Jarrah's Pov: Kumurap-kurap ako. Itinuro ko pa ang sarili para kumpirmahin na ako nga talaga ang sadya ng mga babae. Malinaw naman na ako ang sadya nila dahil inalam talaga nila ang pangalan ko, ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ang kailangan nila sa akin. "Bakit? May kailangan ba kayo sa akin?" muli kong tanong. "I'm Kelly," pakilala noong isa na may maikli ngunit makislap na buhok. She's tall and curvy. Sinuyod ko rin ng tingin ang dalawa pang kasama. Magaganda silang lahat, angat nga lang ang ganda ni Kelly dahil mukhang natural ang gandang mayroon s'ya. Lipstick nga lang yata ang nasa mukha n'ya pero kakaiba pa rin ang karismang mayroon s'ya. "Can I ask you a question?" diretsong tanong ni Kelly. Kung tutuusin, pang-kontrabida lang naman ang pangalan n'ya pero hindi ang