Jarrah's Pov: "So, this is what this maze looks like," mahinang sabi ko habang nakatingala sa entrada ng maze. Nasa harapan na kami ng malaki at malawak na maze, nasa mismong entrance. Katulad ng nai-imagine ko na itsura ng maze ang tanawing nasa mismong harapan namin. Malaki iyon at mukhang malawak, halata naman iyon kahit na may kadiliman ang paligid. May mga ilaw naman sa paligid, nakakabit sila sa mga punong-kahoy at may dalawa hanggang tatlong metro ang distansya ng isang ilaw mula sa isa pa. Sapat lang iyon para bigyan ng liwanag ang paligid. Iyon nga lang, dahil sa literal na matataas ang mga punong nakapalibot sa maze at mayayabong ang mga dahon niyon, mas lalo iyong nagpadilim sa kinalalagyan namin ngayon. Mataas ang mga pader na bumubuo sa maze. Katulad na katulad iyon ng m