Jarrah's Pov: Dalawang araw na ang nakalilipas mula nang magkausap kami ni Theo at hindi na ulit nasundan iyon. Hindi s'ya umiiwas sa akin ngunit hindi rin n'ya ako kinakausap o ano pa man. Ni hindi n'ya ako tinitingnan, hindi nga lang ako sigurado kung ganoon nga ba ang nangyayari dahil aminado ako na ako mismo ay umiiwas na rin sa kanya. "Hey, Jarrah!" Napatingala ako sa dalawang lalaking lumapit sa bench na inuupuan ko— sina Rence at Jaztine. "Anong ginagawa mo rito? Lunch break pero narito ka at nag-aaral?" takang tanong ni Rence. "Baka mamaya niyan ay talunin mo na sina Theo at Zeke sa pagka-Magna Cüm Laude." Tumawa na lang ako at muling ibinalik ang atensyon sa binabasang aklat. Wala naman akong assignment na kailangang tapusin para sa mga subject namin mamayang hapon. Gusto k