Jarrah's Pov: Napatingin ako kina Lawrence at Jaztine nang bigla silang matigilan. Nakita ko pang napakamot sa ulo si Jaztine bago napabuntong-hininga. Nagkatinginan pa ang dalawa bago sabay na napatingin sa akin kaya mas lalong nangunot ang noo ko. Tapos na kaming kumain ng mga baon nilang pagkain. Hindi ko nga rin inaasahan na may plano rin silang mag-picnic. Ang sabi naman ni Ezekiel, lagi lang daw talaga silang nagdadala ng mga pagkain tuwing naiisipan nilang pumunta rito sa hidden haven. Ang lugar na ito raw kasi ang nagsilbing bonding place nila. Nakakatambay sila nang walang nanggugulong kahit sino. Hindi na nga lang n'ya in-elaborate kung sino ang tinutukoy n'yang maaaring manggulo sa kanila. Ang sabi lang n'ya, bukod sa ganda ng lugar ay ang katahimikan at kapayapaan ng lugar