiel. Tinaasan ko s'ya ng kilay bago sumulyap sa mga babaeng nasa