Jarrah's Pov: "Oh, aalis ka rin ba ngayon?" Mula sa pagsusuot ng sandals ay napatingin ako kay Mama. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Muntik ka nang abutin ng dilim kahapon," komento ni Mama. Inilagay n'ya sa lamesa sa sala ang ilang natirang turon kahapon na kaiinit lang. "Pasukan na rin sa isang araw. Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka na para naman ay hindi ka pagod sa oras na magsimula ang klase?" Nang maisuot ko na ang sandals ay ang laman naman ng tote bag na dadalhin ko ang pinagtuunan ko ng pansin. Siniguro kong kompleto roon ang lahat ng kakailanganin ko. Wala naman akong planong maligo at maglaro sa dagat ngayon. Gusto ko lang talagang pumunta sa hidden haven. Parang may kung ano sa lugar na iyon na humahatak sa akin papunta roon. "Huling gala ko na ngayong