Jarrah's Pov: Maingat at maayos na itinali ko ang mga sintas ng suot na sapatos. Hindi mariin ngunit hindi rin madaling matatanggal kung sakali. Isang itim na t-shirt at itim na pantalon ang pinili kong suotin. Tama lang ang luwang ng mga iyon at hindi rin masyadong masikip, sapat na para makakilos ako nang maayos. Nakatali rin ang buhok ko at siniguro kong malalim ang bulsa ng suot kong pantalon. Matapos i-check ang suot ay ang bag na gagamitin ko naman ang pinagkaabalahan ko. Belt bag ang pinili kong gamitin at isang maliit na bottled water ang laman niyon, panyo, ang passes at cellphone ko. Wala naman akong ideya sa kung ano ang magaganap mamaya sa initiation. Inihanda ko lang talaga ang sarili ko lalo na at puwedeng magkaroon ng iba't-ibang klase ng activity roon. Hindi rin naman