Jarrah's Pov: "Alright, siguro naman ay nakuha n'yo na ang mga paliwanag ko. Hindi ko na siguro kailangang ulitin iyon lalo na malinaw ko nang nasabi ang bawat detalye. Nasagot ko na rin ang lahat ng tanong ninyo kaya nag-e-expect ako na maganda ang mga proposal na ipe-present n'yo sa akin sa darating na Miyerkules." Sabay-sabay na napa-ayy ang mga kaklase ko. Kahit nga ako ay gusto ko ring magreklamo. "Tapos na ang initiation party ng department n'yo, hindi ba?" Isa-isa kaming tiningnan ni Mr. Gonzales. "Kailangan n'yo nang mag-seryoso. Simula na ng madugong huling taon n'yo sa kursong ito." Napasandal na lang ako at nangalumbaba habang nakikinig sa iba pa n'yang sasabihin. Nagpatuloy s'ya sa pagpapaliwanag sa iba pang mga bagay na inaasahan n'yang makikita sa presentation namin sa su