Jarrah's Pov: Narinig ko ang tanong ng lalaki ngunit hindi ko pa rin magawang sagutin iyon. Wala akong panganib na nararamdaman mula sa kanya pero nangingibabaw ang pagkalito. Hindi ko s'ya kilala at mas lalong hindi ko alam kung bakit s'ya narito. Kung paano n'ya nalaman ang tungkol sa lugar na ito. Nao-overwhelm ako ng mga ideya na hindi ko magawang iproseso sa isip. Kaya kahit na gusto kong isaboses ang mga katanungang nasa isip ay nanatiling nakatingin lang ako sa kanya, nakatulala habang nakakunot ang noo. Dahil sa naging reaksyon ko ay mas nangunot ang noo ng lalaki. Namaywang s'ya at pinakatitigan ako. "Hey, bingi ka ba? O hindi mo lang naintindihan ang tanong ko?" naiiritang tanong pa n'ya. "Huh?" Bahagya akong napahakbang paatras. Nakalimutan kong nasa hagdanang bato pa ako