Jarrah's Pov: Hindi na ako nagtaka nang makitang malaki at maluwang ang cafeteria ng eskwelahan. Mukha naman kasing lahat ng parte ng eskwelahang ito ay malaki at pinagtuunan ng pansin nang gawin. Hindi nalalayo ang itsura ng cafeteria sa cafeteria ng dati kong eskwelahan. Bukod sa laki niyon, maliwanag din at walang parteng hindi naiilawan ng mga ilaw. Maraming lamesa at upuan na nakahilera, may sapat na distansya mula sa isa't-isa. May mga lamesa na rin na para sa pang-isahan at dalawang tao lang. I saw the front. Madaming pagpipiliang pagkain at abalang-abala ang mga staff ng cafeteria sa paglalagay ng serving ng mga pagkain sa mga platong nasa tray na dala ng mga nakapilang estudyante. Normal ang tanawin sa loob— maingay at bahagyang magulo ang mga estudyante. Mayroong kasama sa