Jarrah's Pov: "So, habang tulog pala ako ay nag-deduct ka na," ani Theo habang nakatutok ang mga mata sa cellphone. "And we're really partners." Ibinulsa ko ang cellphone at sinimulang itali ang buhok. "Noong una ay hindi ko naisip ang mga bagay na iyon. Mas nag-focus ako sa paghahanap ng partner ko. Noong iyong mga hindi na magising ang hindi ko na natatanong, napaisip na ako. Hindi ko pa nakakalimutan na kaaway ang tingin sa 'yo ni Winca so, wala akong choice kundi ang isipin ang maaaring iniisip ng babaeng iyon." "Kaaway," natatawang ulit ni Theo. Ibinulsa n'ya ang cellphone. "Sobra naman yata ang term na ginamit mo." "Bakit? Anong gusto mong sabihin ko? Kakompetensya? That's understatement lalo na at alam yata ng lahat na gusto n'yang gumanti sa 'yo." I shook my head a few times.