Jarrah's Pov: "He's weird," Ezekiel said. Nakatingin pa rin s'ya sa pinto kung saan ay lumabas si Sandrew. "Hindi ko alam na kaklase natin ang isang iyon," komento naman ni Theo. Napailing na lang ako. Mukha namang walang pakialam ang dalawa sa kahit sino sa nasa paligid nila. Pupusta pa nga ako na silang apat na magkakaibigan lang talaga ang nagpapakialaman. Baka nga kaya lang madaming kilala si Ezekiel ay dahil sa pagiging Vice President n'ya sa Student Council. Wala s'yang choice kung hindi kilalanin ang bawat estudyante dahil na rin sa responsibilidad na mayroon s'ya. "Hindi ko alam na naging ka-close mo si Sandrew," maya-maya ay komento ni Ezekiel. "He's a good student. Hindi nga lang s'ya iyong tipo ng estudyante na makikipagkaibigan na lang." Naiiling na tiningnan ko si Ezek