Jarrah's Pov: "Ate, maglalaro ba ulit tayo bukas pagkauwi mo?" bibong tanong ni Heidi. Sunod-sunod ang naging pagtango ko. "Oo naman. Hindi ba at nangako ako sa 'yo na gagawin ko na ang mga assignment ko sa school para pag-uwi ko ay may oras na tayong maglaro?" Muling nangislap ang mga mata ng kapatid ko. May isang oras at kalahati rin kaming naglaro sa bakuran. Pagkauwi ko pa lang ay nagbihis na ako agad dahil naghihintay na sa akin si Heidi. Nagmeryenda muna kami at pagkatapos niyon ay naglaro na kami nang naglaro. Pagod na pagod na nga ako pero mukhang nagsisimula pa lang s'yang mag-enjoy. Isa iyon sa pangako ko sa kanya at ilang araw ko na iyong natutupad. Mabuti na lang talaga at madaling awatin si Heidi kung hindi ay baka hanggang mamayang gabi ay naglalaro pa rin kami. "Ang