Chapter 37- Edgy

2002 Words

Jarrah's Pov: "Namumutla ka, sigurado ka bang okay ka lang talaga?" Sinulyapan ko si Ezekiel bago tumango. "Okay lang ako." "Hindi ko na tatanungin kung nag-enjoy ka dahil halata namang hindi," aniya. Walang pagtatampo sa boses n'ya, mas nangingibabaw doon ang pag-aalala. Nahihiyang kinagat ko ang ibabang labi. Paano naman ako mag-e-enjoy kung hindi na nawala sa isip ko iyong nakita kong reaksyon ni Herald Peter kanina. Saglit ko lang s'yang nakita pero sigurado akong nakangisi s'ya nang mahuli ko s'yang nakatitig sa akin. Iyon nga lang, hindi ako sigurado kung sa akin nga ba s'ya nakatingin o sa direksyon lang namin. Hindi ko alam. At kanina ko pa rin iniisip ang tungkol doon. Malabo nga lang na sa iba s'ya nakatingin dahil nakita ko ang pagsalubong n'ya sa mga mata ko. Sa sobra

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD