Jarrah's Pov: "Ilang minuto na lang at alas cuatro na," imporma sa akin ni Theo. Tumango lang ako. Ang totoo ay pagod na pagod na ako at kakaunti na lang talaga ang lakas ko kaya kahit magsalita ay hindi ko na yata kaya. Hindi naman kasi biro kung gaano ang nilakad namin kanina. Pakiramdam ko nga ay nalibot talaga namin ang kahit kalahati nitong Farm Hunt. Farm Hunt ang tawag sa lugar na ito, kanina ko nga lang iyon nalaman dahil kanina ko lang iyon naalalang itanong kay Theo. Sa sobrang focus ko sa mga mangyayari mula pa kagabi ay iyon pa talaga ang nakalimutan kong alamin. Ngayon nga ay naglalakad na kami. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na naglalakad mula nang lumabas kami sa maze. Wala rin namang ipinagkaiba iyon dahil wala rin naman kaming ginawa sa loob ng maze kung h