Chapter 51- To Tell a Lie or Truth

3156 Words

Jarrah's Pov: Presko ang pakiramdam ko matapos maligo. Tinutuyo ko na lang ang buhok ko gamit ang tuwalya nang pumasok sa kuwarto ko si Heidi. Katulad ko ay nakaligo na rin s'ya at maayos na ang itsura. "Ate!" Mabilis s'yang yumakap sa baywang ko. Hinayaan kong nakapulupot ang tuwalya sa basang buhok. Inakay ko ang kapatid at naupo sa gilid ng kama. Tuwang-tuwang pinisil ko ang kanyang mga pisngi. "Ang cute-cute naman ng kapatid kong ito! Ang taba-taba ng mga pisngi!" Kiniliti ko pa si Heidi kaya mas lalo s'yang humagikhik. Sinusubukan n'yang kumawala sa akin pero mas lalo ko s'yang pinanggigilan. "Ang bago mo naman!" Natutuwang niyakap ko ang kapatid. "Siyempre naligo ako!" masiglang tugon n'ya. Nangingiting sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang mga kamay. "Kakain na ba tayo?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD