Chapter 43- A Warning

2015 Words

Jarrah's Pov: Nang matapos ang pag-uusap namin ni Ezekiel ay kaagad akong lumabas ng kwarto at bumaba. Nadatnan ko pa sina Mama at Papa na nasa living room, seryoso silang nag-uusap pero nang makita nila ako ay kaagad silang tumahimik. Hindi ko ipinakita ang pagtataka sa kanilang ikinilos. Lumapit ako sa kanila. "Bakit hindi pa po kayo natutulog, Papa?" tanong ko sa aking ama. "Maaga pa ang pasok ninyo bukas." Umiling lang si Papa bago sinulyapan si Mama saka tumingin sa akin. "May pinag-uusapan lang kami ng Mama mo, anak. Oo nga pala, mabuti pa ay lumabas ka at naghihintay ang kaklase mo sa may gate." Gusto ko pa sana silang tanungin kung ano iyong pinag-uusapan nila ngunit kaagad na napunta ang atensyon ko sa sinabi ni Papa. Kaklase? May kaklase akong pumunta rito sa amin? Sino nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD