Jarrah's Pov: "Oh, saan ka pupunta? Aalis ka pa rin ba? Sa isang araw na ang simula ng klase mo," sunod-sunod na sabi ni Mama nang makitang nagsusuot ako ng sandals. Iyong sandals na nirekomenda ni Ezekiel na isuot ko para umakyat at bumaba sa mga batuhan na nasa malapit sa lighthouse. "May pupuntahan lang po ako," tanging sabi ko. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at kauuwi lang ni Mama mula sa paghahatid ng tanghalian ni Papa. Kung simula na ng klase ko sa Lunes, si Mama naman ay magsisimula na sa trabaho n'ya sa araw ding iyon. Dahil may sapat pa naman kaming ipon at maayos naman ang trabaho ni Papa kahit na hindi ganoon kalaki ang sahod ay nagdesisyon si Mama na hindi mag-fulltime. Sa isang linggo ay apat na araw lang s'yang papasok sa patahian noong kapitbahay naming may