Jarrah's Pov: Gusto kong magtanong. Gusto kong humingi ng kahit anong dahilan mula sa kanya. Gusto kong bigyan n'ya ako ng kahit kaunting impormasyon para naman magawa kong timbangin kung ano ang dapat kong gawin matapos n'yang sabihin iyon. But, I couldn't. Nanatili lang akong nakatingin kay Theo. Ni hindi bumuka ang bibig ko para isaboses ang kahit isa sa mga katanungang nasa isip ko. Paano ko gagawin iyon? He warned me first. He made me promise not to ask anything. He trapped me with my own words. Ramdam ko ang pagkalukot ng laylayan ng suot kong pantulog. Mahigpit ang pagkakahawak ko roon, doon ko itinuon ang inis sa sitwasyong mayroon ako lalo na at hindi naman ako puwedeng magtanong. He got me just like that. Sinigurado n'yang wala akong magagawa kung hindi ang sarilinin ang